BAKIT LUMALABO ANG MATA KO? ANO DAHILAN NG PAGLABO NG PANIGIN? PANLALABO

Medical Team
is a Medical expert in United States

Posibleng Dahilan ng Paglabo ng Paningin o panlalabo ng mata
Maraming kondisyon ang maaring dahilan ng blurred vision o paglabo ng mata. May apat na mekanismo ang panlalabo ng paningin.
Una, ang Opacification o paglabo ng transparent na bahagi ng mata, katulad ng cornea, lente, at vitreous, na dinadaanan ng sinag ng liwanag.
Pangalawa, diperensya sa retina, ang manipis na bahaging nakalinya sa likod ng mata.
Pangatlo, diperensya sa optic nerve o mga koneksyon nito. Pang-apat, refractive errors o problema sa pagpasok at pagkurba ng liwanag sa loob ng mga mata. Minsan ang paglabo ng mata ay pwedeng dahilan ng higit pa sa isang mekanismong nabanggit.
 
Ang mga susunod ay ilan sa mga dahilan ng panlalabo ng paningin:
-       Ang Hyperopia o malayong paningin ay kondisyon kung saan mas malinaw ang isang bagay kung malayo ito. Kung malapit sa mata ang tinitingnan, katulad ng pagbabasa ng libro, malabo ito sa paningin ng taong may hyperopia.
-       Samantala, ang kondisyon naman na kabaligtaran nito ay Myopia, o ang malapit na paningin. Kapag malayo ang tinitingnan ay lumalabo ang kanyang pananaw, katulad ng panonood ng telebisyon.
-       Ang Astigmatism naman ay kondisyon ng malabong mata kahit na anong distansya pa ng mga bagay. Ito ay karaniwang epekto ng iregular na hugis ng cornea.
-       Ang Katarata o ang pagkakaroon ng puting tabing sa lente ng mata ay isa ring dahilan kung bakit lumalabo ang mga ito.
-       Ang Diabetic Retinopathy ay nakakalabo rin ng paningin. Ito ay karaniwang kondisyon ng taong may diabetes. Dahil sa mataas na sugar sa kanyang dugo, napipinsala nito ang retina.
-       Ang Vitreous Hemorrhage naman ay resulta ng trauma o injury na kung saan ang dugo ay nahahalo sa vitreous gel o ang likido na nasa ating mga mata na dahilan upang lumabo ang mga ito.
-       Ang isa pang seryosong kondisyon sa mata ay ang Retinal Vein Occlusion. Nangyayari ito kapag ang daluyan ng dugo na nagsusupply sa retina ay barado. Hindi lang malabong paningin ang maaaring idulot nito, pati na rin biglaang pagkabulag.
-       Katulad ng Retinal Vein Occlusion, ang Retinal Detachment ay may kaparehong resulta. Ito naman ay nangyayari kapag ang retina ay nagalaw sa pwesto or humiwalay sa bahaging dinidikitan nito.
-       Ang Macular Degeneration ay kondisyon na kung saan ang gitnang bahagi ng retina ay napinsala, dahil ang bahaging ito ang nagbibigay ng kakayanang makita ng maliwanag ang mga bagay sa mismong harap na bahagi ng ating mata.
-       Ang susunod na dahilan ng malabong paningin ay ang Keratoconus. Ito ay kondisyon na kung saan ang cornea ay hugis cone. Ang cornea ang nagbibigay ng pokus sa ating paningin, kaya kung hindi regular ang hugis nito ito ay magdudulot ng malabong paningin.
-       Katulad ng Keratoconus, and Pterygium ay may parehong epekto sa mata. Ang pterygium ay ang pagtubo ng bahagi ng laman sa loob ng mata. Minsan tumutubo ang laman hanggang sa cornea na nagiging dahilan upang mabago sa hugis ng cornea, kaya lumalabo ang mata.
-       Ang Epiretinal Membrane naman ay manipis at mahiblang layer na tumatakip sa retina. Dahil dito, natatakpan nito ang liwanag na pumapasok sa mata kaya malabo ang mga ito. Ang Presbyopia naman ay karaniwang nararanasan pag tumatanda o lagpas na sa edad na apatnapu, dahil nababawasan ang abilidad ng mata na magpokus sa mga bagay. Resulta ito ng pagtigas ng lente sa loob ng mata.
-       Ang simpleng impeksyon, pamamaga, Dry Eye Syndrome o mabilis na panunuyo ng likido sa mata, eye floaters o nanigas na vitreous sanhi ng pagtanda, sobrang paggamit ng contact lenses, pagbubuntis, at sugat o gasgas sa mata ay nakakaapekto din sa paningin.
 
May mga mabisang gamot at lunas sa panlalabo ng paningin o paglabo ng mata. Importante lamang na kumonsulta sa eksperto o espesyalista na eye doctor (tulad ng opthalmologist o optometrist), upang maiwasan lumala at magdulot ng pagkabulag. Kaya para sa tama at maayos na payo at reseta, mahalagang magpatingin sa tamang doktor ayon sa kondisyon ng mga mata.

Related articles:
Ano ang Glaucoma?
Ano ang Kuliti? 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.