Anong kaso po ang pwede isampa sa water service ng subdivision namin na pumayag na makipag-tie up sa HOA officers namin ng walang pasabi sa mga members?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May mga bayad center din po silang sinabihan na huwag tanggapin ang payment ng water bill kung hindi babayaran yung monthly dues. May mga naputulan na din po ng water service dahil sa hindi pagbayad ng monthly dues, pero binayaran naman ang water bill. Salamat po sa sasagot.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
I presumed na ang mga HOA officers po ninyo ay elected ng mga members di ba so in that case authorized po sila na gumawa ng mga rules at regulations sa inyong subdivision. Kaya lang anuman mang rules or implementation dapat may public hearing tungkol nito bago po ito mag take effect. Huwag po muna ninyong kasuhan ang mga HOA officers mas mabuting magsama po kayong mga members at sabihin po ninyo sa inyong officers ang inyo pong mga reklamo. Magrequest nalang po muna kayo ng meeting tungkol dito. Basahin din po ninyo ang by laws ng inyong HOA para po malaman kung up to what extent ang powers na binibigay ng members para po sa inyong mga officers.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Salamat po Atty., another case po yun e, ang mag nakaupo pong HOA officers namin ay fraud, fraud kasi nag-election po sila ng sila sila lang at pineke ang lahat ng pirma ng mga umattend daw na bumoto, including my name po, at pati po mga patay na ay nakaboto pa kasama sa pineke nila. Tapos lahat po ng pondo ng association namin ay wala sila maipakitang audited financial statement pati mga resibo po na hinahanap namin ay wala po sila maipakita, nung nakaraan po na General Assembly namin ay my financial statement sila pinakita na hindi audited, at ang natira sa pondo namin ay 900 pesos na lang from 980k, yes po 980k, kaya nga po ayaw na namin magbayad ng monthly dues, kaya lang ay nirenew pa din nila ang tie-up sa water bill namin, ng wala pasabi sa amin. Kaya po nangangamba kami na pag di po kami nagbayad ng monthly dues malamang may maputulan po ulit. Nga po pala 900+ po ang members namin at 100 po ang monthly dues namin, at sa pagkakaintindi ko po sa magna carta na hindi po sapilitan ang pagbayad ng monthly dues. Salamat po ulit Atty. Jescelyn :)

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.