Ano po ang mabisang gamot sa mayroong arthritis?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Napag alaman po namin na may arthritis ang nanay ko, magpatingin na din po siya sa iba't ibang doctor paeho lang po yung sinasabi na may rheumatoid arthritis ang nanay ko, namamaga na po ang mga joints niya sa paa at sa may siko pati po yung mga daliri niya, umiinom naman po siya ng gamot na resita sakanya, ang problema nga lang po tuwing umiinom siya ng mga gamot na resita sakanya sumisikip naman po ang dibdib niya. Sana po matulungan niyoako. Gusto ko pong gumaling ang nanay ko. Maraming Salamat po.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Gaano katagal na po ang arthritis ng inyong nanay? Ano anong gamot ang iniinom niya? Ano ang iba niyang sakit? Nagfollow up na ba kayo sa kanyang doktor? Maganda po kasi sa mga pagkakataon ganito na Di umaayon or may ibang nararamdaman ang pasyente, na bumalik doon sa inyong doktor dahil siya yung may alam at nakasuri sa pasyente. Maaring mapalitan niya ang current na gamot, kumpara po sa online na Di naman makakapagreseta.

Ang gamutan sa RA ay pag bawas ng pamamaga at sakit. Makakatulog ang passive active exercise, at pagbabad sa maligamgam na tubig. Sa gamot naman usually NSAIDS tulad ng naproxen sodium ang binibigay para sa sakit. Para naman sa pamamaga at pag bagal ng pag lala ng sakit, maraming options tulad ng steroids and marami pang mas bagong uri ng gamot para sa RA. Kaya mainam na magpakunsulta sa espesyalista, or rheumatologist para mabigay ang ibat ibang choices.
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice