Ano po pa dapat gawin pag umalis ka at hindi na binalikan ang dating karelasyon

Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates

May gusto po ako ikunsulta. May bf po ako ngayun nagsama po kami mahigit sampung taon dito sa abroad. May hindi po siya sinabi sakin kasi natatakot po daw siya na iwanan ko. Nung 2014 po may nag message po sa kanya sa FB at sinabi po na walang pasok anak niya. Nagulat po ako kasi kilala ko po mga anak niya at ibang tao po ang nag padala ng message. Tinatanong ko po yung nag msg kung sino siya ang sabi po niya asawa daw siya ng bf ko. Simula po nun naghinala na ako kasi hindi po siya nagsasabi ng totoo kung sino yun. At ang sabi po ng babae asawa daw siya at may anak daw sila isa.

Ngayon lang din siya umamin sakin tungkol sa nangyari sa kanya at dyan sa babae nagpadala ng msg sinabi niya sakin na pinikot daw siya at pinilit nung araw na pumunta sila sa lugar ng babae at kasama niya mga kaibigan niya doon para magbakasyon ng ilang araw. Yun nga po hindi niya inaasahan na kailangan daw pakasalan yung babae dahil may nangyari na daw sa kanila. pero alam ng babae na may anak at kasal siya sa una pero hiwalay na ito pero pinipilit pa rin siya pakasalan ng mga magulang ng babae. Natakot po daw siya baka may gawin sa kanya sa lugar ng babae. Kaya natuloy yung kasal na hindi dapat mangyari bago pa daw nun may bf daw yung babae bago sila naging fling fling, ito na po atty. ngayun po sabi ng babae naka line up na daw siya kay tulfo kasi ipapa tulfo daw niya ano po ba dapat gawin atty. para manahimik na lang itong babae at hayaan na lang niya ang bf ko kasi sabi naman ng babae hindi na niya babalikan bf ko tapos ngayon tinatakot niya po bf ko. Gusto ko lang malaman ano po gawin ng bf ko.

Salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Legal po bang asawa ang nasabing babae? dahil kung legal talagang may karapatan siyang takutin at kasuhan kayo ng bf mo. Kung maaring mag uusap kayong tatlo ng iyong bf, asawa niya at ikaw para makapagdesisyon kayo ng tama mas mabuti yan. Kung talagang hindi na magkakabalikan ang mag asawa nararapat lang na suportahan ng iyong bf ang kanilang mga anak. At kung gusto mo na magiging legal ang inyong pagsasama na hindi na kayo maaring guluhin pa kailangan ma annul muna yong kasal ng bf mo sa dati niyang asawa.
Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates
Actually po atty. kasal po BF ko sa unang asawa nagkalabuan ata sila ng una niyang asawa kasi po may kinakasama ito sa abroad kaya nasa poder ng bf ko mga anak niya at siya ang sumusuporta. pero ito pong nanakot sa bf ko eh ito po yung pinilit pakasalan kahit alam ng babae na kasal siya sa una at may anak ito db po atty. hindi ka makakasal ulit pag kasal ka na sa iba kasi hahanapan ka ng senomar. pero ang nangyari po sa bf ko atty. nangyari ang kasal kasi iba ang ginamit niyang middle name ng bf ko po at hindi na siya pinakuha ng semonar doon sa lugar ng babae kasi tinakot na po siya kaya wala siya magawa kundi sundin ang gusto ng pamilya ng babae. nong naka alis siya at nag abroad po yung bf ko dito sa middle east hindi na niya ito binalikan simula nung umalis siya sa Pilipinas. ngayun po ito nga po nanakot nga yung babae kasi daw inambanduna daw sila ng bf ko pero yung bata po hindi po sure ang bf ko na anak niya ito kasi may dating bf po ito bago sila pinakasal. siguro po pag nagkataon na haharapin po ng bf ko yung mga reklamo ng babae para matahimik na ito. pero atty. pwede po bang kasuhan yung babae at bf ko pag mag reklamo ang legal wife ng bf ko? ano po mangyayari makukulong ba sila oh pwede madala sa usapan na
lang.

salamat po atty. god bless

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.