ANO PO ANG COPD? ITO DIN PO BA AY ISANG PTB ?

Angelo Jay Angeles
is a Cooperative Secretary in the Philippines Medical History

Ano po ang dapat kong gawin sa tatay ko na may COPD? Umiinom nadin po siya ng gamot at inhaler. Bakit po kaya minsan nagsuka siya dahil nahilo? Nong dinala ko po ang tatay ko sa center bumaba po yung pulse rate niya. 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Magkaiba ang TB at COPD. Kailangan ay strict na mag comply sa gamutan ang iyong ama at sundin ang payo ng doktor tungkol sa pag-inom ng gamot. Siya ba ay naninigarilyo noon at matagal na panahon?
Angelo Jay Angeles
is a Cooperative Secretary in the Philippines Medical History
Opo dok. Tapos nong kinausap ko siya na huwag nang manigarilyo, tumigil po siya. After non mga 5 years nagkaroon siya ng COPD sabi ng doktor. Dahil po ba yon sa biglaang pagtigil sa paninigarilyo?
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang TB o tuberculosis ay isang infection sa baga samantalang ang COPD o chronic obstructive pulmonary disease ay madalas dulot na malakas na paninigarilyo. Mabuting magpatingin sa isang doktor (pulmonologist) upang mas masuri at mabigyan ng nararapat na gamot. Kung nahihilo siya at nasusuka, maaaring may ibang dahilan. Mabuti tumigil na siya sa paninigarilyo, makakatulong ito sa kanyang COPD. Hindi siya nagka-COPD dahil sa biglang pagtigil sa paninigarilyo.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila