Ano po ang dapat namin gawin sa kanila? May obligasyon po ba kami na magbigay?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Anak po ako ng isang magsasaka. Meron po kami binabayarang trabahador everytime na magtrabaho po siya. Dahil nga po kapos din at maraming anak nakiusap po siyang makapagtayo ng maliit na bahay. Pinayagan naman po siya ng magulang ko. Hanggang sa naiisip na namin na mag alaga siya ng palayan dahil kaawa naman po at binibigyan siya ng magulang ko ng 10 porsento sa ani na nakukuha namin liban sa arawan na isinisweldo namin sa kanya.

Dumating ang panahon na umalis siya. Nang mabalitaan na ibbenta ang lupa ay bumalik siya at nanghihingi ng separation pay daw. Pinabbayaran pa ang mga itinanim niya na simulat simula ay pinagsabihn na siya na wag gawin. Ang mga anak niya ay nagtayo rin ng kanya kanyang bahay sa lupa ng walang paalam. Ano po ang dapat namin gawin dahil ayaw nila umalis hanggat walang bayad?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa ganitong kaso maari naman itong pag usapan kung papaano ito maresolve maaring mag usap muna kayo sa Office of the Barangay Kung talagang naging empleyado ninyo siya sa matagal na panahon may karapatan siyang humingi ng mga karampatang benefits of an employee. Kung siya naman ay naging tenant ninyo importanteng evidence niya ay kung registered siya. Maaring bayaran nalang ninyo para maayos na at reasonable amount. Ngayon kung hindi magkaayos at sinabi mong pati mga anak niya ay nagtayo na ng mga bahay sa inyong lupain kailangan munang magpadala kayo ng demand letter na paailisin ninyo sila. Magpagawa kayo sa isang lawyer at kailangan din ng certification to file action from the Office of the Barangay before po kayo makapagfile ng ejectment case.
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
slamat po sa sainyong pagsagot... kahit po ba bnabayaran na namin siya ng 10 porsento sa kada ani namin sa lupa niyang inaalagaan at nagbabayad p po kami everytime n mgtrabaho siya maging arawan mn bsta everymagtrabho siya bnabyaran siya, my oblgasyon p po pala kami magbigay pa sa kanya?
Recommend Reply Report abuse
Lois Velez
is in the Philippines
Recommend Reply Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Yang sinasabi mong binabayaran siya ng 10% percent is a matter of evidence na po yan so kailangang may maipakita po kayong ebidensya kung talagang magkano ang binabayad ninyo. Yong mga tanim na sinasabi mong pinigilan pero nandiyan pa rin it is an act of tolerance kailangan na kasi po sa kaso mo ang mga ebidensya.
Recommend Reply Report abuse

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.