BAKIT MAALAT ANG DAGAT? ALAMAT KARAGATAN MAASIN DALAMPASIGAN

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Kung pagmamasdan mula sa kalawakan, ang hitsura ng mundo ay isang tuldok lamang na kulay asul.
Ang asin ay nagmula sa karagatan. Ang karagatan ay tinatawag na pangunahing anyong tubig. Tinatayang 72% ng ibabaw ng daigdig ang natatakpan ng karagatan. Isang bahagi ng tubig na hinahati sa ilang pangunahing mga karagatan at maliit na mga dagat.  Halimbawa nito ay mga ilog, lawa, sapa, agusan, bambang o mga kanal at iba pang anyong tubig. Ang anyong tubig o dagat ay isang mayaman na pinagkukunan at pinagmulan ng mga isda o yamang dagat.  Ang ating daigdig ay tinatayang nasa 97% ay tubig alat at 3% naman ay malinis. Sa 3% dito ginamit ang tubig upang panlinis ng dumi, pagluluto at pangunahing pangangailangan ng tao. Ginagamit din natin itong pang-inom. 
 

Bakit nga ba maalat ang tubig dagat?
Ang asin ay madalas na nanggagaling sa bato na matatagpuan sa lupa. Maalat ang tubig dagat dahil sa nabubuong asin sa ilalim nito. Ang isa sa pinanggalingan ng asin ay ang lupang tinutuntungan natin.  Habang sinisipsip ng lupa at bato ang tubig ulan, tinutunaw nito ang mineral na “asin” at ang mga kemikal na sangkap nito. Ito ay dumadaloy sa dagat sa pamamagitan ng batis o ilog.  Ang tawag sa pamamaraan na ito ay weathering.
 
Ang ulan ay hindi purong tubig, dahil mayroon itong konting carbon dioxide na nakukuha nito sa hangin. Kung mapapansin mo ang ulan ay maalat-alat ng konti dahil sa carbonic acid. Tinawag na carbonic acid dahil naghalo ang carbon dioxide at ulan. Oras na bumagsak ang acid rain sa putik, may mga maliliit na mineral na napupunta sa bato papunta sa tubig. Ang tawag dito ay Ion. Ang Ion ay umaagos papunta sa ilog, kanal, batis, at papunta sa karagatan. Maraming mga Ions ay natanggal sa tubig sa pamamagitan ng mga tanim at hayop o isda na makikita sa dagat. Ngunit ang iba ay nanatili sa tubig hanggang sa milyun-milyong taon.
 
Isa din sa pinanggagalingan nito ay ang mga mineral na nagiging asin. Ito ay galing sa kailaliman ng lupa. Tumatagos ito sa tubig sa pamamagitan ng bitak na lupa. Kapag  mainit, ito at pumapa-ibabaw tangay ang lusaw na mineral at ibinubuga ito sa dagat o tinatawag na hydrothermal vent o pinagsamang tubig o nalusaw na mineral.
 
Pinanggalingan din ng asin ay ang hangin na may maliliit na butil mula sa lupa patungo sa dagat. Nasa tubig lahat ang halos kilalang sangkap, gayunpaman, ang pangunahing sangkap ng asin o Ion ay sodium at chloride. Ang sodium at chloride ay maaalat.  Binubuo ng 90% ng lusaw na asin o ION ang ating karagatan na siyang pangunahing dahilan kung bakit maalat ang tubig dagat.
 
Ang asin ay naiipon sa dagat sapagkat ang tubig na sumisingaw mula sa karagatan ay halos puro.  Naiiwan sa karagatan ang mga mineral, at hindi nagbabago ang antas ng asin. Tinatayang nasa 3.5% ng bigat ng alat tubig ay galing nagmula sa natunaw na asin. Ayon sa pag-aaral kapag hiniwalay ang asin sa karagatan at kinalat sa buong daigdig na panay lupa, nasa 500 pulgada ang kapal nito kapag pinagpatong patong. Tinatayang nasa 40 palapag ng gusali ang taas ng asin.
 
Ang isa pang pinanggalingan ng asin ay ang mga bulkan na nagpapalabas ng maraming bato. Ito ay napakainit at naglalabas ang mga bato ng mga mineral at mga kemikal sa dagat.  Ang lindol, bulkan at mga guwang ng lupa at ang paglusaw ng mga mineral ay mga indikasyon ng prosesong ito. Ang Dead Sea ay isa sa mga halimbawa ng maalat na tubig dagat na nasa 30% ang bigat ng asin nito.


