Ano po kayang herbal medicine ang pwede kong itake sa madalas na pagubo?

Lavina Ricafort
is a None in the Philippines Medical History

Hindi na po ako nakakatulog ng maayos sa gabi at panay din ang ubo sa araw...Sumasakit na din po ang tagiliran ko tuwing uubo..! Bumili po ako ng Robitussin DM sa Mercury Drug Store..panay lang po ang pagubo ko  na me nilalabas laging plema..yung ubo ko po eh me kasabay pang biglang pagtulo ng sipon..nd naman po sumasakit ulo ko...ano po kayang tamang remedy para tuluyan ng mawala ang ubo ko...mali po ba yung iniinom kong gamot..Sana po matulungan nyo ako have a nice day po & God Bless 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Huwag kang iinom ng kahit anumang herbal supplement. Ang mga ito ay hindi proven na makakatulong sa kahit anumang sakit. Maaaring makasama pa ito dahil walang mga pag-aaral tungkol sa mga pwedeng maging epekto at side effect nito sa katawan. Gaano na katagal ang iyong ubo? May lagnat ka ba? Mabuting magpatingin sa doktor upang masuri ka mabuti. Baka mangailangan ka ng chest x-ray at examination sa plema (lalo na kung higit sa 2 linggo na ang iyong ubo). Pwede naman ang ininom mo na gamot pero ito kasi ay pampalabnaw lamang ng plema (upang maiubo mo palabas) at hindi pampahinto talaga ng ubo. Maaari ngang mas maging madalas ang pag-ubo mo dahil mas ilalabas mo ang plema. Kung hindi pa rin nag improve ang iyong sintomas, mabuting magpatingin ka sa doktor. Hindi rin kasi pwede na uminom ka basta basta ng gamot na pampatigil sa ubo kasi ito ang paraan ng katawan para mailabas mo ang iyong mga plema.
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila