Ano po ba ang dapat gawin kapag may taong pilit ka pinag bibintangan ng maling paratang?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sisimulan ko po ito sa ex ko po, Naging malapit kami sa bawat isa ng pamilya ng aking ex noong taong 2014 ako ay 15 years old lamang po noon. At nangyare na napalapot din po ako sa asawa ng pinsan niya na mas nakakatanda saakin kaya naman ako ay napalapit sakanya dahil siya naman ay mabait. To make my story short, kay ate ko natutunan ang ilan sa buhay buhay katulad ng wag maging duwag, wag mag papaapi at mas lalong wag mag papa uto.Dahil noong panahon na po nayan ay bata pa po talaga ako. Hanggang sa tinuruan niya ako mag tinda sa pwesto siya sa tiange at napag kakatiwalaan niya naman po ako at ng buong pamilya nila. Nag babantay din po ako sa tindahan nila sa bahay po nila kada walang tinda sa tiange, at nanilbihan po ako sakanya / sakanila ng 5-6years at kahit hiwalay na po kami ng pinsan ng asawa ni ate ay tuloy pa rin po ang pagtatrabho ko po sakanya. Ganito po ang problema ko , dahil alam po ni ate  ang kahiyaan ko at alam niya din pong hindi ko po kayang ipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng aspetong ibinibintang niya po sakin o pinaparatang. Nangyare po na kinakain na po ako ng depression dahil wala po akong ibang matakbuhan at mahingan ng tulong. 4months ago po nag paalam po ako kay ate na ako po ay aalis na po sakanya sa pagtitinda dahil po yung kinakasama kopong bago ay pinag bawalan na po akong magpunta punta at makipag ugnayan pa po kahit isa sa pamilya ng aking ex po nag paalam po ako ng maayos para narin po wala po kaming problema , bali pangatlong beses ko napong paalam sakanya yun na magkakahiwalay na taon at laging ending hindi niya po ako pinapayagan na umalis po sakanya. Siguro po ay naramdaman niya po na sincere na po ako nung huling paalam ko kung kaya ay nagkabilangan po sila ng paninda sa pwesto ng iba pang kaibigan niya at ang kinakalungkot ko po ay ako po ay pilit po nilang pinag babayad ng malaking halaga na 8k dahil ninakawan kodaw po si ate. Sa biga ng loob ko ay kinausap ko po si ate at kumontra po ako sa mga paratang po nila sakin dahil kahit kailan po ay hindi ko po kayang gawin sakanya yon sapagkat ako lamang po ang bukod tanging pinagmamalaki ko po ang sarili ko na hindi po ako sinungaling at lalong malikot ang kamay po at miske si ate ay alam niya po iyon. kaso sa lagay ko po ay tila wala na po akong ibang paraan para ipagtanggol ang aking sarili sapagkat kaya niya pong gawin ag lahat dahil siya ay mapera at ako ay isa lamang mahirap. sana po ay matulungan nyo po ako dahil hanggang ngayon po ay nagchachat po sakin si ate at binabantaan niya po ako na labis ko po ikinatatakot

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
If talagang wala kayong kasalanan o nagawang krimen hindi dapat kayo matakot. Lalabas naman ang katotohanan sa korte if talagang nagnakaw po kayo yan if gusto nilang magfile ng kaso. Para sa aking if ever magtetext pa rin siya sa inyo regarding sa utang sagutin po ninyo na hindi ka talaga nagnakaw at kaya po ninyo harapin or panindigan. You may use that text message as evidence. After that huwag kanang magreply let her prove the case. If you have evidence to show na talagang inocente po kayo or mga witnesses makatulong sa inyo kausapin nalang po ninyo na magpatulong kung sakaling uuwi ito sa korte. Nguni maliit lang naman ito mas mabuting maghanap ka nalang ng ibang trabaho.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.