ANO PINAKA MABISANG GAMOT SA AN-AN? ANO SANHI O DAHILAN AT LUNAS

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano mga simpleng pero epektibo at mabisang paraan at mabisang lunas sa an-an?
Ang an-an (Tinea versicolor) ay isang impeksyon sa balat na gawa ng fungi. Ito ay parang mapa na kulay puti o di kaya’y kalat-kalat na hugis bilog o diskolorasyon sa balat. Madalas makikita ito sa parteng dibdib, likod, braso at leeg.
 


Sa dami ng maaaring pagpiliang gamot sa an-an, alin kaya ang mabisa? Ano kayang mahusay na paraan upang maiwasan ito?
 
Kung ang an-an ay nagsisimula palang, madaling malunasan ito gamit ang mga anti-fungal creams. Mahigit 70% ng mga gumagamit nito ay agad nakikitaan ng mabisang epekto. Kadalasang nirerekomenda ito isa o dalalawang beses sa isang araw, sa loob ng 1 linggong gamutan.
 
Ginagamit din ang anti-dundruff shampoo (pangkontra ng balukbak) sa pagpapagaling ng an-an. Mas mura ito at madaling bilhin sa mga tindahan o botika. Naglalaman ito ng ketokonazole na mabisang pang lunas sa fungi o fungus.  Ngunit masakit at nakakairita ito sa balat kaya naman ayaw ng ilan sa paraang ito. Mas mahina din ang epekto ng ganitong shampoo kung ikukumpara sa antifungal cream at oral na gamot.
 
Kapag ang an-an naman ay medyo kalat na, mas pinapayong uminom na ng oral anti-fungal na gamot. Sinasabing hangang 90% ang bisa nito sa mga taong may an-an. Subalit mas magastos itong paraan kumpara sa mga naunang nabanggit. Kinakailangan itong inumin sa loob ng isa o hangang dalawang lingo depende sa payo ng doktor.
 
Maaari ding gumamit ng mga natural na pamamaraan o mga gamit na makikita lang sa loob ng gating bahay tulad ng:
1.     Bawang – ang katas nito ay may tinatawag na allicin, isang mabisang pamatay mikrobyo at pangkontra sa pamamaga. Pitpitin lamang ang bawang at kunin ang katas nito. Ipahid sa parteng may an-an at hayaan lang sa loob ng 30 minuto bago banlawan. Pwede itong gawin dalawang beses sa isang araw. Maaari din naming kumain ng 2 pirasong bawang bago kumain o habang walang laman ang tiyan.
2.     Langis ng niyog – ipahid sa apektadong balat bago matulog at hayaan magdamag bago banlawan. Ang langis nito ay may pangkontra sa fungi na panglunas din sa an-an.
3.     Pulot-pukyutan (honey) - kagaya ng langis ng niyog at katas ng bawang, ipinapahid din ito sa apektadong balat at hinahayaan ng 30 minuto. Magaling itong pangtangal sa mga sintomas ng an-an.
4.     Sabila (aloe vera) – ang sabila ay may natural healing effect at nakakatulong bilang pangtangal maga at pangkontra fungi. Gamit ang katas ng aloe vera, ipahid sa apektadong balat at patagalin ng 30 minuto bago banlawan.
5.     Apple cider vinegar - uminom ng 1 kutsara  nito isang beses kada araw. Pwede din namang gawing pamahid ito sa pamamagitan ng bulak o malinis na tela sa apektadong balat. Gawin ito mga 2-3 beses isang araw.
6.     Luyang dilaw (Turmeric) -  maghanda ng dalawang kutsarita ng turmeric powder at dagdagan ng tubig. Haluin ito hanggang maging malapot. Ipahid ito sa parteng may an-an at maghantay ng 20-30 minuto. Pagkatapos banlawan ng malinis na tubig. Maaari itong gawin 3 beses sa isang araw.
 
Ang an-an ay maaaring kumalat o bumalik sa ibang parte ng katawan. Narito ang mga dapat tandaan upang makaiwas dito:
-       Maligo 1-2 beses sa isang araw
-       Iwasan ang masyadong pagbibilad sa araw
-       Huwag hayaang matuyuan ng pawis
-       Iwasan ang labis na ehersisyo o pagpapawis
 
Sa simpleng pagtingin sa balat, madaling malalaman kung ang tao ay may an-an. Ngunit minsan, ang mga doctor ay kinakailangan ding gumawa ng mga karagdagang pagsusuri tulad ng Skin scraping test at Wood test lamp  upang  makompirma ang fungus.
 
Kung ikaw ay may an-an, huwag mahihiyang magpakonsulta sa doctor. Mainam na makita nila ito at mabigyan ka ng mga pagpipiliang panlunas na naaayon sa iyong kagustuhan at badyet.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)