Ano ang pinagkaiba ng MONGO sa MANGA? Bakit mo ito kailangan basahin

Benz Bughao
is a Yung Entrepreneur, Auwthor , Founder of PPM Academy in the Philippines


          Actually parehas ko ‘tong paborito kasi napaka-sustansya ng dalawang ‘to. Pero ang mongo kapag tinanim mo siya sa lupa mga ilang araw lang makikita mo na siyang tumutubo kaagad.
 
          Naalala ko pa nga yung project namin dati sa school nung elementary pa ako, pinag-tanim kami ng mongo sa isang lata. Siguro nagging project niyo rin yun? Tapos araw araw didiligan daw namin at aalagaan hanggang sa tumubo yung mongo at maging isang toge, tama?
 
          Pero ang napansin ko sa mongo pag naging toge na siya pwede mo na siyang kainin, sarap nun di ba? Lalo na pag ginawang lumpia, yum yum =) Kaso ang problema sa toge pate ugat kasama sa kakainin mo, kaya mag-tatanim ka uli ng another mongo para makakain ka ulit ng paborito mong lumpiang toge.
 
          Hindi na siya mag re- reproduce uli kasi kinaen mo siyang buo eh kasama ang ugat. Pero ang pinag-kaiba niya sa Manga pag tinanim mo yung seed niya sa lupa at diligan mo araw araw at alagaan mo hindi siya kaagad tutubo katulad ng mongo na napaka bilis.
 
          In fact mag-hihintay ka pa ng almost 5 year’sa para tumubo ang isang mango tree at para mag produce ng mango fruits.

 
          Parang napakatagal pa para mag benefit ka sa puno ng manga, sobrang nakakainip nuh? Pero pag nagbunga naman na yung mango tree tuloy tuloy na yung pag-tubo nun, kaya sulit na sulit ang paghihintay mo.
 
          Alam mo napansin ko sa buhay natin ganun din eh, tayong mga tao ayaw naten nag-hihintay ng matagal, ang gusto naten kapag may ginagawa tayo or kung meron tayong gustong simulan gusto natin yung mabilisang resulta.
 
          Gusto natin ng get rich quick scheme kaya maraming tao ang nabibiktima ng mga scam tama? Gusto natin yung mongo na mabilisan ayaw natin ng manga na pang long term. Pero isa sa napansin ko sa buhay mas masarap ang resulta kapag nag-hihintay ka ng matagal, dahil di hamak na mas masarap ang manga sa mongo, ‘di ba?
 
          Pero wala namang masama sa mongo kasi kelangan natin yun sa pang araw-araw na pangangailangan naten katulad ng pag-kain, damit at kung ano-ano pa. Kelangan natin yun para makaraos araw-araw. Pero kelangan din natin mag-tanim ng manga, kasi ang mongo pag naging toge na siya hindi na natin siya mapapakinabangan pa at hindi siya pang long term.
 
          Di katulad ng manga na kahit mag-hintay ka pa ng maraming taon alam mo na kapag tumubo na siya tuloy-tuloy ang pag-ani mo ng mga prutas at para i-enjoy mo yun in the future.
 
          I hope you get my point here. Napakahalaga na mag-isip tayo ng pang long-term para sa magiging future natin, kelangan natin matuto mag-invest at magkaroon ng entrepreneurial mindset.
 
          Naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay pwedeng maging entrepreneur, pero naniniwala din ako na lahat ay pwedeng mapag-aralan at matutunan ang kelangan lang natin is to open our mind. Kailangan natin maging open for opportunity na dumadating sa buhay natin, you must have BIG DREAMS so that you can able to help not just your family but also other people.
 
          Maaring ang Mongo mo ngayon ay yung trabaho mo or kung ano mang pinagkakakitaan mo ngayon to sustain you every day, pero kelangan mo din magtanim ng manga so that you can just sit and relax when you plan to retire and to enjoy your life with your family and most importantly to help other people to create their own mango tree as well.
 
          When God blesses you so much you must remember that it is not just for yourself but it is also to bless other people. Imagine mo to umani ka ng maraming manga as in sobrang dame at ang lalaki pa, tanong? Kaya mo bang ubusin yun ng mag-isa? Haha (^_^) syempre Hindi!
 
          Tapos kung ipagdadamot mo yung mga manga mo at iimbak mo lang sa bodega, ano mangyayari sa prutas? Eh di mabubulok, mamaho ka! Kaya nga sabi ni King David sa Psalm “My cup overflows with blessings” You will overflow to fill other people’sa cup. You are a vessel of God’sa blessing, always remember that!
 
QUESTION: Gusto mo bang magkaron ng MANGO TREE “Money System“??
 

Merun akong isang video na hinanda para sayo kong saan matutunan mo kong paano ka mag karun ng isang MANGO TREE (Money System) na tutulong sayo para mag karun ka ng Time Freedom at Financial Abundant. 

 
PS: I’m going to teach you kong paano naging milyonaryo ang isang 19 Years Old Girl, Nurse, OFW, at Undergrad. Alamin kung anong sikreto nila at kung paano mo sila magagaya . 
 
 
Your Partner In Success
@benzbughao-

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.