Bakit kumukulo ang tiyan ko? Ano sanhi, gamot o lunas ng hangin pagkulo ng tiyan?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nakaka-inis kapag may gumagawa ng ingay sa loob ng katawan, pero natural lang iyon o baka senyales na may mali. Ang katawan natin ay isang kahanga-hangang makina at gaya ng literal na makina gumaganit ito at lumilikha ng tunog. Ang paglaguklok ng tiyan o iyong maingay sa loob nito ay may ibat-ibang dahilan, pero karaniwan na ay dahil gumagana ang mga bahagi ng katawan para sa pagtunaw. Kapag malakas ito at matagal, pwedeng may mas seryoso na dahilan at baka kailangan mo ng magpatingin sa doctor lalo na kapag hindi ka na komportable.

Normal lang naman iyan minsan at walang dahilan para mabahala, pero kapag kasabay nito ay may iba pang parte ng katawan na masakit, baka may problema. Heto ang ilan sa mga sintomas:

-       Masyadong mahangin ang tiyan

-       Lagnat

-       Pagsusuka

-       Pagkahilo

-       Madalas na pagkasira ng tiyan o diarrhea

-       Di-matunawan

-       Dugo sa dumi

-       Pananakit ng dibdib na hindi makuha ng mga over-the-counter na gamut

-       Pagbabawas ng timbang

-       Palaging madaling mabusog

Kumunsulta agad sa doctor kapag naranasan mo ang mga sintomas na ito at kapag masakit ang tiyan mo.

Sanhi ng pag-iingay ng tiyan

Ang ingay o tunog sa loob ng tiyan mo ay karaniwan ng dahil sa pagkain, tubig, digestive juices,at hangin sa loob ng bituka mo.

Kapag ipinoproseso ng bituka mo ang pagkain, ang tiyan mo ay lumilikha ng tunog. Ang ating gastrointestinal tract ay binubuo ng mga muscle. Kapag kumakain tayo, kumikilos ito para haluin at itulak ang mga pagkain sa biituka para matunaw. Ang tawag diyan ay peristalsis. Ang peristalsis ay pangunahin ng dahilan ng tunog na naririnig mo matapos kumain. Nangyayari ito matapos ang ilang oras ng pagkain at maging sa gabi kapag matutulog na tayo.

Kung gutom ka, naglilikha din iyan ng tunog. Ayon sa isang artikulo, kapag gutom tayo, nagiging aktibo ang mga hormones sa utak na nagpapadala ng signal sa bituka natin.

Bilang resula, nagcocontract ang mga kalamnan sa tiyan mo na gumagawa ng ingay. Pwede itong normal lang, hypoactive o sobrang aktibo/hyperactive. Ang Hypoactive ay yung tunog sa tiyan kapag bumagal ang bituka sa ginagawa nito. Sa kabilang banda, ang hyperactive na tunog ay ang mas malakas na tunog kapag mas aktibo ang bituka sa Gawain nito para sa katawan at pwede itong marinig ng mga tao sa paligid mo. Nangyayari ito kapag may diarreah ka o matapos kumain.

Normal ang pagiging hypoactive at hyperactive ng tiyan pero kapag madalas mo itong maranasan kasabay ang iba pang di normal na sintomas, baka kailangan mo ng magpatingin.

Normal na ingay sa tiyan

Ang iyong tiyan ay abala sa gitna ng dalawang sesyon ng pagkain. Ang mga tubo sa tiyan mo ay kumikilos kada 3 hanggang 4 na oras, kumain ka mn o hindi. Kapag naka-amoy ka ng pagkain, nakakita o nakaisip, naglalabas ito ng gastric juice. Gumagawa ng ingay ang tiyan mo kapag gumagalaw ang mga tubo at kalamnan at kapag naglalabas ka ng gastric juice.

Gutom

Nagugutom tayo kapag ang mga hormone sa iyong panunaw ay naghahatid ng mensahe sa hypothalamus. Ang mga senyales na ito ay naglalabas ng hormones na nagpapasigla sa paglalabas ng gastric juices at nagpapagalaw ng mga kalamnan sa loob ng tiyan. Kaya lumilikha ito ng ingay.

Pagtutunaw

Ang pagkain ng beans, repolyo at melon ay nagpapaingay sa tiyan mo dahil sa kakulangan ng enzyme na tumutunaw sa sugar ng mga pagkain na ito. Ayon sa University of Pittsburgh School of Nursing, ang natural na baktirya sa loob ng tiyan ay tumutugon sa asukal, gumagawa ng carbon dioxide, hydrogen at methane gasses, na umiikot sa loob ng tiyan bago ito lumabas. Kapag natunaw na mga pagkain sa loob ng tiyan, tinatawag itong chyme. Kailangan nitong dumaan sa duodenum at sa iyong bituka. Kaya gumagalaw ang mga kalamnan na nagsasanhi ng tunog.


Mas seryosong dahilan

Ang matagal na paglikha ng ingay ng tiyan na halos araw-araw ay maaring senyales ng mas seryosong kondisyon kaysa sa gutom o hangin gaya ng IBS o irritable bowel syndrome. Ang mga sintomas nito ay ang diarreah, sobrang hangin sa tiyan, pamumulikat sa loob ng tiyan at paglaki nito. Normal lang ang pagiingay ng tiyan pana-panahon, pero kapag may kasama itong mas seryosong mga sintomas gaya ng nabanggit, kailangan ng kumusulta sa doctor.

References:

WeMD. (2018 November 13). Gastritis symptoms and causes. Retrieved from: https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-gastritis#1

Mayo Clinic. (2020, April 3). Gastritis. Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastritis/symptoms-causes/syc-20355807

Cleveland Clinic (2016 January 11). Gastritis. Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10349-gastritis

 

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.