Aries Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay, pag-ibig, karera

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Aries Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Aries

Ang posisyon ng mga planeta para sa Aries sa unang bahagi ng taong 2018 ay nagpapahiwatig na kailangang magsumikap nang husto upang makamit ang ninanais na asenso sa buhay. Sa madaling salita, kailangang maging mahusay sa kasalukuyan nitong ginagawa at panatilihin ang motibasyon upang maging mabuti sa mga gawain. Kailangan din maging matiyaga at magtipid upang mapabuti ang pinansyal na aspeto. Ang mga planetang Saturn at Venus ay magkakasagupa at nakaposisyon sa ika-sampung bahay sa unang bahagi ng taong 2018 sa Aries. Ang Haring Araw na nakaposisyon sa ika-sampung bahay ay nangangahulugan ng tagumpay o pagpupunyagi. Ninanais ng planetang Saturn na panatilihin ang iyong pagsisikap at huwag hayaan mawala ang iyong pasenya upang sa iyong ikakabuti at sa iyong tagumpay. Sa kabuuan, ang taong 2018 para sa Aries ay nangangahulugan na kailangang maghigpit pa ng sinturon at paghusayan pa ang iyong kakayahan o hindi kaya ay matuto pa ng ibang gawain upang sa gayon ay magtuloy-tuloy ang iyong pag-asenso.

Buhay Pag-ibig

Hindi maganda sa mga single ang unang bahagi ng taong 2018 para sa mga Aries dahil hindi maganda ang posisyon ng planetang Venus. Ang planetang Venus ay sumisimbolo sa pag-ibig o mainit na romansa. Para sa nais naman magpakasal, hintayin muna mawala ang posisyon ng planetang Venus. Ito ay magtatapos pagkatapos ng ika-20 ng Pebrero, 2018. Matapos mawala ang pagposisyon ng planetang Venus sa iyong zodiac sign, maganda na itong panahon upang magpakasal at magiging habambuhay na ang iyong pagsasama.

Magiging mainit ang romansa ng mga single na Aries mula ika-7 ng Agosto hanggang matapos ang taong 2018. Subalit hindi ito nangangahulugan na natagpuan mo na ang iyong magiging kapareha habambuhay. Ang taong 2018 ng Aries ay panahon ng pagpapabuti sa sarili at hindi sa buhay pag-ibig.

Buhay Karera

Mabuti ang unang bahagi ng 2018 para sa mga nagsisimulang Aries sa pagpili ng karera na kanilang tatahakin. Sulitin ang pagkakataon nito lalo na ang buwan ng Enero at Pebrero dahil magbibigay ito ng liwanag sa landas na gusto mong tahakin. Makakatulong ang mga panahong ito upang mapaunlad ang iyong sarili. Lahat ng ito ay naaayon sa pagposisyong ng Haring Araw sa iyong kapalaran.

 

Buhay Pinansyal

Hindi mayabong ang estadong pinansyal sa unang bahagi ng taong 2018 para sa mga Aries. Dahil ang planetang Venus, ang planetang nakaugnay sa salapi, ay unti-unting gumuguho sa pagkaposisyon nito sa iyong kapalaran. Huwag magbibigay ng desisyon lalo na hinggil sa pera sa unang bahagi ng taong 2018. Sikapin huwag gumastos o maging pabaya sa salapi dahil magiging mabagal ang usad ng pagtamo ng salapi sa taong 2018. Kung kailangan mang gumastos, kailangan mong pag-isipan ng maraming beses. Ang mabuting balita naman ay matututo kang humawak ng salapi at papaano ito papalaguin sa unang bahagi ng taon. Huwag maging ubos biyaya sa paglagak ng iyong salapi lalo na sa mga investments. Hanggat maaari ay humingi ng payo sa mga eksperto kung saan magandang ilagak ang iyong pinag-ipunan. Magbubunga ang iyong naipundar sa huling bahagi ng taon kung ikaw ang naglagak ng investment sa buwan ng Enero at Pebrero taong 2018.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.