Ano po ba ang pinakamabilis na dapat gawin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Tenant po ang lolo ko sa isang untitled agricultural land.. awarded po ito sa kanya ng govt po CLT po ito at 1994 po my order from regional office n reallocation sa tatay ko..til now po wala pa pong action.ilang taon n po kami pabalik2 wala pong devt. Ngayon tinanong po uli namin, ganun pa rin po, nsisi pa ako sa DAR at bakit di daw inasikaso which is hindi po totoo. Ngayon po ang lupa ay inukupa ng apo ng dating may ari... nung una po ang ate ko po ang nagsaka dahil po nstroke ang tatay ko at bedriddden na. Kaya siya po an nagsaka.ang sabi po Sa DAR bwal po dahil k tatay po nkapangalan..sino n pala ang magccultivate na ultimo na mailipat ang panagalan sa kanya hindi ngawa ng mhabang panahon, sa amin pa kaya alangan naman pabayaan ang lupa. Ang masama pa po ay kinuha sa amin ang lupa ng apo ng dating may ari..dumulog po kami sa kanila kung ano ang dapat gawin an sabi sa inutusan naman ay dapat po anak ang mag asikaso kaya po ako ay nagresign ng work k sa abroad. Nang humihingi po kami ng tulong kami po ang sinisi at bakit d naman ipinabarangay..sabi k po humingi nga kami ng tulong dahil wala kaming idea.ang sabi ay anak ang dapat mag asikaso.tapos bakit pinatagal namin bago magreklamo..humingi po ako ng tulong n maibalik sa amin kaso sabi daw po may ilegal na transaction kami kaya hindi nila magawan ng paraan..yun daw po ang nalaman nila..

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Nakaregister po ba ang lolo ninyo bilang tenant sa nasabing lupain? Kung nakarehistro dapat kumuha kayo ng certification from DAR office nito. Sinabi mong may reallocation na ito para sa papa mo may katibayan po ba kayo sa nasabing reallocation. Dahil kung mayroon malaking tulong yan para iparehistro ninyo ang inyong adverse claim sa nasabing lupain dapat ipakita po ninyo ito sa DAR office pati na sa Registry of Deeds kung saan po ang nasabing lupain ay nakarehistro. Kung kayo po ay mga witnesses na magpapatunay na kayo po talaga ang tunay na tenant at may mga evidence po kayo mas mabuting kumuha po kayo ng lawyer para sa pagpapafile ng claims ninyo. Try po din ninyong magpatulong sa opisina ng PAO dahil if qualified po kayo sa libreng serbisyo nila maaring matulongan po kayo nila. Dalhin lamang po ninyo ang inyong mga evidence mayroon po kayo para maevaluate nila.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.