Anong kadalasang sanhi ng pagsakit ng ulo? Ang pagsakit ng aking ulo ay kumikirot, minsan ay nasa noo, minsan sa likod ng aking ulo.

Hanima Bangno
is in the Philippines Medical History

Nagsimula po ito noong last week sa October. Nag-oonline class po kasi ako at matagal ako natulog. At dahil sa sobrang pagtutok ko sa cellphone ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Nagdesisyon po ako na matulog na lang. Pagkagising ko ng alas 8 sa umaga ay nararamdaman ko pa rin yung sakit ng ulo. Pero ilang oras rin ay nawala kaya naligo po ako after lunch. Pagkatapos kong maligo ay naramdaman ko ulit yung sakit ulo, uminom ako ng biogesic nong alas 4 sa hapon. Nilalagnat rin ako. Nawala din yung nararamdaman ko noong November. 3 pero after 12 days, bumalik yung sakit ng ulo ko. Nilalamig po ako tapos may lagnat. Hanggang ngayon poasakit yung ulo na may kirot, parang alog kaya masakit.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang pagsakit ng ulo na may kasamang lagnat at panlalamig ay maaaring senyales ng trangkaso o flu. Maaari rin itong symptoms ng COVID. Mayroon po ba kayong ibang nararamdaman tulad ng pag ubo, sipon, pagtatae o pagkawala ng pang amoy o panlasa? Nagpabakuna po ba laban sa COVID?
Noong October po na mayroon kayong sakit ng ulo lamang, maaaring ito ay dahil lamang sa tension headache dahil sa pagttrabaho, pag-aaral, o stress. Pero dahil nagkaroon ng lagnat at panlalamig, kailangan pong makasigurado na hindi ito COVID. Pwede po kayo uminom ng paracetamol every 4 hours pero highly suggested pa rin po na magpaswab test kayo para masigurado na hindi ito COVID.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies
Profession: Medical Oncology
Philippines , Manila , Manila
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.