Bakit lagi nasasamid ako baby? Ano sanhi ng nabubulunan o choking tayo?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ang mga kadalasang biktima ng choking ay ang may edad isa hanggang tatlong taong gulang na bata dahil sa likas na pagkamausisa. Kailangang umubo ng sunod sunod o paulit ulit na may pwersa para mailabas ang anumang bagay o likido na nakabara sa lalamunan o daanan ng hangin. Kapag ito ay pinabayaan maaaring magdulot ng pinsala, komplikasyon at pagkamatay dahil sa pagkaubos ng hangin papunta sa utak.
 
Ang mga sumusunod ay ang mga  sanhi hindi lamang paglunok ng bagay o likido maging mga kondisyong medikal ay maaring magdulot ng choking:
 
1. Ang pagkalunok ng mga maliliit na bagay, pagkain o maging ang tubig ay maaaring magdulot ng pagkabara ng lalamunan. Karamihan ng nakakaranas nito ay ang mga batang wala pang muwang. Dahil sa kasiyahang dulot nito, lahat ng kanilang makita at mahawakan ay kanilang sinusubo kaya naman gabayan o ilayo sa mga bata ang mga bagay tulad ng barya, butones, pins, bato o anumang bagay na hindi ligtas dahil kapag ito ay bumara ang enerhiya ng bata ay mas mahina kumpara sa mga matatanda. Ang kadalasang dahilan naman kung bakit nabubulunan ang mga matatanda ay dahil sa walang ingat at mabilis na pagnguya at paginom.
 
2. Gastroesophageal Reflux Disease o Gerd - ito ang karamdaman kung saan ang asido na galing sa tiyan ay bumalik sa iyong lalamunan. Ang heartburn, pgubo at pagkabulon ay mga malubhang senyales ng GERD. Kadalasang nararamdaman ito bago o habang natutulog. Kapag ang asido ay bumalik na sa lalamunan at larynx ang taong may GERD ay magigising na umuubo o pakiramdam na may asidong nakabara o heartburn.
 
3. Ang sitwasyon kung saan malapit ka ng malunod - sinasabing ang mga biktima ng muntikan ng malunod ay kinakailangan pa din ng lunas at matignan ng doktor dahil sa tubig na nainom na pwedeng magbara sa lalamunan na kapag hindi naagapan ay magdulot ng matinding komplikasyon at pagkawala ng hangin.
 
4. Myasthenia Gravis - ang kondisyon kung saan pinapahina nito ang skeletal masel. Ang masel dito ay importante at kailangan ng katawan upang makagalaw ng maayos at magbigay mensahe sa selula ng nerbula. Dahil sa pagkasira nito, ang mga pasyenteng may myasthenia gravis ay nakakaranas ng hirap sa paglunok at pagnguya kaya naman nahihirapan silang kumain at madalas mabulunan.
 
5. Parkinson’sa disease - ang sakit na ito ay isang neurolohiyang karamdaman at ang unang sintomas nito ay problema at hindi maayos na paggalaw. Ang maayos na koordinasyon ng masel sa pangangatawan ay dahil sa dopamine na matatagpuan sa substantia nigra na bahagi ng utak. Kapag ang selula nito ay nagsisimulang mamatay, ang antas ng dopamine ay bumababa at kapag umabot ito ng 60 - 80 porsyente magsisimula nadin na maramdaman ang mga sintomas tulad ng mabagal, hindi makontrol na paggalaw, paninigas ng kamay, paa at tagiliran. Ang sistema tulad ng lalamunan ay apektado rin at makakaranas ng pagkabulon.
 
6. Ikaw ay may panic disorder - ito ang kondisyon kung saan nakakaramdam ng matinding takot sa isang bagay, tao o imahinasyon o kaya naman wala lang dahilan. Ang mabilis na pagtibok ng puso, pagkabulon, nahihirapan sa paghinga at pamamawis ang mga senyales nito.
 
7. Mga mga taong nastroke - isang karamdaman kung saan ang dugo at hangin ay nahihirapang dumaloy sa tisyu at nerbula ng katawan dahil sa pagkaputol o pagbabara sa daluyan ng dugo na nanggaling sa utak. Sila ay paralisado, nanghihina, namamanhid ang mukha, leeg, isa o buong parte ng katawan at nahihirapan sa pagsasalita. Dahil sa mga sintomas na nabanggit, sila ay walang kontrol sa pagkain at kadalasang biktima din ng pagkabulon. Kaya naman pinapayuhan na mas maging maingat sa mga pagkain at inuming ibibigay sa mga pasyenteng nastroke na o may stroke.
 
8. Nahihirapan sa paglunok o Dysphagia - dahil sa pamamaga at pananakit ng lalamunan nahihirapang lumunok ng tubig o kumain ang isang tao. Ang pagkain o likido na galing sa tiyan ay pwedeng bumalik sa lalamunan dahilan ng pagkabara o pagkabulon. Sa ganitong sitwasyon, mainam na hatiin ng maliliit na piraso ang pagkain at nguyaing mabuti upang ito ay maiwasan.
 

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)