Sana matulungan nyo po ako.
Nagbackout na po ako sa Agency na pinag-applyan ko po.
Pumirma na kami ng WITHDRAWAL FORM, pero nung kinausap kami. Ang sabi ng AGENCY, dahil nakapag issue na daw po sila ng INSURANCE galing sa employer, tatanungin daw po muna nila ulit sa employer kung ano ang sasabihin regarding sa aking WITHDRAWAL.
Ang naprocess palang po sa akin ay VISA STAMP.
From the start. Ako yung gumagastos. Ito po yung nagastos ko.
Commitment Fee - 3k
Medical Fee (twice dahil sa tagal na expired yung una) - 3,500 x 2 = 7k
MMR Vaccine - 1200
VISA Stamping - 5,550
Apostille of NBI - 100
Never po ako nakapag sign ng CONTRACT and wala pa pong PLACEMENT FEE akong binabayaran.
Ngayon pinag aantay po nila ako sa sasabihin daw po ng EMPLOYER at the same time ibabalik nalang daw po nila yung COMMITMENT FEE na 3k. Kaya hinohold po nila yung PASSPORT ko.
Tama po ba na hindi nila agad ibalik yung PASSPORT ko kahit wala naman akong BALANCE or NEED TO PAY?
Sana po matulungan nyo ako. Maraming Salamat po.