Ano pong klaseng sakit itong nararamdaman ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Minsan mo nakakaranas po ako ng pagbigat at pananakit ng tiyan at puson. Minsan feeling ko naninigas ang yung baba ng chest part at puson ko at sumasakit din po ang tagiliran ko.  Lagi rin pong kumukulo ang tiyan ko sa gabi at madaling araw. Hindi din po ako makatae ng maayos lately yung feeling na nabibitin.Nakaramdam din ako minsan ng biglang pagpitik sa kanang bahagi ng leeg ko. Umiinom po ako lately ng ranitidine dahil po sa hyperacidity ko

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Una sa lahat, makapagpakunsulta ka na ba sa isang doktor? Marami po kasi kayong iniinda pero mukhang karami an ay unrelated. Gaano katagal mo na ito nararamdaman. Gaano ka dalas. Ano ang pagkakasunod sunod ng inyong mga nararamdaman. May previous na sakit po ba kayong sakit tulad ng highblood, diabetes, TB, sakit sa thyroid. Nung bata kayo may sakit po ba kayoSa pamilya meron bang may sakit ng highblood, diabetes, cancer, Problema sa thyroid. May malaking pagbabago sa timbang sa loob ng huling 6 na buwan, nakakapang bukol, madalas na pagbabago sa pagdumi(diarrhea at constipation). May dugo sa dumi? Sa mga sintomas na binanggit ninyo alin ang pinakamalaking concern ninyo? Gaano na ito katagal? Anong ginagawa ninyo bago ninyo maramdaman ito. Ano ang ginagawa ninyo para mabawasan ito? May gamot kayong ininom?
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Yung pananakit po ng tagiliran at pagbigat ng pakiramdam sa tiyan at puson which is parang nanigas siya ay February 15 ko lang po naramdaman bale nasa mall po ako nun at nakaupo. Yung biglang may pagpitik naman po sa leeg na parang nakuryente po ako, nangyari po yun nung kumakain ako ng popcorn which is February 15 din po nangyari. Tapos yung pagkulo naman po ng tiyan ko is nararamdaman ko na po yun since nagkaroon po ako ng hyperacidity. Sa case naman po ng parang bitin sa pagdudumi is naramdaman ko na po yun last Wednesday po pero as of now okay naman na po siya after ko po nagtake ng dulcolax. Last consultation ko po sa doctor is nubg January pa po which is sabi ng doctor na I am still suffering hyperacidity kaya niresetahan ako ng domperidone, ranitidine at omeprazole which tinake ko siya for a week. Nung first consultation ko po sa doctor which is nung September nagpa urine test po ako and the result is okay naman po wala naman daw pong ibang complications other than yung hyperacidity ko.
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Sa family ko naman po may diabetes po si lola ko. Yung pinaka concern ko po talaga is bakit po biglang sumakit yung tagiliran ko at parang nanigas yung tiyan at puson ko
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice