Ano kahulugan ng panaginip ko tungkol sa Alugbati?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po meaning ng panaginip ko tungkol sa alugbati? Nag lalakad po ako kasama ung bf ko. Tapos may mga naka helera na halamang alugbati bawat daanan ko... Tapos sumasabit ung bunga sa damit ko bandang braso? Please paki sagot po ano ibig sabihin. Salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Temy Tabanao
is a Researcher in the Philippines
Ang panaginip mo kasama ang alugbati o uri ng vines ay karaniwang sumisimbolo sa kasaganaan ng kalusugan, materyal na pag-aari o relasyon sa ibang tao. Kinakatawan din nito ng iyong mga tagumpay. Marahil ipinapakita rin nito ang iyong mga pangarap o kagustuhan sa buhay. Sa kabilang banda, ipinapahiwatig nito ang relasyon mo sa ibang taong nakapaligid sa iyo. Sa panaginip mo, ang pinakamalapit na tinutukoy ay ang iyong kasintahan. Marahil kinakatawan nito ang pagiging malapit niyo sa isa’t isa. Maaari rin namang may mga problema ang inyong relasyon kung saan nararamdaman mo na nakukulong ka at nagiging miserable. O di kaya, may mabilis o kumplikadong pagbabago sa buhay mo na gusto mong takasan. May kagustuhan kang makawala at magkaron ng kapayapaan. Maaari rin naman na ibang tao ang tinutukoy sa panaginip katulad ng iyong pamilya o mga katrabaho na nagbibigay ng sakit sa ulo. Pakiramdaman mo rin ang sarili kung ano iyong naramdaman mo habang nakikita ang alugbati at nung pumulupot ito sa iyo.
Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines
Ang gulay ay sumisimbolo ng kasaganahan! Doble ang dala nitong swerte kapag ang taong nakapanaginip nito ay mahilig kumain ng gulay. Kamalasan naman ang turing nito sa mga hindi talaga kumakain at ayaw sa gulay. Kung ikaw ay kumakain ng gulay, ang mga bunga na sumasabit sa iyong braso ay sumisimbolo ng may darating na swerte sa iyong malapit na mahal mo sa bahay. Kung ikaw ay hindi talaga kumakain ng gulay, may papasanin kang responsibilidad o kaya ay suliranin mula sa mahal mo sa buhay.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.