Bakit Bawal ang mag-Kuyakoy? Masama ba Kumuyakoy?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang kuyakoy ay ang ugaling pagyugyog ng binti o tuhod habang nakaupo. Ang iba ay yinugyugyog ang kanilang paa pabukabukaka o pahalang. Ang iba naman, yinuyugyog ang kanilang tuhod pataas baba. Sa iba naman, yinuyugyog ang paa habang naka-dekwatro.

Minsan, hindi natin napapansin na may ganyang ugali na pala tayo sang pag yugyog ng paa.
 Bakit Bawal ang mag-Kuyakoy? Masama ba Kumuyakoy?
Bakit daw bawal ang pagkuyakoy?
Pag yinuyugyog ng lalake ang kanyang tuhod sa harapan ng babae, maaaring masagwa tignan ito sa paningin ng babae, dahil parang may ginagawa silang bastos. Kapag binubukabukaka naman ng babae ang kanyang hita sa harapan ng lalake, may kasabihan daw na malibog ang babae. Sa iba naman, pangit tignan ang pagkuyakoy dahil nakakasira ng concentration sa tumitingin. Halimbawa, kapag nagtatrabaho at may nakikitang nagkukuyakoy sa harapan, nakaka-distract sa paningin.             
 
Maraming ibang kultura rin ang may pamahiin na bawal magkuyakoy. Halimbawa, sa mga Chinese, masama daw ang pagyugyog ng paa, dahil ayon sa pamahiin, parang sinisipa mo raw paalis ang swerte. Isa pa, parang sinisipa mo rin ang kayamanan na parating sana sa iyong buhay. Dagdag dito, mukang bastos ang pagyugyog ng paa sa harapan ng ibang tao, lalo na sa harapan ng nakakatanda.
 
Hindi lang sa kultura ng mga chinese ito pinapaniwalaan kundi pati narin sa mga ibang kultura tulad sa mga Koreana, Hapon at Bumbay. Karamihan sa kanila ay naniniwala na ang pagyugyog ng paa ay maaaring senyales na tamad ang isang tao, mainipin o walang kontrol sa sarili.
 
Kalusugan
Pag dating sa kalusugan at siyensiya, kadalasang hindi nakakabahala ang pagkuyakoy. Minsan nagkukuyakoy lang ang tao dahil sa stress na nararamdaman.  Halimbawa, kapag may ikinakabahala ka, mas mabilis ang pagbomba ng dugo sa iyong puso papunta sa mga muscles sa iyong katawan, kasama pati sa iyong paa. Sa ibang tao naman, inaalog nila ang kanilang paa upang maka-concentrate o focus sa isang gawain o trabaho.
 
Sa kabilang banda, nagkukuyakoy ang ibang tao kapag nababagot o bored sila. Nalalabas ng pagkalog ng paa ang tension, lalo na’t kapag matagal nakaupo, katulad kung nasa classroom o meeting.
 
Ngunit kailangan ding mag-ingat sa tinatawag na ‘Restless Leg Syndrome’ o RLS. Nakakaramdam ang may RLS ng kumakabog at nangangating pakiramdam sa paa, at nawawala lang itong pakiramdam kapag ginagalaw ang paa. Kadalasan umaatake ang RLS sa gabi, kaya’t mahihirapan kang matulog.
Kapag nakaramdam ka nitong mga senyales o kung mayroon kang hindi mapigilang pakiramdam na gustong galawin ang paa, mabuting magpatingin sa doctor kung mayroon kang RLS.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.