Ano po ba ang dapat kong gawin na ayaw ibalik sa akin ng agency ang passport ko dahil gusto po nila bayaran ko daw po muna lahat ng ginastos nila?

Mel Bdeb
is in the Philippines

Kasi ppumirma na po ako ng contract kaso may problema sa medical ko hanggang maexpired na po gusto nila magparemedical ako kaso di ko po kaya ang gastos nagbackout ako 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Bakit hindi mo subukan dahil nakapirma ka na ng contract na kung maari mag cash advance ka muna para ipang gastos sa pagpaparemedical mo sayang din naman kasi if fit to work or may medication lang na imaintain mo makapagtrabaho ka pa. Kung ayaw nila you can make this a ground na magback out hindi mo naman kasalanan kung may sakit ka talaga at hindi mo kaya ang gastuhin sa pagpa medical uli. Obligasyon kasi dapat ng agency na i secure na fit to work ang mga ofw ang maipapadala. Kung i hohold yong passport mo at pabayarin ka talaga pwede ka namang pumunta sa opisina ng PAO or kahit sa mga IBP office may mga legal aid naman sila magpagawa ka ng demand letter para makuha ang passport mo. Maari ring ireport mo ito sa office ng DFA, atleast maverify din nila if hindi ba illegal recruiter ang inaapplayan mo.
Recommend Report abuse
Mel Bdeb
is in the Philippines
nagcomplaint na po ako sa poea at may case no. na po kami kaso nung nakareceived po ang agency ng sched ng hearing kinausap po ako at ipaparemedical nila ako uli tutulungan ngunit iuurong ko po ang kaso sa poea which is ginagwa ko po dahil desperate na po ako na makaaalis dahil ilang buwan na po akong nakatambay at hawak nga po nila ang passport ko ngunit sa pangalawang pagkakataon may panibagong problema po uling lumabas sa medical ko at everytime na magfo follow up po ako sa agency laging sagot po e wait ng update is almost 2 months na naman po , ano po ang dapat kong gawin kung sakaling sa pagkakataon na ito di pa din nila ako mapaalais at ayaw naman po nila ibigay ang passport ko almost a year na po sa kanila ang passport ko at di ako makapagapply sa iba mahabahabang panahaon na po ang nasasayang sa kin, salamat po
Recommend Report abuse

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.