Ano po ba ang dapat kong inuming gamot?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Hihingi po sana ako ng payo ano po yung mabisang gamot sa acid kasi po panay ako dighay tapos po pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko nagpa check up po ako me

ron daw ako epigastric uminum ako gamoy ng  7days pero ganun pa din po. Sana po mabigyan kasagutan po yung tanung ko maraming salamat po god bless u all

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Good day. Ang pag manage sa ganyang condisyon ay Di lamang nakukuha sa gamot. Ito ay nangangailangan ng lifestyle change. Una pag bawas sa caffienated beverage kasama ang softdrink at kape. Dapat nyo rin bawasan ang pag kain ng mga pagkaing matataas sa protina tulad ng red meat. Kasama rin sa food restrictions ang maaanghang na pag kain. Kung kayo ay nasa malusog na timbang, dapat ay mag bawas ng timbang sa ideal weight. Maari din kumain ng mas kaunti pero mas madalas. Pangatlo, iwasan ang paghiga isang oras makalipas kumain. Lastly, maari mong I extend ang paginom ng omeprazole hanggang 2 months, pero mas mainam ay mag follow-up ma pa rin sa inyong doctor just in case na may kailangan dagdagin or ibahin sa inyong gamutan.
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc salamat po sa sagot nyo po cause po ba ng acid yung my parang nakabara sa lalamunan ko po tapos kailangan ko pilitin na dumighay para po medu gumaan pakiramdam ko at ok lang po ba yung gamot na iniinum ko ngayon APO-RANITIDINE 150g morning and night ko po iniinum salamat po ulit doc more power and god bless u always
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc nagpa check po ako PANTOPRAZOLE po yung gamot na binigay saakin a take ko na po siya. Ngayon po yung sa lalamunan ko lang po talaga yung worry ko
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Mabuting magpatingin ka na ulit sa isang doktor kung hindi nawawala ang iyong mga sintomas. Maaaring kailangan palitan ang gamot na iyong iniinom lalo na kung walang pagbabago sa iyong nararamdaman. Kung hindi pa rin ito mawala, maaaring mangailangan ka ng endoscopy upang masilip ang iyong lalamunan at daluyan ng pagkain.

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila