Ano po ang dapat namin gawing hakbang?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nais ko pong kumunsulta ukol sa aming kalagayan ngayon. Ako po ay naninirahan kasama ng asawa at anak ko sa bahay ng Lola niya. Ang lola niya ay nag-alaga sakanya mula pa sanggol siya at sila ang magkasama sa isang bahay pero noong may trabaho pa ang asawa ko ay nag stay-in siya sa trabaho niya. Last year ng mag pandemic ay umuwi kami dito at ako ay buntis na noon. Nag desisyon kaming mag stay na dito. Itong tirahan ng lola niya ay up and down. Ang isang anak ng lola niya ang nakatira sa 2nd floor kasama ng pamilya niya. Ngayon ang sabi sa amin ng lola niya ay saamin niya iiwan itong bahay na ito at sabi ng asawa ko noon pa naman daw sinasabi sakanya yon ng lola niya. Kaya lang may bunsong anak ang lola niya na naghahabol dito sa bahay na to. Last year nalaman namin na giniba ang tinitirhan nilang bahay na galing din sa lola niya dahil ito ay nakatayo sa bangketa na noon ay maraming bahay na nakatayo pero pinaalis nga sila dahil bawal yon. Nung wala pa kami dito ay nakiusap na sila na dito sila titira pero hindi pumayag ang lola ng asawa ko dahil 7 sila lahat na lilipat at ayaw ng lola sakanila dahil mga tamad at makalat sila sa bahay. Ngayon 9 months na ang anak namin ng asawa ko ay naririnig pa rin namin sila na gustong sila ang tumira dito at sila daw ang may karapatan. 

Hindi po namin sila nakakausap ng diretsahan tungkol dito at ayaw din silang sabihan ng harapan ng lola tungkol sa bahay. Dahil nga naman ay buhay pa siya pero nanggugulo na sila. Ang lola ng asawa ko ay may sakit na diabetes at ang asawa ko at kapatid niya ang nag aalaga sakanya noon pa man. 

Ano po bang dapat naming gawin na hindi naman lalabas na kami ay masama dahil apo lang naman ang asawa ko. Yun kasi ang sinasabi nila na dahil siya ang bunso dapat siya ang may karapatan dito. Pero di naman siya pinagsasabihan ng lola pag nagsasalita siya ng ganon hinahayaan lang siya. Nung huli ay nagwala sy dito at sumisigaw na lumayas daw kami dahil siya daw may karapatan dito. Salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
If buhay pa ang lola po ninyo at ang nasabing bahay ay exclusive property ng lola ninyo mas mabuting sabihan ninyo ang lola na gumawa po siya ng Deed of Donation para sa inyo. However, if that property is the conjugal property of your lola and lolo all of their children pati na ang mga apo ng namatay na anak ng lola po ninyo ay co-heirs sa bahay na yan. Being co-heirs all of you have equal share of the said property po.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.