Ano po kaya ito o daihlan? Ano sanhi ng namamagang ari ng babae?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Pag hinahawakan siya masakit po saka minsan makati pag naiipit.Ano po kaya ito?

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maaaring iyan ay "vaginal cyst". Ang vaginal cyst ay isang bukol na may lamang tubig o hangin o iba pa. Kadalasang tumutubo ito kapagang isang butas sa loob ng parteng ito ay nagkaroon ng bara kaya't ito ay mapupuno ng tubig o iba pang materyal sa loob nito.

Ito'y hindi dapat magsanhi ng pananakit maliban na lamang kung ito ay lulmalaki na at ito'y maaaring magdulot sa tuwing maglalakad, o makikipagtalik. Maaaring din magsanhi ng pananakit kapag ito ay naimpeksyon dahil sa bacteria na natatagpuan sa balat o kaya nama'y dahil sa isang STD.

Upang maibsan ang pananakit, maaari mo itong hugasan ng maligamgam na tubig o kaya nama'y maaari kang umupo sa isang batya o timba na may maligamgam na tubig ilang beses sa loob ng 3 hanggang 4 na araw.

Maaari kang magpakonsulta sa isang OB Gynecologist upang mabigyan ng sapat na payo o kung ito'y nararapat pa bang sumailalim sa mga test.

Narito ang isang artikulo tungkol sa vaginal cyst na maaari m ong basahin.

https://www.webmd.com/women/guide/vaginal-cysts-causes-symptoms-treatments#:~:text=Cysts%20are%20just%20one%20type,seen%20with%20the%20naked%20eye

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.