ANO SENYALES NG PAGBUBUNTIS SA IKALAWANG LINGGO? SINTOMAS 2 WEEKS PREGNANT

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano ano nga ba ang sintomas kapag 2 linggo na buntis?
Dalawang linggo ka ng walang regla o menstrasyon, pakiramdam mo ba ikaw ay nagdadalang tao na? Ayon sa pagaaral, maaaring oo o pwede ring hindi pa sa kadahilanang ang senyales ng ikalawang linggong pagbubuntis ay mahirap ding maunawaan at malaman. Dahil sa pananabik na makabuo, ang ilan ay bumibili na ng pregnancy test ngunit minsan hindi nagiging epektibo ang resulta nito. Ito’y dahil sa mababang bilang ng HCG hormon ng katawan habang kumukuha ng resulta. Kaya mas mainam gamitin  ito kung kelan mataas na ang HCG hormon ng katawan.
 
Tandaan, ang bawat indibiduwal ay may kanya kanyang kwento, naramdaman o napagdaanan. Marahil naranasan mo ito o pwede rin namang hindi. Kaya mahalagang dumulog sa iyong doktor o midwife para mabigyan ka ng payo at maihanda ka sa anumang senyales na iyong nararamdam sa susunod na linggo o buwan. Ang mga sumusunod ay ang mga senyales na nararamdaman ng karamihan sa ikalawang linggo ng pagbubuntis:
 
1. Pagdurugo - dahil sa pagsasama ng pertilisadong itlog papunta sa iyong matres, sa ika-lima hanggang ika-sampung araw ng iyong pagbubuntis ikaw ay makakaranas ng pagdurugo. Bigyang pansin ang kulay nito para malaman kung ito ay regla o pagdurugo na pala dahil ikaw ay nagdadalang tao. Ang kulay nito ay mala-rosas o kayumanggi.
 
2. Madalas na pagihi - ito ay kapansin pansin kung ikaw ay hindi naman madalas pumunta ng banyo para umihi nung ikaw ay hindi pa buntis. Ito ay dahil sa presyon sa iyong sistemang pagihi dahil sa paghahanda ng iyong katawan o kaya nama’y lumalaking baby sa iyong sinapupunan.
 
3. Pamamaga ng Suso at Pangingitim ng Utong - Nagsisimula itong maramdaman sa ikalawang linggo. Nagtatagal ang sintomas na ito dahil sa pagtaas ng hormon na tinatawag na progesterone dala ng iyong pagbubuntis. Sinasabi na ang suso ay mabigat, sensitibo at namamaga. Dulot ito ng pagbabago ng iyong hormon at ang paghahanda ng iyong katawan para sa pagpapasuso. Tandaan, ang gatas na nagmumula sa iyong suso ay epektibong masustansya, nakakapagpalakas ng resistensya para sa iyong baby at makakatulong sa aspetong pananalapi o pinansiyal.
 
4. Panghihina - bilang paghahanda ng iyong katawan sa pagpapalaki ng sanggol sa iyong sinapupunan hinihigop nito ang iyong lakas at enerhiya.  Kaya naman mahalagang magpahinga, kumain at magpalakas para sa iyong baby.
 
5. Pagsusuka - ito ang karaniwang senyales ng pagbubuntis, pero mas prominente itong maranasan sa ika-apat hanggang ika-siyam na linggo.
 
6. Paglobo ng tiyan - ang iyong sistemang panunaw o dehistibo ay bumabagal para mabigyan ng sapat na sustanya ang sanggol sa iyong sinapupunan. Dahil sa pagbagal nagdudulot ito ng pagkakaroon ng hangin at paglobo ng tiyan.
 
7. Mood swings o pabago bagong emosyon – Marahil ikaw ay sabik sa paparating na sanggol pero dahil sa mga pagbabagong nararamdaman nagdudulot ito ng pabago bagong emosyon. Ito ay maaring sanhi ng mga sumusunod tulad ng pagbabagong pisikal, panghihina ng katawan, pagbabago ng sistemang metabolismo o dahil sa progesterone at estrogen na hormone na nakakaapekto ng emosyon ng nagdadalng tao. Sa mga panahong ito, ang suporta sa aspetong emosyon at sosyal ay kinailangan. Isipin na hindi ka nag-iisa at nandiyan ang iyong pamilya, kabiyak o kaibigan para suportahan ka.
 
Ang resulta sa ikalawang linggo ng ultrasound
Ayon sa pagaaral, ang makikita dito ay ang iyong obaryo ay naglabas na ng itlog na parang kasingsukat ng pamintang bilog na galing sa fallopian tube. Ito ay magiging pertilisado sa loob ng dose hanggang bente kwatro oras. Pag ikaw ay nakipagtalik sa loob ng anim na araw ang sperm na ito at ang iyong itlog ay magsasama at bababa sa mga susunod na araw sa iyong matres.
 

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Hello po,tanung ko lang po kung buntis nga ako.kasi simula may 2to5 po ako niregla,pero ngayon pong June hindi na po ako niregla.pakisagot po,salamat
Izz Caslu
is a se in United Arab Emirates Medical History
Doc ask lang po maari po ba akong mabuntis after namin magsex eh niregla ako pero dapat po June 19 may regla na ako pero wala pa po. May 23 last period ko after naman nun wala nang nagyre sa amin kaso natatakot ako kasi till now wala pa ako regla then masakit po boobs ko maari po bang buntis ako?