 UNA: ALAMAT NG KARAGATAN KUNG BAKIT MAASIN O MAIKLING KWENTO NG
Noong unang panahon may isang higanteng nilalang na ang pangalan ay si Angos. Nakatira siya sa baybayin ng Timog ng Asya. Si Asong ay isang matulungin sa kanilang lugar. Tumutulong siyang magbuhat ng asin na nagmula pa sa bundok pababa sa kanilang nayon. Dahil sa kanyang laki at lakas, kayang-kaya niyang buhatin ang kalahating mundo sa loob lamang ng tatlong araw. Sikat at mahal siya sa kanilang nayon sapagkat siya ay mabait at matulungin sa kapwa.
 
Isang araw ang mga tao ay sumakay sa bangka at nagtungo sa kabilang ibayo upang mangalakal o bumili ng asin. Dahil sa naririnig ng taga siyudad na maganda at produktibo ang mga taga nayon nagplano sila na makikipagkalakan sa mga ito, ngunit ang totoo,pakay talaga nilang manlinlang. Ngunit tumanggi ang mga taga nayon sapagkat naisip nilang baka malaman nila ang tungkol kay Asong. Siguradong matatakot lang ang mga taga siyudad o baka naman hulihin nila ito at gawing katatawanan sa kanilang lugar.
 
 Mabilis kumalat ang balita tungkol sa pag-alok ng taga siyudad at pagtanggi ng mga taga nayon na makipagkalakalan, hanggang umabot ito kay Asong. Tinulungan ni Asong ang mga taga nayon at itinaboy ang ang mga taga siyudad. Nagpasalamat at masaya ang mga taga nayon sa ginawa ni Asong.   
 
Iminungkahi ni Asong na huwag na sila magsisakay sa bangka upang mapadali sila sa kanilang pag-uwi. Hihiga na lang siya at gawing tulay ang kanyang mga binti upang makatawid ang mga ito.  Tuwang tuwang sumang-ayon ang mga naroon.  Humiga na ang higante sa dagat at nagsitulay na ang mga tao sa kanyang mga binti. Habang ginagawa nila ito ang mga taga siyudad ay gumawa ng paraan upang makaganti kay Asong at sa mga taga nayon. Sinira nila ang banga na may mga langgam at nilagay sa binti at talampakan ni Asong. 
 
Nang nasa kalagitnaan na ng dagat ang mga tao kinagat ng mga langgam ang talampakan ni Asong. Makating-makati at masakit na ang mga kagat ng langgam kaya pinagsabihan niya ang mga tao na magmadali at hindi na niya matiis ang pangangati na nararamdaman sa kanyang talampakan.  Nagmadali ang mga tao ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ng binti ni Asong ang mga tao ng hindi na niya matiis ang pangangati ng kanyang talampakan.  Kumilos siya upang kamutin iyon kaya't nahulog sa dagat ang mga tao, kasama ang mga binuhat nilang asin.
 
Kasabay nito ang paglubog din ni Asong sa gitna ng dagat   Natunaw ang asin sa dagat kaya ito ang dahilan kaya naging maalat ang tubig dagat. Walang nagawa ang mga taga nayon dahil hindi nila kayang iahon si Asong sa dagat, sapagkat sa sobrang laki at bigat nito.  Dahil sa malaki ang naitulong ni Asong sa mga taga-nayon binigyan nila ng karangalan ang ginawa nito bilang pasasalamat. Nilagyan nila ng mga lupa ang katawan nito.  Sa paglipas ng panahon naging isang nayon na rin ito, at tinawag ng lupang Asong at may dagat na maalat.
 
THE END......

 

IKALAWA: MAIKLING KWENTO NG MAASIN NA KARAGATAN- ASTON AT NASIN
Noong unang panahon may dalawang magkapatid na lalaki. Si Aston ang mayaman at si Nasin ang mahirap. Malapit na ang pasko at walang maihanda na noche buena si Nasin kaya naisipan niyang pumunta sa kapatid na mayaman, upang makahingi ng konting tulong. Dahil pasko naman umaasa siya na pagbigyan ng kapatid ang kanyang hiling. 
 
Hindi man bukal sa loob ni Aston na tulungan si Nasin ay pinaunlakan niya ito ngunit sinabi niyang pagkatapos maibigay ang hinihingi niya ay gagawin nito ang gusto niya. Tuwang-tuwa si Nasin at sinabing gagawin nito ang kagustuhan ng kapatid bilang pasasalamat na rin sa ibinigay niya.
“Ito na ang isang buong buwan na budyet ng pagkain at bacon na hinihingi mo at umalis kana at pumunta ng impyerno". Saad ni Aston.
 
