Ano po ang dapat gawin namin na hakbang sa di nabayaran na utang?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Dear mam/sir,
Nais ko po sanang sumangguni sa inyo tungkol sa problema namin sa isang lending company,ito ang South AsiaLink na matatagpuan sa Ortigas.Last May 2018 bago po umalis ang aking asawa na si Angelo bilang isang seaman ay nagloan po kami sa kanila ng halagang P60,000.Ang simula po ng payment namin ay noong July 2018 pero sa kasamaang palad di po kami nakabayad dahil sa pagkakasakit nang aking biyenang lalaki na aming sinusuportahan.Dahil sa laki po ng gastos sa pagpapaospital at mga gamot niya every month ay nahirapan po ako ibalanse ang pagbabayad sa South AsiaLink.Nun ika apat na buwan na kaming di nakakabayad ay may pumunta sa bahay namin na collector nila.napagkasunduan namin na magreconstruct na lang ng account namin para makabayad pero talaga pong sa hindi namin kagustuhan ay di pa din kami nakabayad sa kanila every month.Ngayon po maya't maya na ang tawag nila saken para magbayad ako pero pag nakikipag usap naman po ako sa kanila ay napakabastos po ng dating nun collector nila na nagngangalang Kevin.Tinex pa ako na maghihila sila ng gamit samantalang alam kong di pwede yun dahil la naman court order para magawa nila yun.Sobra sobrang stress na po ang nangyari sa akin.Babayadan po naman namin ang pagkakautang namin ngayon pag uwi ng husband ko pero pinagbabantaa po kami nun isa pang collector nila na Kenneth ang pangalan na idedemanda na nila kami lalo na ag asawa ko ay isang seaman magrereklamo na din sila sa Marina.Takot na takot na po kami dahil gusto naman po namin makabayad yun nga lang nauna talaga yun biyenan ko dahil buhay naman niya ang agad naming isinalba..Sa ngayon po halos ang natitira lang sa pinapadala ng asawa ko ay para sa upa sa bahay at pagkain na lang halos naming mag ina.Di ko na po alam ang gagawin ko.Ayaw ko po na makulong kami at di na makaalis ang asawa ko pabalik ng barko dahil sa sabi nun collector na si Kenneth ay irereklamo nila ang asawa ko sa Marina.Sana po matulungan ninyo kami kung ano ang mga nararapat naming gawin.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Makignegotiate nalang po sa lending company mam na kung maari bigyan kayo ng kunting palugit babayaran ninyo lahat ng utang pagdating ng husband ninyo. Kung sakaling hindi pa rin kayo magbabayad at that time maaring magpapafile na sila ng kaso. Collection case lang naman po ito so negotiable pa rin sa korte. Kaya lang if ever hindi ninyo masettle talagang entitled yung lending company na maningil ng legal interest pati pa ang ginastos nila sa pagpafile ng kaso.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.