Ano po ang dahilan ng may kasamang dugo sa ihi?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ngayong umaga po kasi pagdating ko sa trabaho nagbanyo po ako at sa una po hindi naman masakit umihi at ng sa dulo na po biglang sumakit po at pagtingin ko po may dugo sa toilet bowl bigla po ako natakot tapos pinunasan ko po yung pwerta ko para masigurado ko po na dugo nga yun, ang yun nga po may dugo talagang galing sa pwerta ko. Ano po kaya ang dahilan bakit umihi ng may dugo?Pero nung kahapon po sumasakit na po ang pantog ko at ang balakang ko , parang ang bigat po ng puson ko kahapon . Sanhi po ba ito ng UTI?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Mataas ang posibilidad na ikaw ay may Urinary Tract Infection or UTI. Mas mabuting pumunta sa pinakamalapit na center o clinic o laboratoryo upang makapagpa-Urinalysis o makapasuri ng ihi. Madalas ay kinakailangan ng gamot nito gaya ng antibiotics depende sa taas o dami ng impeksiyon sa iyong ihi.
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang mga sintomas mo ay maaaring dahil sa UTI o urinary tract infection subalit maaaring may ibang dahilan din ito. Mabuting magpatingin ka kaagad upang masuri ka at masabi kung ito ay UTI nga. Kung ikaw nga ay may UTI, mangangailangan ka ng antibiotics. Huwag iinom mag isa ng kahit anong antibiotics. Dapat ito ay nireseta ng doktor upang masigurado mong tama ang klase ng antibiotic na iinumin mo.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila