Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maaaring nasanay ka nang uminom ng isang tasang kape o tsaa pagbangon sa umaga. Maaari rin namang isa ikaw sa mga taong mas gustong uminom ng isang basong malamig na tubig pagkagising. Ngunit ayon sa mga eksperto, mas mabuti sa kalusugan ang pag inom ng maligamgam na tubig sa umaga.
 Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Sa artikulong ito ay pag uusapan natin ang tungkol sa pag inom ng maligamgam na tubig, ang benepisyo nito sa ating katawan, at ang mga siyentipikong batayan ng pagmumungkahi nito. 

Mahalagang malaman ang mga natural na pamamaraan para mapangalagaan ang ating kalusugan, lalong higit pa kung ang mga papamaraang ito ay di nangangailangan ng malaking halaga.
 Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Mga Siyentipikong batayan
Halos animnapung prosyento (60%) ng ating katawan ay tubig. Ang palagiang pag-inom ng tubig ay nakatutulong para mapanatiling balanse ang tubig sa ating katawan.
 Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa walang laman na tiyan ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa kalusugan. Halimbawa, inirerekumenda ng mga manggagamot ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga. Ito raw ay nagdudulot ng paghihigpit ng mga bituka, na nakatutulong sa panunaw at sa paggalaw ng bituka.
Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Inirerekomenda ng mga eksperto sa pananaliksik na ang pinakamainam na temperatura ng tubig ay mula sa pagitan ng 54 at 71 ° C. Malaman mong nasa ganitong temperatura na ang iyong tubig kung bahagya na itong sumisingaw, o may naaaninag ka ng bahagyang usok sa ibabaw ng tubig. Pakatandaan na ang mas mataas na temperatura mula rito ay maaaring maging sanhi ng pagkapaso.
 
Napag alaman pa sa isang pag-aaral noong 2008, na ang pag-inom ng maiinit na inumin, tulad ng tsaa at sopas, ay nagbigay ng mabilis at pangmatagalang lunas para sa sipon, ubo, sakit sa lalamunan, at pagkahapo.
 
Ang 7 benepisyong dulot ng pag inom ng maligamgam na tubig
Marami na ring mga tao ang nagpatunay sa benepisyo ng pag inom ng maligamgam na tubig, pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Narito ang pitong (7) kapakinabangan na maaring mong matamo kapag palagian kang umiinom ng maligamgam na tubig sa umaga.
 
1. Pinipigilan nito ang maagang pagtanda
Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Walang nagnanais na tumanda nang maaga. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga lason (toxins) sa katawan at ang pag-kakaipon nito ay maaaring magpabilis sa ating pagtanda. Kapag ang ating katawan ay nakaipon ng mga lason, nagiging madali tayong kapitan ng sakit. Ang maligamgam na tubig ay makatutulong sa paglilinis ng mga lason sa ating katawan. Nakakatulong din ito sa pag-sasaayos ng mga cells ng ating balat na nakakapagpapakinis ng balat.
 
Kapag uminom ka ng mainit na tubig, ang endocrine system ng iyong katawan ay nagiging aktibo at nagsimula kang pawisan.  Ang pagpapawis ay isang mahalagang bahagi ng pag-aalis ng mga lason sa ating katawan.
 
Ayon sa mga eksperto, ang palagiang pag inom ng maligamgam tubig ay nakatutulong labanan ang pamamaga ng mga kasukasuan, at naiiwasan ang pagkakaroon ng “gout”.
 
2. Pinapagaan nito ang sakit
Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Ang isang subok na lunas sa pananakit ng puson ng mga kababaihan tuwing may regla (menstrual cramp) ay ang pag inom ng maligamgam na tubig. Nakakarelaks ito ng kalamnan ng tiyan at nakakatulong maibsan ang sakit na dulot ng regla sa mga kababaihan.
 
Bukod dito, ang maligamgam na tubig ay isa ring mabisang lunas para sa lahat ng uri ng pulikat (muscle cramps) dahil nagpapabuti ito ng sirkulasyon ng maliliit na ugat at nakakatulong sa pagpapalambot o pagpapaluwag ng mga kalamnan.
 
3. Tumutulong ito sa pagbawas ng timbang
Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Maaaring nasubukan mo ring magbawas ng timbang at narinig ang kapakinabangan ng pag-inom ng isang basong maligamgam na tubig tuwing umaga. Tama ito. Ang mainit na tubig ay nagdaragdag ng temperatura ng iyong katawan, na siya namang nagpapabilis ng iyong metabolic rate o kakayahang mapabilis ang pagsunog ng mga calories sa katawan.
 
Kung sinimulan mo ang iyong araw sa pamamagitan ng pag-inom ng isang basong maligamgam na tubig na may lemon, matutulungan mo ang iyong katawan na matunaw ang mga taba sa iyong katawan. Kinokontrol din ng maligamgam na tubig na may lemon ang pagtatakam na kumain ng kumain, dahil ang lemon ay naglalaman ng pectin fiber na nagbibigay ng pakiramdam ng kabusugan.
 
 
4. Nagpapabuti ng panunaw
Kung umiinom ka ng isang basong maligamgam na tubig tuwing umaga, natutulungan nito ang iyong katawan na mas mabilis na matunaw ang mga pagkain.
 
Sa kabilang banda, ang pag-inom ng malamig na tubig pagkatapos kumain ay maaaring makapagpabagal ng iyong panunaw. Pinapatatag ng malamig na tubig ang mga langis at taba sa pagkain na iyong kinain. Lumilikha ito ng mga deposito ng taba at ginagawang mas mahirap ang pagtunaw. Mas mabuti kung papalitan mo ang isang basong malamig na tubig ng isang basong maligamgam na tubig.
 
5. Pinapabuti nito ang sirkulasyon ng dugo
Ang palagiang pag inom ng maligamgam na tubig ay nag-flush ng mga lason sa ating dugo, at inaayos ang sirkulasyon nito. Dahil natutulungan nitong marelaks at lumuwag ang mga ugat sa ating katawan, nagiging maayos ang pagdaloy ng dugo.
 
6. Nakatutulong ito sa paninigas ng dumi
Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Marahil ay nakaranas ka na rin ng hindi komportable at nakakainis na epekto ng paninigas ng dumi o pagtitibi. Ang ganitong problema sa tiyan ay karaniwang nangyayari kapag may problema sa paggalaw ng ating bituka, na kadalasan ay sanhi ng kakulangan ng tubig sa katawan. Kapag sinimulan mo ng pag-inom ng maligamgam na tubig bago kumain ng anumang bagay sa umaga, makakatulong itong mapabuti ang paggalaw ng iyong bituka, kaya't maiiwasan ang paninigas ng dumi o pagtitibi.
 
Maliban dito, ang mga kababaihan ay karaniwang nakararanas ng pagtitibi dahil mayroon silang mas maraming mga hormone na nagdudulot ng paninigas ng dumi. Kung kaya’t ipinapayo sa mga kababaihan ang ibayong pag inom ng maligamgam na tubig lalo na sa umaga.  Kailangan rin ng mas maraming tubig kung ang isang babae ay buntis o nagpapasuso.
 
7. Nag-uudyok ito ng pagtulog
 Bakit Kelangan Uminom ng Maligamgam na Tubig sa Umaga? Siyentipikong Batayan
Kapag humigop ka ng maligamgam na tubig bago kumain, lalo na sa hapunan o bago ka matulog, makakatulong ito na makapahinga ng maayos ang iyong katawan. Nakakatulong din ang pag inom ng maligamgam na tubig para madali kang makatulog.
 
Mahalagang Paalala
 Ang payo ng Department of Health (DOH) ay palagiang gumamit ng purong malinis na tubig para sa pag-inom, paghahanda ng mga inumin, pagluluto, pagsipilyo ng ngipin, paghuhugas ng kamay at mukha at paghuhugas ng mga kagamitan sa pagkain at pagluluto upang maiwasan ang pagtatae.  Pakuluan ang tubig ng hindi bababa sa dalawang minuto at hayaan itong medyo lumamig bago inumin. Pinapatay ng kumukulong tubig ang lahat ng mga potensyal na mikrobyo na maaaring makuha mula sa kontaminadong tubig.
 
Ang pag-inom ng masyadong mainit na tubig ay maaaring makapinsala sa iyong lalamunan at dila. Maging maingat kapag umiinom ng mainit na tubig.
 
Gayunpaman, sa pangkalahatan, ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay walang panganib na epekto at ligtas para sa lahat.
 
Paglalagom
Bilang pagtatapos, nalaman natin sa artikulong ito ang kahalagahan pag inom ng maligamgam na tubig at kung kailan natin ito mas nararapat gawain. Nakita rin natin ang 7 kamangha-manghang benepisyo sa ating katawan kapag nagsimula tayong uminom ng isang basong maligamgam na tubig pagkagising sa umaga, at bago matulog sa gabi.
 
Nabatid rin natin kung ano-ano ang mga batayang siyentipiko ng pag inom ng maligamgam na tubig.  At higit sa lahat, bukod sa madaling gawain, walang kaakibat na dagdag gastos ang pamamaraang ito. Subukan ng simulan ang iyong araw ng pag inom ng maligamgam tubig. Kung hindi ka sanay uminon ng tsaa o kape, subukang uminom ng mainit na tubig na may lemon o kalamansi.
 
Ano pa ang hinihintay nyo, tara ng uminom ng maligamgam na tubig tuwing umaga! 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)