Ano ibig sabihin ng pilit hinihila ang kwintas sa leeg? Di matandaan ang tao sa panaginip

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko: May isang babae na kilala ko sa panaginip ko, ngunit ng magising ako, hindi ko na matandaan kung sino. Ayon sa panaginip ko, pilit inaangkin o inaagaw sa akin ng babae ang suot ko na kwintas na kung saan ay suot suot ko din sa kasalukuyan. Heart ang pendant, may bato at gold. Sinasabi niya na sa kanya daw ang kwintas ko. Hinila nya ito sa leeg ko at hindi siya nagtagumpay na makuha ang kwintas ko. Pinagtataguan ko daw siya para hindi nya mapilit na makuha ang sarili kong kwintas. Totoo po ang kwintas at suot ko siya ngayon sa totoong buhay. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Kung ninakawan ka ng kwentas sa panaginip mo, maaring mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sayo. Kung meron kang sekreto na yaw mong ipaalam sa ibang tao, siguraduhin mo na nakatago ito mabuti. May isang tao na siyang magbabagsak sayo at magbubulgar ng sekreto mo kung hindi ka maging maingat.
Sixteen 16
is in Qatar
Hi.. thanks...to clarify po,hnd po nya ninanakaw..kinukuha nya po ito s akin..ay cnsv nya s akin n s knya dw un... tpos, sbi ko dw akin un...tpos hinila nya s leeg ko, pero hnd xa nputol...hnd nya nkuha s akin..
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Maaaring isa sa mga kakilala o nakakasalamuha mo ay may inggit na nararamdaman sayo. Hinahangad na sana siya na lang ikaw.
Sixteen 16
is in Qatar
Gnun po ba.. ano nmn po ibg sbhin ng isa pa panaginip , nasa gubat daw kmi ,kitang kita ko cousin ko ang ksma ko..tumatakbo dw kming dlwa dhil my humahabol s amin , ng bglang my tumuklaw s akin n ahas at pinatay ko dw ang ahas, dinukdok ko dw ang ahas hanggng s mamatay..

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.