Bakit dapat maligo ng Malamig na tubig? Ano benepisyo ng malamig na tubig panligo?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bakit maganda sa kalusugan ang pagligo ng malamig na tubig?

Karamihan sa atin ay gusto ng maligamgam o mainit na tubig pag naliligo. Dahil masarap sa pakiramdam ang mainit na tubig, at para di ginawin.
 
Sa kabilang banda, may benepisyo ang pagligo ng malamig na tubig, o cold shower sa kalusugan. Ibig sabihin ng malamig ay ang temperatura ng mga 20 degrees Celsius pababa. 
 
Narito ang mga benepisyo ng pagligo ng malamig na tubig:
1.     Pampalakas ng resistensya – Ang biglaang pagramdam ng lamig na tubig sa katawan ay nagpapasanay sa katawan na lumaban sa impeksiyon at lumakas ang resistensya. Ibig sabihin, nakakatulong din ito lumaban sa pagkaroon ng sipon. May pagaaral din nagsasabi na ang pagpaligo ng malamig na tubig ay nakakatulong magpalakas ng katawan laban sa iilang klase ng cancer.
2.     Nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo – Maraming atleta sa sports ang nakakaalam nitong sikreto, kaya’t nakikita natin na binabalot nila mga paa sa ice o binababad nila katawan nila sa ice pagkatapos ng laro. Dahil napapabilis ang paghilom ng mga sugat at bali sa katawan. Dahil nakakatulong ang pagligo ng malamig sa sirkulasyon ng dugo, mabuti ito sa mga may diabetes at high blood pressure.
3.     Nakakatulong sa pananakit ng kalamnan o muscles – Nakakapagginhawa ng pananakit ng kalamnan o muscle soreness ang pagligo ng malamig na tubig, dahil nakakabawas ito ng pamamaga o inflammation at nakakatulong na mapabilis ang paggaling ng muscles.
4.     Nakakabawas ng timbang – Bumibilis ang ang metabolismo o pagsunog ng pagkain sa katawan kapag naliligo ng malamig. Maaaring subukan ito ng 2-3 beses sa isang linggo.
5.     Nakakapaganda ng kutis – binabanat ng malamig na tubig ang balat, at pinapahigpit ang daluyan ng dugo, kaya’t kumikinang ang balat. Maraming nagsasabi na gumaganda ang kanilang balat pagkatapos maligo ng malamig.
6.     Nakakagising sa umaga – Siyempre, kapag inaantok ka pa tuwing sa umaga at hirap ka bumangon, pampagising sa iyo ang biglang buhos ng malamig na tubig. Para ito maging alerto ka sa mga gawain o plano ng araw at di ka na siguro antukin.
 
Babala
Ngunit kailangan ding magingat sa pagligo ng malamig na tubig. Halimbawa, kapag giniginaw ka na o may lagnat ka, hindi makakabuti ang pagligo ng malamig. At may mga taong hindi rin hiyang sa malamig na tubig at nagkakaroon ng iritasyon dito.
 
Positibo ng Mainit na tubig panligo (di kelangan basahin ito, nakalagay lang ito sa video)
May benepisyo rin ang pagligo ng mainit na tubig. Halimbawa:
1.     Maliban sa pagpapalambot ng sipon at plema, nakaka-open din ng mga butas ng ating balat ang pagligo ng mainit. Sa pamamagitan nito, natanggal ang mga dumi sa loob ng balat.
2.     Nakaka-relax ang pagligo ng mainit na tubig at parang nakakatanggal ng pagod.
 
Negatibo ng Mainit na tubig panligo (di kelangan basahin)
Ngunit maaari ring magdulot ng mga negatibo ang sobrang mainit na tubig. Halimbawa:
1.     Panunuyo ng balat - Nakaka-dry o tuyo ng balat ang mainit na tubig. At nakaka-irritate rin ito ng skin.
2.     Pangangati ng balat - Dahil nakaka-dry ng skin ang mainit na tubig, nakaka-sanhi ito ng pangangati ng balat
3.     Nakakataas ng blood pressure – Kapag mayroon kang high blood pressure o altapresyon, kailangan mag-ingat, dahil nakakataas ng blood pressure ang pagligo ng masyadong mainit na tubig.
 
Malamig o Mainit na tubig panligo? (di kelangan basahin)
So, ano ba talaga, malamig o mainit na tubig ang gagamitin panligo?
Maaaring mag-salit-salitan sa pagligo sa malamig at mainit na tubig. Halimbawa, pwedeng magbuhos muna ng malamig na tubig ng 1 minuto. Pagkatapos, maligo ng mainit na tubig sa sunod na minuto. Gawin ito ng mga 3-5 beses.
 
Paano nakakatulong pagligo ng salit-salitang malamig at mainit? Ganito kasi yan: Ang malamig na tubig ay pinapahigpit ang mga daluyan ng dugo, kaya’t napupunta ang dugo sa gitna ng katawan, at mabuti ito sa katawan. Pagkatapos, ang mainit na tubig naman ay pinapaluwag ulit ang mga daluyan ng dugo para ito lumabas. Dahil dito, nabobomba ang dugo sa puso, baga, atay at ibang parte ng ating katawan, na nakakatulong sa pagtanggal ng mga dumi at sa pagtubo ng bagong cells sa ating katawan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.