Ano po ang dapat gawin kapag nauntog ng malakas ang ulo at nahilo ito pero wala itong bukol o sugat?

Cha Apaya
is a IT staff in the Philippines Medical History

Naaksidente po kasi ang sinasakyan naming jeep at yung ulo ko po tumama ng malakas sa ulo ng katabi ko at nag cause po ito ng aking pagkahilo. Ngayon po may parte ng ulo ko kapag hinawalan ay masakit at parang mabigat ang ulo ko po. Ano po dapat kong gawin? Kailangan ko po bang mag pa ct scan na? Maraming salamat.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ikaw ba ay nawalan ng malay o nagsuka pagkatapos ng pagkakauntog mo? May panlalabo ng paningin? Malakas ba ang pagkakauntog mo? Ayon sa iyong kwento, mukhang hindi pa naman kailangan ng CT scan sa ngayon. Pero kung mayroon kang pagkawala ng malay, pagsusuka o panlalabo ng paningin, magpatingin ka sa doktor kaagad at maaaring kailangan ng CT scan sa ulo.
Recommend Reply Report abuse
Cha Apaya
is a IT staff in the Philippines Medical History
Maraming Salamat po doc! :)
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila