Aquarius Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Aquarius Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Aquarius

Magiging malikot ang kapalaran ng mga Aquarius sa taong 2018. Nakikita din ang biglaang gastos para sa kanila at magiging hamon sa kanila ito upang mas matuto silang humawak ng kanilang mga pera. Subalit magagampanan nila ito nang maayos sa pamamagitan ng pagtitipid, pagwaksi sa mga luho, at pagiging praktikal sa mga gastusin.
Mararamdaman ng mga Aquarius ang pangangailangan ng pag-asenso sa kanilang buhay sa unang bahagi ng taong 2018. Kabilang nariyan ang paghahanap ng maaaring pagkakakitaan. Huwag din kailangan mangamba pagdating sa hanapbuhay dahil ang mga planeta sa iyong kapalaran ay gagabayan ka. Ang mga planeta at bituin ay titiyakin na maging maayos at mananatili ang seguridad sa iyong trabaho. Dahil dito, magiging mas maayos na rin ang estado ng iyong pinansyal. Subalit nariyan pa rin ang hindi inaasahang biglaan gastusin kaya matutong magtipid at iwaksi ang mga luho. Magiging kaaya-aya din ang pagdating ng mga bagong kliyente para sa mga propesyunal dahil magbubukas ito sa napakagandang oportunidad upang kumita nang mas malaki. Para naman sa mga nagtatrabaho, asahan din ang magandang posisyon na ibibigay sa iyo. Para sa mga single na Aquarius, kailangan mong magdoble-ingat kung ikaw ay iibig o hindi kaya ay papasok sa bagong relasyon dahil sa aspetong romansa lang ang kayang ibigay sa’yo ng iyong magiging kapareha. Huwag basta-basta magiging padalos-dalos at alamin kung hanggang saan ang kayo ninyong ibigay sa inyong relasyon. Asahan na mapapabuti ang iyong kalagayan sa taong 2018.

Buhay Pag-ibig
Hindi maganda ang buhay pag-ibig ng mga single na Aquarius lalo na sa unang bahagi ng taong 2018. Kung tutuloy man sa bagong relasyon ang mga single Aquarius, asahan na hindi ito ang iyong inaasahan at hindi ito magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Para naman sa mga may relasyon na, asahan na mas lalalim ang iyong pagsasamahan ng iyong kapareha. Upang maisakatuparan ito, kailangan niyo pang mas tibayan ang inyong pagsasamahan. Isa sa mga halimbawa na rito ay ang patuloy na pakikipag-usap sa inyong dalawa at bigyan ng oras ang iyong mga sarili upang tuklasan ang magandang nangyayari sa iyong kapaligiran. Dalasan ang paglabas ninyong dalawa dahil mas tatamis ang inyong pagsasamahan. Ang pagbibigay oras sa iyong kapareha ay maituturing niyang regalo na hindi kayang pantayan ninuman. Gamitin din ang pagkakataon ito upang pag-usapan at ayusin ang mga isyu o problema na dumarating sa inyo. Magiging maganda din itong pagkakataon upang maisaayos ang pagkakaiba ng bawat isa sa inyong personalidad. Asahan ang maganda at banayad ninyong pagsasamahan hanggang sa matapos ang taong 2018.

Buhay Karera
Magiging kumportable sa kanilang pinagtatrabahuan ang mga propesyunal na Aquarius sa taong 2018. Magiging positibo rin ang kapalaran ng mga nagtatrabaho na Aquarius. Babasbasan din sila ng suwerte at magkakaroon ng pag-unlad sa kumpanya na kanilang pinapasukan.
Para naman sa mga naghahanap ng trabaho, ang buwan ng Hunyo ay magiging suwerte sa inyo. Makakahanap ka ng trabaho kung saan may kalakihan ang sweldo at magiging paborable sa iyo ang mga gagawin. Ang iyong mga pinaghirapan ay magbubunga sa mga panahon ding ito. Kung matagal ka ng may pinaplano hinggil sa iyong buhay karera, ito na ang tamang panahon upang maisakatuparan ang mga iyon.
Ang buwan naman ng Agosto ay magbubukas sa iyong mas malaking pintuan. Ito rin ang panahon kung saan maipapamalas mo ang iyong angking abilidad. Kung mayroon kang mga gawain na komplikado, matatagumpayan mo ito nang matiwasay. Magandang panahon din ito para sa mga propesyunal na patunayan ang kanilang sarili at ipakita ang kanilang abilidad.

Buhay Pinansyal
Positibo na madaragdagan ng pagkakakitaan ang mga Aquarius sa taong 2018. Subalit ang mga buwan ng Marso at Abril ay hindi magiging maganda para sa iyo. Kung mayroon kang kailangan pagdesisyunan hinggil sa pera, ipagpaliban mo muna ang mga ito. Gawin ang pagdedesisyon sa mga buwan ng Mayo hanggang unang bahagi ng Hulyo dahil paborable sa iyo ang pagposisyon ng mga planeta at mga bituin. Susundan ulit ito sa huling bahagi ng Agosto hanggang sa huling bahagi ng Sethyembre. Sa kabuuan, ang taong 2018 ay paborable sa mga tao na nais maghanap ng panibagong pagkakakitaan. Iwasan lamang maglabas ng pera hanggat sa maaari pagdating ng buwan ng Marso at Abril.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.