Ano po kaya nangyari Yon asawa ko po nauntog. Tapos ilan araw sumasakit ulo niya. Minsan po ng dodouble vision din siya at minsan nawawala naman paningin. ."?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History



Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Posibleng nagdulot ng "concussion" ang pagkauntog ng asawa mo.
Ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ay pananakit ng ulo, "double vision" o panlalabo ng mata.

Iba't iba ang maaring maranasan ng isang indibidwal na nakaranas ng injury sa ulo kaya't mas pinapayuhan na dapat mapatingin ito sa isang "neurologist" o espesyalista sa utak, spinal cord, nerves at muscles upang mabigyan ng karapat dapat na payo at treatment ang iyong asawa.

Maari siyang magpahinga at iwasan ang mga aktibidad na maaring magdulot ng aksidente gaya ng pagda-drive dahil sa mga nararanasan niyang sintomas. Mas mabuti din na mababantayan siya ng isang kasama sa bahay upang mamonitor ang kanyang mga nararamdaman habang naghihintay sa pagpapa-check up sa doktor.

Narito ang link ng isang artikulo na maari mong basahin upang magkaroon pa ng karagdagang impormasyon.

https://www.healthline.com/health/concussion#symptoms
Mark Anthony Fernandez
is a Mechanic in the Philippines Medical History
Thank you mam. March pa po nangyari pagkakauntog niya tapos po pasumpong sumpong sakit ng ulo niya at panlalabo ng mata.
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Opo. Maaari pong epekto iyan ng pagkakauntog niya kung naranasan lamang po ang mga sintomas na iyan simula ng mauntog siya. Maaari po kayong magpakonsulta sa doktor kahit sa pinakamalapit na health center dahil libre lang po doon at maiwasang mapalayo pa o pumunta pa ng ospital. Siguraduhin lamang po na makapunta kayo sa tamang schedule at oras ng pagpapakonsulta upang hindi masayang ang araw ninyo at upang mabigyan na din kayo ng kapanatagan. Salamat po.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.