Ano kahulugan ng panaginip ng kambal, isang malusog at isang mahina?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko na nanganak ako ng kambal na lalaki? Malusog ang isa at mahina naman ang isa? BABY DREAMS

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Temy Tabanao
is a Researcher in the Philippines
Ang panaginip ng pagkakaroon ng anak o “dream babies” ay karaniwang nangangahulugang may positibong mangyayari sa iyong kinabukasan. Senyales ito na nag-uumpisa ka ng isang panibagong aspeto ng iyong buhay.

Ayon sa Chinese astrology, kung ikaw ay buntis, nangangahulugang gusto mo magkaroon ng malusog na anak. Pero kung hindi ka naman buntis, maaaring gusto mo magkaroon din ng anak ayon sa subconscious mo. Maaari rin naman na senyales ito na buntis ka.
Ayon sa sikolohiya, karaniwan sa mga kababaihan ang panaginip na ito. Kailangan ding isaalang-alang ang nararamdaman ng nananaginip. Kung ikaw ay masaya sa nakikita mo, nagpapahiwatig ito ng pag-asa at kaligayahan. Kung hindi ka masaya o naiinis ka, wala kang nakikitang pag-asa o nawalan ka ng mga importanteng bagay sa buhay.
Ayon naman kay Vanga, ang kambal ay sumisimbolo ng pambihirang swerte o biyaya na magbabago ng iyong buhay. Ayon sa ibang interpretasyon, ang kambal ay may tiyak na paliwanag. Makikilala mo raw ang taong pinakakailangan mo sa kasalukuyan katulad ng kaibigan o karelasyon.

Kadalasang naghahatid ng positibo sa iyong kapalaran ang pagkakaroon ng kambal. Maaari kasing napapabuti pala ang mga pag-aari mo o ang aspetong pangpinansyal maging sa iyong trabaho, negosyo o buhay pag-ibig. O di kaya, may darating na magandang balita o magiging mahusay ka sa isang larangan. Hindi rin malayo na magkaroon ng mga masasayang pagtitipon sa inyong pamilya. Pagkakataon ito na magkita-kita muli at maging malapit sa isa’t isa. Maaari ring magkaroon ng kambal sa pamilya ninyo, kung hindi man ikaw ang mabubuntis.

Sa kabilang banda, nagpapahiwatig ito ng pagkakaiba o tunggalian ng dalawang bagay, ideya o isyu. Pwede ring may tinatago ka sa sarili mo na parte pala ng iyong pagkatao. Takot ka sigurong ipakita o hindi mo alam na may ganito palang parte sa pagkatao mo.

Kung ang kambal sa panaginip ay malusog, positibo ang hatid nito. Kayo ay magkakaroon ng mapayapa at mas maginhawang buhay, at pagkakasundo sa pamilya. Sa larangan ng hanapbuhay o negosyo, ikaw ay may seguridad. Senyales din na may masayang parte sa buhay mo. Wala kang inaalala. Tahimik ang puso mo ngayon. May bagong oportunidad para sa iyo at nakikita mong may saysay ang buhay.

Kung ang kambal naman ay sakitin, nangangahulugan ito ng pagkakadismaya, kalungkutan at paghihirap o stress sa trabaho, negosyo o pag-ibig. Ito ay maaaring magsimbolo ng pag-aalangan o pag-aagam-agam lalo na sa aspeto ng pagdedesisyon. Marahil ikaw ay nasa sitwasyon na kailangan mong pumili.
Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines
Sa kulturang Asyano, itinuturing talagang suwerte ang pagkakaroon ng anak na kambal kung kaya may darating din suwerte sayo. Subalit, ibang usapin ang pagkakaroon ng kambal kung saan ang isa ay malusog samantalang ang isa ay hindi. Marahil may matagal ka ng gustong hingin o gawin subalit ikaw ay nag-aalangan ituloy. Tinitimbang mo palagi kung ang mga susunod mong hakbang ay may mga positibo at negatibo nito sa'yo. Nariyan din ang mga bagay na nangangailangan ng iyong desisyon subalit kailangan mong mamili. Ang maipapayo ko lamang ay piliin doon sa mas nakakahigit at bukal sa iyong kalooban.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.