Ano po ang karapatan namin sa lupang pagmamay-ari ng gobyerno na naiwan ng namatay na awardee?

Jose Doliente
is a CSR in the Philippines

Ako po ay si Jose Doliente, nakatira sa antipolo San Jose Rizal ng sampong taon kasama ko po ang livein partner ko na anak ng awardee ng ISF ng DENR na si Rodita Calimbayan. Kami po ang kasama at nag- alaga sa matanda. Habang buhay pa siya, sa akin po pinagkatiwala niya ang decision sa lupa. Pinahati ko po ang lupa sa lahat ng anak niya para pangalagaan alinsunod sa agreement sa stewardship. Yung last na parte ay sa kanya. binigyan niya kami ng authority na pangalagaan ang parte niya at kung ano man ang decision namin ay siya na rin ang decision niya in case na patay na siya. Ang sulat na yun ay sulat ng livein partner ko at pirmado niya. Maliban doon, may sasakyan na pingalan sa akin. Yung livein partner ko ay biological grandchild niya pero siya ang tumayong mother at father ay yung biological grandrather na patay na rin.  Iniwan kasi yung partner ko ng anak niya sa kanya dahil naghiwalay silang mag asawa kaya ang father at mother ng livein partner ko ay yung biological grandparents niya doon sa livebirth at PSE. Dahil patay na sila, kami ang naiwan sa lupang share niya. Noong naghatian, di binigyan ng hati yung asawa ko. ngayon ginugulo kami palagi ng isa niyang anak na kapitbahay namin na umabot ng sakitan... Pinapalayas kami. Ako po ay dumulog sa inyo para humingi ng payo. Ang lupang ito ay pag-aari ng gobyerno at awardee o tagapangalaga lamang ang grandparents ng livein partner ko, may karapatan ba ako sa lupa? may kanya kanyang share na sila pero gusto ng isang anak niya na kunin lahat at paalisin kami. ito po ba ay nakapaloob sa family code kahit di private property ito. Binenta kasi ng isang anak niya share niya at gusto magbenta pa. pinaglaban ko po dahil kami nag-alaga sa matanda habang maysakit at binigyan kami ng authority.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Medyo naguluhan ako sa facts, ngunit kung ikaw ay live -in partner lamang sa isang heirs at wala naman kayong anak ng live-in partner talagang wala kayong laban nito. Sabihin pa nating may kasulatan na permado ng namatay hindi naman ito maituturing na last will or holographic will kung saan sulat kamay sana lahat ng namatay hindi ng live-in partner po ninyo. Ang gagawin ninyo makigpag-usap nalang po kayo sa mga heirs sa barangay at ipakita ninyo ang sulat na sinasabi ninyo for the purpose na kahit man lang ibigay nalang or bilhin nalang ninyo ang parte ng lupa ng namatay ngunit hindi ninyo sila mapipilit kung ayaw nila. Kung hindi talaga papayag kahit hihingi nalang kayo ng refund sa mga nagastos during the time na kayo po ang nag aalaga sa matanda dahil mahirap makipaglaban sa iyong kaso hindi kasi kayo kasal you have no legal right to claim po that share.
Recommend Reply Report abuse
Jose Doliente
is a CSR in the Philippines
Tatlo po ang anak namin ng livein partner ko. Ang livein partner ko ay apo ng namatay. Yung lupa po ay hindi private property kundi lupa po na under sa DENR. Awardee lang po siya. May last will po na pinagawa kaso void kasi walang witnesses na nakpirma.. Tanong ko lang po, yung lupa po ba na di personal property at pag-aari ng gobyerno ay sakop pa rin po ba sa family code? base sa policy na kung sino ang may pagmamahal sa lupa at may kakayanan na mag tilt or cultivate ng lupa sa member ng pamilya ng awardee ay doon ipasa. Kaya po nga hinati at kami yung nag-cultivate sa lupa at binigay sa amin... kung tutuusin, di qualified yung dalawa niyang anak kasi nasa ibang bansa, pangalawa yung isa niyang anak binebenta rin yung lupa kahit bawal at isa sa mga rules na di dapat ibenta.. pero wala po kaming paki alam sa share nila basta yung pinakatiwala lang sa amin.
Jose Doliente
is a CSR in the Philippines
common law wife ko po ang nagclaim kasama po ako. Yung common law wife ko po ay apo niya at anak sa papel
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ipagpaumanhin po medyo nagkamali sa sagot so parang stewardship certificates lang ang hawak ng lola niya. Actually, ang mode of transfer sa ganitong mga lupain ay through succession lang. Mas mabuting mabasa po ninyo ang certificate kung paano maitransfer ang ganitong rights. Isa sa mga qualifications kung bakit binigay ito ay dahil kailangang icultivate ito ng awardee. In your case, dahil apo naman ang iyong live-in partner at may mga anak kayo at you can establish na simula pa kayo na ng buhay pa ang lola na kayo na ang nagcultivate nito until now then you can apply for the transfer of rights sa Office ng DENR na po kayo mag apply nito. Pwede ring dalhin ninyo ang lahat ng ebidensya na nagpapatunay na sa matagal na panahon kayo na ang nangangala sa lupain na yan dahil kayo ang inaatasan ng lola ng iyong live in partner. Yong sinasabi po ninyong anak sa papel ang live-in partner registered po ba sa PSA na anak siya? Dahil kung ganun mas mabuti yang i attach sa application din doon sa DENR dahil that will give your live-in partner more rights na maibibigay niya sa mga anak ninyo .

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.