Ano po ba ang retroflexed uterus?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

2years na po kami ng asawa ko kaya lang wala pa po kaming anak ngayon. Nagpacheck ako sa ob at nagpaultrasound, retroflexed po ang position ng uterus ko.  Sabi ng ob mahirap daw akong buntisin. Ano-ano po ba ang dapat naming gawin upang akoy mabuntis. Regular naman po ang mens ko, wala namng problema yung asawa ko. Looking forward sa inyong advices po. Salamat. God blesa you po

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang ibig sabihin ng retroflexed uterus ay ang iyong bahay-bata ay nakaposisyon patalikod at hindi paharap. Ito lamang ba ang nakita sa examination sa iyo? Maaaring may ibang dahilan kung bakit hindi ka nabubuntis. Paano mo nasabi na ok ang iyong asawa? Nagpasuri na ba siya ng semilya? Mabuting tuluy-tuloy ka na magpatingin sa iyong OB-GYN upang magabayan ka sa iyong problema. Maraming pwedeng gawin sa isang mag-asawang nahihirapan magkaanak. Ang unang dapat gawin ay alamin ang sanhi nito.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila