Ano po magandang gawin my problema ako sa Xwife ko regarding sa utang, property,sa support at sa Bata lagi niya ginugulo at sinisiraan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwedi po pm.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi pa po ba legally terminated ang marriage with your ex wife? Kung hindi may karapatan po siyang habulin ang karapatan niya at mga anak niya laban sa iyo. Mas mabuti kung maaring masettle po ang ganitong isyu na hindi aabot sa korte at magkaroon nalang po kayo ng agreement sa kung paano po mababayaran at magkano ang supporta para sa mga anak ninyo. Pero kung gusto po ninyong masettle once and for all sa korte mas mabuting magfile nalang po kayo ng annulment or legal separation dahil and desisyon ng korte ay sabay na po nito ang settlement of property at kung magkano ang suporta na kailangang ibigay mo sa iyong mga anak po. But as of now kailangan manatili po kayong magbigay ng support sa inyong mga anak para po hindi kayo makasuhan ng criminal case under RA 9262 ("Anti-Violence Against Women and Their
Children Act of 2004) dahil po sa hindi ninyo pagbibigay ng supporta. Kung may kriminal case po kayo mahihirapan po kayong makalabas para po magtrabaho.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi good po atty.hindi pa po eh ngfile nga po sa fiscal NG R.A 9262 mhirap po kasi my personal siyang galit sakin ngsusuport Naman po ako Hindi ko expect ganito gagawin skin Hindi ko tinatago mga recibo pgngpapadala ako pera na settled Naman po yung case kaso sa ngayon Wala po ako work lagi niya ako ginugulo at pingkakalat na binubugbog ko pa daw siya my kakampi po siya sa barangay namin at Lolo niya fiscal pa Kaya ngayon Hindi ako ngbibigay support sa bata sinisiraan ako kasi gusto niya masolo Yung bahay namin umutang nga Lang ako pera sa nanay ko para ma fully paid ang bahay ngtiwala nanaman ako sa kanya NG bayaran ko now po pinalalabas niya na wala kami utang sa nanay ko ipon ko daw yun Alam naman niya na utang ano po gagawain ko?puwedi po ba niya ako kasuan kahit Wala ako work? kailangan ko po talaga ng tulong Hindi Ko na po Alam ang gagawin ko sobrang depress na ako wala aka mhingian ng tulong atty.ang dami ko pa tanong sana salamat po.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung hindi po kayo nagbibigay ng support dahil wala pa po kayong work pwede naman po kayong mag explain sa inyong sitwasyon sa korte kaya lang kung may iba pa po kayong sources of income other than salary maaring doon po muna kunin ang supporta na iibigay mo. Kung walang trabaho pwede po kayong mag avail sa libreng serbisyo sa office ng PAO/IBP offices na malapit sa inyo nagbibigay po sila ng libreng legal na serbisyo para po sa mga indigent or those suffering from financial capacity para kumuha ng isang private lawyer. Kaya lang kung ang bahay at lupa na sinasabi mo ay nakapangalan sa iyo baka hindi po kayo magqualify sa PAO pero mas mabuti narin na pumunta sa kanilang opisina. Magiging defense mo ang hindi pagbibigay ng financial support dahil wala po kayong trabaho.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty. Ask po Yung sa utang namin sa nanay ko paano Naman umabot Na po sa 1M utang ko ayaw naman niya ako tulungan mgbayad ako po yung ngdudusa ngabroad po ako para mkabayad ng utang sa nanay ko kaso ng umuwe na ako sa Pinas umalis na asawa at isinama niya anak ko lahat NG gamit napundar ko Sabi niya hiwalay na kami lahat gusto niya siya ang masunod ngayon ginigipit pa ako sa support dami ko na na sirang pera sa kanya ganito pa ginawa skin paano po siya masisingil or pwede ko pong pngbayad utang yung bahay at lupa na bili namin?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day atty. Huli na Lang po tanong paano ko po masisingil sa mga utang namin Kasi PO ako Lang nagbabayad sa nanay ko at pgnka work na ako gusto niya is 50-50 kami sa sahod ko at lagi niyang gusto Makita yung payslip ko pero sa side niya Hindi niya binibigay mga info sa work at sahod niya ano po magandang gawin inaayos ko po sarili ko makakuha ng magandang trabaho masaklap lagi niya ako ginugulo.thanks po atty.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede po kayong magkasundo na gumawa ng compromise agreement sa kung magkano ang dapat na ibigay na suporta at paano ninyo hatiin or babayaran ang nasabing utang. Pwede po munang mag usap nalang muna kayo sa office of the barangay kung saan siya or kayo po residente para naman recorded ang inyong pag uusap at napagkasunduan. Kung hindi pa rin mas mabuting sa korte nalang po ninyo iparesolve ang termination ng inyong marriage at para masettle din sa korte kung magkano ang dapat na ibigay mong supporta sa inyong anak.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty.now ko lang po nalaman nasa batas po yung sahod is conjugal property my rights po ako mghabol sa asawa ko dahil my trabaho siya humingi ako NG tulong dahil Wala po akong trabaho NASA batas 50-50 kami dahil conjugal ngayon puwedi ko bang kasuan pgngmatigas siya na Wala na siyang pakialam sakin. Maraming salamat po sa lahat NG payo ninyo atty. Godbless po!

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.