Importante na malaman natin ang pinagmulan ng kasaysayan ng Wikang Pambansa. Paano nga ba ito nagsimula bilang Tagalog? Paano umalma ang mga Bisaya? Noong una ay Pilipino, hanggang sa lumaon naging Filipino na, hanggang sa ngayon.
Tinawag ang Filipino na pambansang wika ng Pilipinas noong idineklara ang Saligang Batas ng 1973. Ang paggamit ng salitang Filipino bilang pambansang wika ng bansa ay galing sa salitang Pilipino. Ngunit napalitan ito ng salitang "Filipino" bilang pambansang wika dahil simbolikal ang paggamit ng titik "F", isang hiram na titik sa mga Kastila, sa pangalan ng pambansang wika dahil nangangahulugan ito ng lalong pagiging masaklaw ng wika.
Paglinang sa Wikang Pambansa :
- Noong 1935 ng maisulat ang Konstitusyon, napag-usapan ang pagkakaroon ng wikang Pambansa.
- Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian noong 1936 para pag-aralan at pamunuan ang pagpili ng wikang Pambansa. Si Jaime de Vevra ang lider ng Surian. Napili ni Jaime ang tagalog upang batayan ng wikang Pambansa.
- Inutos ni Pangulong Manuel Quezon na simulan na ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa buong paaralan ng Pilipinas.
- Noong panahon ng diktador na si Pangulong Marcos, sa 1973 Konstitusyon, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."
- Sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakalagay sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Mga Batayan ng Mambabatas sa Pagpili ng Wikang Tagalog
1. Marami ang nagsasalita ng “Tagalog” at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
2. Ang nasasakupan ng tagalog ay isang malaking pulo. Hindi kagaya ng bisaya na maliliit at magkahiwa-hiwalay.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman, pinakamaunlad, at malawak. Mas maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa sa ibang katutubong wika.
4. Ito ang ginagamit na wika ng Maynila kung saan dito matatagpuan ang kabisera ng pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
5. Ginamit na wika ng Himagsikan at Katipunan.
Bakit Mahalaga ang Pagkaroon ng Wikang Pambansa?
1. Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan ng Pilipinas
2 . Ang sariling wika ang isa sa mga nakakatulong upang makilala ang isang lahi, kung ano lahi sila, saan sila nagmula, kung sino sila at kung ano ang kaibahan nila sa ibang lahi.
3. Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag ng saloobin, damdamin, at kaisipan.
4. Gamit ang “Pambansang Wika”, dito pinaiiral ang mga bagong batas at paniniwala.
5. Dahil dito nagkakaisa ng bawat Pilipino.
6. Mas mabilis ang pag-unlad ng isang bansa.
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang siyang bubuklod sa atin bilang isang lahi, isang wikang sinasalita ng buong sambayanan tungo sa pagkakaunawaan. Ito ang dakilang mithiin ng Pangulong Manuel L. g Quezon na siyang nag-udyok sa kanya upang pagsikapang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Lubha siyang nahirapan nang sa pagdalavl niya sa iba-ibang rehyon ng bansa ay nangangailangan siyang lagi ng isang tagapagsalin sa lngles ng kanyang mga talumpating binibigkas sa mga pagtitipong kanyang dinadaluhan noon. Nagtagumpay naman si PanguJong Quezon bagamat ang pag-unlad, paglinang at paglaganap ng ating wikang pambansa ay halos lakad-pagong o lakad-suso sa kabagalan. Isipin na lamang na noon ay 1935 at ngayon ay 2018, subalit patuloy pa rin ang pagsasalungatan ng isip at damdamin tungkol sa umiiral na wikang pambansa. Gayong malinaw na isinasaad sa ating Saligang Batas, Artikulo XIV, Sek. 6, na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga Wika. Ang Filipino ay gagamitin bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa ating sistemang pang-edukasyon. ltinatakda rin sa ating Konstitusyon na ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga 't walang itinatadhana ang batas, Ingles. Lumalabas na sa kasalukuyan, 83 na taon na ang ating wikang pambansa (malapit nang magretiro kung sa tao ito), datapwat aminin na nating marami pa ring kababayan tayaong bantulot kilalanin at tanggapin ang Filipino bilang wikang pambansa. Kamakailan lamang ay nalathala sa ating pahayagang pang araw-araw ang tungkol sa hangarin ng mga Sebuanong huwag gamitin ang Filipino sa kanilang mga paaralan at pamahalaan. Sa halip Ingles at Sebuano ang kanilang gagamitin sa kanilang mga pakikipagtalastasan, pansarili man o opisyal. Katunayan nagpalabas na sila ng ordinansa tungko l dito at pati na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay ipinasalin na nila sa wikang Sebuano. Kapag ang hakbanging ito ng mga Sebuano ay nagpatuloy at lumaganap, susundan na rin ito ng iba pang mga pangkat tulad ng Ilokano, Bikolano, Kapampangan, Ilonggo at iba pa. Pwede pala ang ganoon eh, di kami rin. Alam ninyo naman tayo mahilig sa gaya-gaya. Sakali' t mangyari ito, muli na naman tayong magkawatak-watak bilang isang lahi sa halip na magkabuklod at magkaisa ang buong sambayanang Pilipino. Muli na namang iiral ang ganitong damdamin at paniniwala - "Ako 'y si Juan de la Cruz, isinilang sa Cebu, ako'y Sebuano" - sa halip na "Ako'y si Juan de la Cruz isinilang sa Pilipinas, ako'y Pilipino.
Ganito sana ang dapat matanim sa diwa' t kalooban ng bawat mamaayang Pjlipino. Sa panahong ito na nahaharap tayo sa ison maJubhang krisis na pampulitika at pangekonomiya, lalo nating kailangan ang ganap na pagkakaisa. Kalimutan na nating tayo ay mga llokano (o kaya'y mga dilaw man o DDS), mga Sebuano. Higit na mahalagang maisapuso at maisadiwa natin ay ang Iubos na paniniwalang tayo'y Filipino, isinilang sa Pilipinas, nagsasalita ng Filipino kaya 't nabibilang sa iisang lahing dapat na ipagmalaki at ikarangal.
Pawiin na natin sa ating mga puso ang pagiiringan, ang intrigahan, ang inggitan bunga ng rehyonalismo. Kayong mga kabataan ang dapat magpasimuno sa paniniwalang ito, pagkat kayo ang bubuo ng susunod na henerasyong uugit sa lahing Pilipino. Kayo ang magpapasan ng bigat ng mga suliraning likha ng kasalukuyang panahon. Kayo ang magiging haligi ng bayan sa kinabukasan kaya ngayon pa'y ihanda na ninyo ang inyong sarili sa pagtugon sa hinaharap.