Ano maaaring gawin sa pananakit ng kanang tagiliran at kapag umiihi? May kulani sa leeg at bukol sa dibdib

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nais ko lang po sanang itanong Kung normal pa po ba ang nararamdaman ko po...Ako po ay 16 years old pa lamang, at minsa'y sumasakit ang aking kanang tagiliran bandang ibaba at minsa'y itaas..Sumasakit Di po sya kapag umiihi po ako.At may Kulani po akong nakakapa sa bandang leeg ko po pero Di po sYa gumagalaw at dalawa po silaa.May bukol din po akong nakakapa sa aking dibdib at Hindi din po sYa gumagalaw pero wala pong discharge na lumalabas sa aking nipples.Normal pa po ba iyo?
Maraming Salamat po sa pagtugon!!!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Ang pananakit ng iyong tagiliran tuwing umiihi ay maaaring isang senyales ng UTI o "Urinary Tract Infection" isang impeksyon sa daanan ng ihi. Ito ay sanhi ng bacteria na karaniwang matatagpuan sa "feces" (tae/dumi) ng isang tao. Mas madalas magkaroon ng UTI ang mga babae dahil mas maikli ang kanilang "ureter" na nagkokonekta sa labasan ng ihi papunta sa kaninag "kidney". Kaya't pinapayuhan ang mga babae na maghugas ng ari simula sa harap papuntang likod upang maiwasan ang paghalo ng bacteria na nagmumula sa "feces".
Maaaring ikaw din ay may impeksyon dahil sa pagakakaroon mo ng kulani sa iyong leeg. Ang pamamaga ng mga kulani ay sanhi ng pagkakaroon ng impeksyon na dulot ng virus katulad halimbawa ng pagkakarooon ng sipon.
Ang pagkakaroon naman ng bukol sa iyong suso ay hindi normal sapagkat hindi karaniwang tinutubuan ng bukol ang suso ng isang babae. Ang bukol sa suso ay nararapat na sumailalim sa "biopsy" upang malaman kung ito ba ay "cancerous" o hindi.
Maaari kang lumapit sa inyong pinakamalapit na health center upang magpakonsulta ng libre sa isang doktor at mabigyan ng nararapat na payo sa iyong mga nararamdaman.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.