BAKIT BA TAYO NAGKAKAROON NG BANGUNGOT? PAANO MAIIWASAN NAGISING NAMATAY SA BANGUNGOT?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Bigla ka na lang bang nagigising sa kalagitnaan ng iyong pagtulog, parang hinihingal, pinagpapawisan, at mabilis ang tibok ng puso? Tapos malalaman mo na masamang panaginip o bangungot lang pala lahat ng iyong nakita o naranasan.
 
Lahat tayo’t nakararanas nito maging bata man o matanda. Sinasabing mas madalas ito as mga batang 3-6 na taon, kung saan napakaaktibo ng kanilang imahinasyon. Ang mga matatanda naman ay mas madalas bangungutin ng mga pagtakas sa sakuna, aksidente, o kahit anong  kinatatakutan nito.
 
Hindi ka ba makatulog ng ayos dahil sa iyong mga bangungot? Mahalagang malaman ang dahilan nito para makaiwas o kaya’y mabawasan ito. Ang mga sumusunod ay ang mga kadalasang dahilan ng bangungot:
 
1. Pagkain ng late night snack – ang pagkain pa sa gabi (bukod sa iyong hapunan) ay maaring magdulot ng bangungot. Dahil tumataas ang ating metabolism habang o pagkatapos kumain, nagiging mas aktibo din ang utak. Ito’y maaaring dahilan ng pagkakaroon ng panaginip at bangungot.
 
2. Mga gamot tulad ng anti-depressants, narcotics, at anti-hypertensive ay maaaring ding magdulot ng bangungot. Ito’y dahil sa mga kemikal sa utak na tumataas o di kaya’y bumababa dahil sa mga gamot na nabanggit.
 
3. Biglaang paghinto sa mga gamot na iniinom (gaya ng tranquilizers) at sa mga bagay tulad ng alak (alcohol withdrawal).
 
4. Sleep deprivation o ang kakulangan sa pagtulog ay isa din sa mga dahilan nito. Maaari ding magkulang pa lalo ang tulog ng isang taong binabangungot, dahil sa ayaw na nilang matulog muli pag  nagising mula sa  isang bangungot.
 
5. Post traumatic stress disorder - ang PTSD ay isang kalagayan na maaring makuha ng isang taong nakaranas ng kalunos lunos na pangyayari. Sinasabing ang pagkakaroon nito ay mas nakakapagdulot ng madalas at mas grabeng bangungot.
 
6. Labis na pagkabahala (anxiety disorders), intellectual disability, at depression ay maaari ding dahilan ng pagkabangungot.
 
7. Ang pagbubuntis o pagdadalang tao may nakadagdag tiyansang magkaroon ng bangungot. Sinasabing dahil ito sa mga hormonal changes sa katawan.
 
8. Ang stress mula sa pang araw-araw na gawain o trabaho ay nakapagdudulot din ng nightmares o bangungot.
 
9. Mga pangyayari sa buhay tulad ng pagkahiwalay o kaya’y pagkawala ng isang mahal sa buhay.
 
10. Ang pagkakaroon ng sleep apnea at restless legs syndrome.  ang sleep apnea ay isang problema sa pagtulog kung saan naaantala ang paghinga ng taong natutulog. Sinasabing ang pagtigil ng paghinga ay nagdudulot ng kakulangan ng oxygen sa utak na maaring magdult ng pagkabangungot. Samantalang ang restless legs syndrome ay isang problema sa parte ng nervous system, kung saan nagdudulot ng di kanais nais na sensasyon sa katawan at binti.
 
11. Pag-inom ng alak bago matulog – ang alak ay nakapagpapataas din ng tiyansang bangungutin. Ito’y dahil sa pagtaas ng ratio ng REM (Rapid Eye Movement) sleep kumpara sa Deep sleep. Sa REM sleep kasi mas madalas bangungutin ang isang tao.
 
12. Pagkakaroon  ng lagnat -  sinasabing ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay maaari ding maging dahilan ng pagkakaroon ng bangungot.
 
13. Cocaine addiction – ang cocaine ay isang stimulant na nakakaapekto sa mga neuropathways ng utak. Ang isang taong lulong sa cocaine ay mataas ang tiyansang bangungutin.
 
Sinasabing walang direktang gamot sa pagkakaroon ng bangungot. Ngunit maaring mabawasan ang dalas nito sa pamamagitan ng:
 
i. Iwasang magpuyat kaya magtakda ng oras ng tulog at paggising.
ii. Ugaliing mag ehersisyo. Makababawas ito ng stress at anxiety
iii. Bawasan o mas maganda itigil na ang pag inom ng alak. Pati narin mga inumin at pagkaing may caffeine at nicotine.
 
Kung ang bangungot mo naman ay masyado nang madalas, halimbawa ay pag may 2 beses sa loob ng 1 linggo buwan buwan, ay pinapayong magpatingin na sa doktor o espesyalista. Maaaring kailanganin ng psychotherapy gaya ng cognitive – behavioral therapy at hypnosis, na maaaring makatulong mabawasan ang pagkakaroon ng bangungot. 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.