Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Dito sa Pilipinas, maraming tao ang nagka dengue taon-taon. Ang sanhi ng dengue? Kagat ng lamok.

Hindi lamang dengue ang maaring makuhang sakit mula sa lamok. Andiyan ang malaria, zika, at yellow fever na mayroon na rin dito sa Pilipinas. Di lang yan, masakit din at makati kapag nakagat ng lamok.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Pero paano nga ba maiiwasan ang kagat ng lamok? Ano ba ang pwedeng gawin ng isang pangkaraniwang tao, taga bukid o taga siyudad man? Ibabahagi ng artikulong ito ang mga natural na pamamaraan kung paano natin maiiwasan ang mga lamok.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Pagtatanim ng mga halamang nagtataboy ng lamok
Ayon sa ilang pag-aaral, may mga halaman na pwedeng itanim pangontra sa lamok. 
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Magandang balita ito para sa mga nagtitipid o laging gipit, dahil magastos din ang mga nabibiling spray na may kemikal. Maaaring palaguin ang mga halamang ito sa paso na pwedeng ilagay sa paligid ng iyong bahay o sa mga beranda o patio. Maaari rin itong itanim nang direkta sa bakuran o hardin.
1.   Tanglad o Lemongrass. Una sa listahan ng mga halamang pangkontra sa lamok ay ang Tanglad. Katulad ng Citronella, ang tanglad ay sinasabing isa sa mga pangkaraniwang sangkap ng mga mosquito repellents. Dahil sa taglay nitong maaskad na amoy, mabisang naitataboy nito ang mga lamok sa paligid.
Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Ang itsura ng Citronella ay parang tanglad, nagiiba lamang sila sa kulay ng tangkay at sa mas maaskad nitong amoy pag piniga ang dahon. Mapula ang tangkay ng citronella, mula puno hanggang dahon ng citronella, samantalang murang berde naman ang kulay ng tangkay ng tanglad.
 
2.   Amarilyo o Marigold. Ang marigold o mas kilala sa tawag na amarilyo, ay isang uri ng bulaklak na may masangsang na amoy at walang kaduda dudang mahusay pantaboy ng mga insekto at lamok. Naglalaman ang Marigold ng Pyrethrum, isang sangkap na matatagpuan sa maraming mga insect repellents. Itanim ang marigold sa paso at ilagay sa gilid ng bahay, upang pantaboy ng lamok.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?

3.   Basil (Balanoy). Hindi lamang isang mabisang pantaboy ng lamok, ang balanoy kundi isa ring masarap na sariwang sangkap sa mga lutuin. May iba't ibang klase ng balanoy, katulad ng Thai Basil, at Sweet Basil. Ang ilang mga dalubhasang hardinero ay iminumungkahing subukan ang Lemon Basil o Cinnamon Basil laban sa mga insekto. Imbis na bumili ng insect repellant lotion o spray, maaring dikdikin ang balanoy atsaka ipahid sa balat o sa damit.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
4.   Rosemary. Ang Rosemary ay isang imported na halaman na nagmula pa sa Europa pero napapatubo na rin dito sa Pilipinas. Ito ay karaniwang sangkap sa pagluluto ng karneng maaanggo katulad ng tupa, kambing o baka at sa mga malalansang isda. Ang angking amoy nito na nagtatanggal ng anggo at lansa ay siya ring likas na panlaban sa mga lamok. Perpekto itong idagdag sa halamanan o bulaklakan laban sa mga insekto, pero ligtas at nakakaakit pa ito ng mga paro-paro.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Pero kung ikaw ay isang katulad ng karaniwang tao na di maiwasang lumabas ng bahay dahil papasok sa trabaho, o di kaya ay pupunta sa mga bukid at gubat, hindi naman praktikal na may dala dala kang isang paso ng halaman para lamang makaiwas sa kagat ng lamok. Isa pa, hindi naman ang halaman mismo ang nakakataboy sa lamok, kundi ang katas o oil ng halaman. Kailangan mo munang dikdikin at ipahid sa katawan, bago ito maging epektibo.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Paggawa ng sariling spray laban sa lamok
Mas nanaasin mong gumawa na lamang ng isang panghaplas sa balat laban sa lamok o di kaya ay pang spray sa paligid na karaniwang pinagpupugaran ng mga lamok.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
At dahil sa nagtitipid ka, imbis na bumili ng mamahaling mga anti-mosquito repellant o spray, maaaring gumamit lamang ng katas ng iilang halaman at ihalo ito sa tubig. Pagkatapos ilagay ito sa mga mumurahing plastic bottle spray o di kaya sa mga napaggamitan na na walang laman na bottle spray.
Tuturuan namin kayo kung paano gumawa ng 2 klaseng sangkap para sa spray. Una, ang pang-spray para sa paligid, sa loob ng bahay o kagamitan. Pangalawa, ang pang-spray para sa balat.
 
1.   Pang spray sa paligid
Ayon sa mga eksperto, may tatlong mahahalagang sangkap sa paggawa ng pang spray laban sa lamok.  Ito ay ang:
a. Tubig,
b. Katas ng tanglad, at
c. Suka.
Kung walang tanglad, maaari ring gumamit ng citronella.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Sa pagkakatas ng tanglad, kumuha ng sampung buong tangkay ng tanglad, marahang dikdikin ito gamit ang almeres hanggang sa mapino, ihalo sa kalahating tasa ng tubig.
Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Lamasin, pigain at salaing mabuti. Ang nasalang katas ay haluan ng kalahating tasa ng suka, at isalin sa isang boteng pang spray. Meron ka ng pang spray laban sa lamok sa iyong paligid. Ngunit mula 2 hanggang 3 oras lang ang epekto nito.
 
2.   Panghaplas sa balat
Kung panghaplas sa balat naman ang gagawin, gumamit ng langis ng niyog sa halip na tubig at suka. Ihalo ang kalahating tasang langis ng niyog sa pinong dinikdik na tanglad, lamasin, pigain at salaing mabuti, saka isalin sa boteng pang spray. Palipasin muna ang 21 araw bago gamitin ang iyong mabisang panghaplas sa balat laban sa lamok.
 Ano natural na pantaboy sa LAMOK? Ano mabisang halaman pangontra sa mosquitoes?
Tunay ngang malaking banta ang kagat ng lamok sa ating kalusugan at sa kalusugan ng ating pamilya.  Sa videong ito ay natutunan natin na mayroong madali, natural, at murang alternatibong pamamaraan para maiwasan natin ang kagat ng lamok.
 
Sa bukid o sa siyudad ka man nakatira, mainam na tayo mismo ay gumawa ng paraan para pangalagaan ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay para hindi tayo magkasakit. Kailanman, mahalaga ang kalusugan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)