Ano po ba ang tama at dapat kong gawin kung bumabalik feelings ko sa tomboy?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay my karelasyon dati na tomboy more that 7 years po kami. Tapos naghiwalay po kami at nagkaboyfriend po ako, coming 3 years na po kami ngayon.
Kaya lang po biglang bumalik ang feelings ko doon sa tomboy. Mahal ko po boyfriend ko pero parang mas komportable ako doon sa tomboy.
Naguguluhan ako, sana mabigyan niyo po ako ng payo. Maraming Salamat po

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines
Walang masama magmahal sa isang tao, tomboy man o straight na lalaki. Ngunit importante na maging totoo sa iyong karelasyon at sa sarili. Maglaan ka ng oras para sa sarili para makapag-isip kung ano ba talaga ang tunay mong nararamdaman.

Kumuha ng papel at ballpen at itala ang mga negative at positive ng bawat isa. Maglista ng mga katanungan at isa-puso ang ang sa tingin mo ay sagot sa mga tanong. Halimbawa:
1. Gaano ako kasaya? (ilang porsyento) Mga dahilan na nagpapasaya sa akin.
2. Gaano ako kapanatag kapag kasama ko siya? (ilang porsyento) Mga dahilan na nagpapasaya sa akin.
3. Gaano ako ka-open sa kanya? (ilang porsyento) Mga dahilan na nagpapasaya sa akin.
4. Ano ang mararamdaman ko kapag mawala siya sa buhay ko? (ilang porsyento)
5. Bakit nasabi ko na mahal ko pa rin ang ex ko?
6. Ano ano ang mga negative at positive na katangian ng isa’t isa?
Ito ay ilan sa mga katanungan lamang na maari mong itala.

Normal lang na magkumpara ng dati at bagong karelasyon. Hindi rin basta basta madali makalimutan ang isang karelasyon ng 7 years, kung kaya't di rin nakakapagtaka kung maisip mo siya. Isipin mabuti kung sino ang lubos na nagpapasaya sa iyo, sa hirap man o ginhawa. May problema man kayo kinakaharap o wala. Sa kaibaturan ng iyong puso, makikita mo ang kasagutan, kailangan mo lang ng panahon para makapag-isip.

Maaari bumalik ang pagtingin mo sa ex mo dahil may nakita kang negatibo sa kasalukuyan mong karelasyon. O di kaya nahaharap kayo sa matinding pagsubok. Maaari din na mas ramdam mo na safe ka sa ex mo dahil ikaw lang talaga ang mamahalin niya at may pagdududa ka sa boyfriend mo baka makahanap ng iba.

Kung ang tomboy talaga ang mahal mo, kausapin mo ng masinsinan ang iyong boyfriend. Kapag ang boyfriend mo naman ang mas matimbang pa din sa iyo, mas maganda na kalimutan mo na ang ex mo. Makakabuti din na wag kana muna magkaroon ng kontak sa ex mo, upang hindi ka maguguluhan sa oras na nagkakaproblema kayo ng boyfriend mo at andyan pa din ang ex mo na dumadamay sayo. Mag-isip ng mabuti para hindi pagsisihan sa huli ang desisyon.
Recommend Reply Report abuse