Nagstop ng pills, mabubuntis ba?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Gusto ko lang po magtanong worried na po ko. 5 months na po baby ko. 1st time ko po mag take ng pills nung june 4. then tinigl ko din nung naubos isang banig kasi balak ko na lang po mgpa inject pero nagka mens po ko nung june19 pero 1day lang (nagttake pa po ko ng pills neto) then july3 po nagkamens po ko ulit pero 1day lang po ulit (stop na ako sa plls neto) then hnggang nagyon po dpa po ko nagkkaron normal lang po ba yun kasi nagstop ako sa plls? and pag nag ddo po pala kami ni partner wdrawal kahit nakaplls. buntis po kaya ko?

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Ayon sa iyong mga nabanggit, mayroong posibilidad na ikaw ay mabuntis lalo na withdrawal lamang ang inyong ginagawa. Kung ang pills ay itinigil, dapat ay masundan ito agad ng injectible habang ikaw ay nagregla noong 19, kung ito man ang iyong napiling paraan. May posibilidad na ikaw ay mabuntis kung inihinto mo ang pills. Maaari kang magsagawa ng pregnancy test 2 linggo matapos ang huling pagtatalik, upang malaman kung ikaw ba ay positibong buntis o hindi.
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kamusta ka? Ang general rule ay kung may regular period ka, hindi ka buntis. Ang normal na menstrual period ay nasa humigit kumulang tamang petsa, nasa pangkaraniwan na daloy, at nagtatagal ng mga 3-5 days.
 
May mga buntis na nagkaka-vaginal bleeding, lalo na sa mga bagong buntis pa lamang. Ngunit hindi ito katulad ng regular mensturation, dahil mas maliwanag ang kulay (lighter color) ng regla at irregular, parang spotting (or post implantation bleeding).Madaming dahilan kung bakit nade-delay ang mensturation, tulad ng stress, pagbabago ng oras tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), paginom ng gamot, sakit, sobrang pagehersisyo, at iba pa.
 
Upang makasiguro, pinakamaganda ay magpa-pregnancy test. Mayroong mga over the counter pregnancy test kits sa pharmacy, o pumunta kaagad sa pinakamalapit na OB Gyne upang mag-pregnancy test at para sa mas komprehensibong consultasyon. Ano man ang mangyari, sana ay mabuti ang iyong kalagayan. Kapag buntis ka, tatanggapin mo kasi blessing yan ng Diyos. Magdasal at kausapin ang iyong partner o mga mahal mo sa buhay. Maaayos din ang lahat. 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.