Ano ibig sabihin ng panaginip na may nagbigay ng kwintas?

Florida Suyat
is in Hong Kong

Ano po meaning ng panaginip ko na kwintas? Binigay at isinuot daw sakin ng taong my matindi ang sama ng loob ko

About the author

Florida Suyat

Hong Kong , Isabela

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Temy Tabanao
is a Researcher in the Philippines
Karaniwang kahulugan ng pagsusuot o pag-aari ng kwintas sa panaginip ay ang kawalan ng pagkakuntento sa mga gustong mangyari o maangkin sa buhay. Mapapansin na malapit ang kwintas sa leeg o sa bahagi kung nasaan ang puso. Ang karaniwan na paliwanag dito ay kinakailangan mong pagbutihin ang iyong komunikasyon sa iba, ang puso mo o kalagayan ng buhay pag-ibig. Kung matatandaan mo rin sana kung ano ang hitsura ng kwintas at anu-ano ang mga bumubuo nito, makabubuti upang malaman kung anong parte ng buhay mo ang nangangailangan ng atensyon at kung anu-ano ang mga naibigay sa iyo na nakatulong.

Sa ispiritwal na pagpapaliwanag, sumisimbolo ito ng iyong dignidad at dangal. Maaari rin itong magsilbing kapangyarihan na mayroon ka bilang gusto mo na mas nakatataas ka sa taong nagbigay sa iyo. Ang pagbigay sa iyo ng kwintas ay pagsuko ng sarili o pagpapakumbaba ng taong nagbigay sa iyo. Sumasalamin ito sa ugnayan ninyong dalawa. Kung binigay ito bilang regalo, kinikilala niya ang mga natatangi mong katangian.
Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines
Mas mainam kung isinalarawan mo kung ano ang hitsura ng kwintas. Kung ito ba ay simple o tadtad ng ginto o mga makikinang na bato. Ang pagbibigay ng regalo mula sa kaaway ay nangangahulugan ng gusto nito ng kapayapaan. Subalit sa inyong parte, may hinihingi kang kapalit o mga kondisyones bago mo syang mapatawad. Mas mainam na bigyan mo ng kapatawaran ang taong nagdudulot ng sama ng loob mo at magsilbing leksyon o aral ang anumang bagay na ginawa niya sa iyo.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.