Buong araw naglakad si Nasin, tiniis ang pagod, uhaw, gutom at mga alikabok sa kakahanap ng lugar na impyerno. Hanggang sa makakita siya ng maliwanag na lugar. Pinuntahan niya ito at nakasalubong niya ang isang matandang duwende. Binati niya ito at sinabing hinahanap niya ang lugar na impyerno at kung sana malaman na niya kung saan ito para hindi na siya maligaw pa. Sinabi ng duwende na hindi na siya maliligaw pa, sapagkat yun na ang lugar na impyerno. Ayon sa duwende na bahay na malapit sa kanila ay impyerno.
 
“Pagpasok mo siguradong matutuwa sila sa iyo, dahil gusto nilang bilhin ang pagkain na dala mo”. Sabi ng duwende.  
“Ngunit bago ka umayon sa kagustuhan nila, makipagpalit ka sa gilingan na malapit sa pintuan”. Dagdag na payo ng duwende.
 
Sinunod ni Nasin ang sinabi ng duwende. Pinagpalit niya ang kalahati ng pagkaing dala sa gilingan ng mga duwende. Tinuruan din siya kung paano gamiitin ito. Pagkatapos malaman kung paano gamitin ang gilingan ay nagpasalamat ito sa duwende at nagpasyang umuwi na.
 
Nakita ni Nasin na inip nang naghihintay ang kanyang asawa’t anak. Dahil matatapos na ang pasko ay wala pa siya. Binigay niya sa asawa ang dala niyang gilingan na nanggaling sa mga duwende. Pinakita niyo dito kung paano ilabas ng gilingan ang lahat na kanyang hilingin.
 
Tuwang tuwa silang mag-asawa dahil sa gilingan ay umasenso ang kanilang buhay. kahit na anong hilingin nila ay natutupad nito. Mas mayaman na siya ngayon sa kaysa kay Aston. Nang malaman ni Aston na parang pyesta ang pagkain na nasa hapag ng noong humingi lang ng pagkain na kapatid, nainggit ito at hindi niya matanggap na mas nakalalamang na ito sa kanya. Nadiskubre nito ang tinatagong sekreto ng kapatid. Naging interesado siyang bilhin ito.
 
Pinagbili ni Aston kay Nisan ang gilingan sa malaking halaga. At napagkasunduan nila na gagamitin niya lang ito sa panahon ng ani. Subalit hindi niya pinaalam ni Nisan sa kapatid kung paano ang tamang paggamit nito.
 
Habang kay Aston ang gilingan ginaya niya kung paano ginagamit ito ng kapatid ngunit hindi niya alam kung paano pahintuin ang gilingan. Hanggang sa nasira ang lahat ng naipundar nito kasama na ang kanilang taniman. Nilalamon nito lahat ng mga bagay na nakapaligid dito.
 
Galit na galit si Aston na bumalik kay Nisan at pinapakuha na ang gilingan, dahil ayaw na niya nito. Dahil kung hindi kukunin ni Nisan ang gilingan ay baka pati ang buong lugar ay lalamunin nito sa loob ng isang oras lamang.
 
Naibalik kay Nisan ang gilingan at nagkaroon pa siya ng pera galing sa kapatid. Patuloy ang pagyaman ni Nisan at nakapagpatayo siya ng gintong bahay dahil sa yaman nito. Naging sikat ang bahay nito sa mga manlalakbay na dumadaan dito.
 
Isa sa mayamang manlalakbay ay nalaman din ang tungkol sa gilingan kaya hiniling niya kay Nisan na bilhin ang gilingan sa sobrang mataas na halaga. Pumayag si Nisan na bilihin ng mayamang manlalakbay ang gilingan.
 
Ginamit ng manlalakbay sa pagiling ng asin sa dagat upang ipangkalakal sa karatig lugar na dadaungan. Habang inutusan niya ang gilingan na kumuha ng asin napuno nito ang barko ngunit di pa rin huminto ang gilingan dahil di niya alam kung paano ito pahintuin. Lumubog ang barko na puno ng asin at hanggang ngayon gumigiling pa rin ng asin ang gilingan. Na nagiging dahilan ng pag-alat ng tubig sa karagatan.
 
THE END....

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.