Ano po ang karapatan namin bilang isang caretaker?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kami po ay caretaker ng bahay at lupa ng namatay na naming amo. Kami po ay naninirahan sa bahay ng amo namin simula pa po ng mga early 1970's. Sa ngayon po, plano na po naming umalis sa bahay at lupa ng amo namin kasi po ay doon na daw po titira ang isa sa mga anak ng amo namin.
Ang tanong ko po ay may karapatan po ba kaming humingi ng sapat na halaga para po makapagsimula kami sa aming lilipatan? at ano ano pa po ang karapatan naming mga caretaker na nanilbihan ng almost 50 years sa amo namin? Salamat po.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mayroon po ba kayong written agreement na kayo ang caretaker? May sahod or atleast nakukuha naman kayong financial income sa pagiging caretaker or talagang pinatira lang kayo ng libre as long as pangalagaan ninyo ang bahay? Kung walang written agreement or pinatira kayo by tolerance or sa condition na libre lang ang pagtira ninyo at dahil naman kayo ang nakatira dapat rin ninyong alagaan ito wala po kayo makukuha bayad. Kaya lang lahat naman po ay makukuha sa usapan kung maayos lang ninyo hingin for consideration nalang po baka po maawa. Dahil kayo ang humihingi kailangan din ninyong magpakumbaba dahil wala naman kayong rights sa property talaga except if registered tenant po kayo mga farm ng namatay pwede po kayong maghain ng complaint sa DAR bago kayo mapaalis .
CJ Dela Cruz
is a NA in the Philippines
Tanong ko lang po, may kasing tulad po kasi ang kwento sa aking amain na caretaker. Siya po at naging caretaker sa among nasa ibang bansa sa loob ng 26 years na mag alaga ng 16 unit na aparments, libre lang po ang tirahan namin sa isang apartment. Ang amain ko po ay nanging all around caretaker din po sa 2 pa pong ari arian ng amo niya at araw araw pong nililinis at inaalagaan ang 2 bahay na malaki sa ibang lugar, gumagastos po ang amain ko sa pagpunta doon ng gas dahil may motor naman ang amain ko. Sa loob po ng 26 years wala po siyang nakukuhang bayad o sahod mula sa amo niya. Wlala din po kontrata na napirmahan, pero araw araw ang komunikasyon at utos ng amo niya sa aking amain sa pag aalaga sa malalaking bahay niya. Sa ngayon po ay nabenta na po ang lupa na tinitirhan kasama na rin po yung 16 unit ng apartments sa halagang 5 milyon. Bibigyan daw po ang amain ko ng 100k pesos. Gusto ko sanang malaman kung maaring mag demand po ang aking amain ng karagdagan halaga upang makahanap ng mas maayos na matitirhan. Sana po masagot nyo po ang aking katanungan. Maraming salamat po.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.