Bakit Maitim ang Utong? Dede Suso Boobs Ano Dahilan ng Pagkakaroon ng Maitim na Areola? Bakit Brown Pink?

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Makikita ang tunay na kulay ng katawan sa pamamagitan ng kulay ng balat at utong. Kung ang iyong balat ay maputi, ang iyong mga utong ay kulay pink, pula o fair.Samantala kung maitim naman, ang kulay naman ng utong ay dark o brown. May nakapaligid sa utong na pabilog at ito ay tinatawag na areola.
 
Kadalasan, ang areolas ay maitim sa kabila ng maputing utong. Ang balat ng areolas ay makapal, may maliliit na parang sugat, at madalas may buhok (kalimitan sa mga babae ay kaunti lamang yung buhok). Samakatuwid, ang buong bahagi ay matiim.
 
Marahil ang areolas ng ibang babae ay kulay pink ngunit ang iba ay mas maitim. Muli, ang areolas ay maaaring red o pink. Ang utong o areolas ay madalas na mas nagiging maitim dahil sa nararamdamang libog. Dahil dito, ilan sa mga bansa ang mga babae ay nagpapaitim ng kanilang utong upang maakit nila ang kapareha.
 
Ang utong ay talagang mayroong maraming maliliit na bukol. Ito ay pangalawa sa sekswal na parte ng mga babae. Tumatayo at tumitigas ang utong kapag sila ay nakikipagtalik.
 
Mapapansin mo na ang dalawang utong ay hindi pantay. Ang isa ay mas maitim o mas malaki kumpara sa isa.
 
Gayunpaman, karamihan sa mga babae at lalaki ay gusto ang maputing utong. Ngunit, imposible na mapanatili ang kulay na pink na utong. Madalas na maitim ang nipple o umiitim pagkapanganak.
 
Ang suso ng tao ay nagbabago habang tumatagal dahil sa natural na kaganapan tulad ng pagdadalaga o pagbibinata, at pagbubuntis. Ang mga utong ay hindi nagbabago ng kulay, ngunit ang palibot na bahagi ng balat ng kada utong na tinatawag na areola ay nagbabago.
 
Kadalasan, kapag nagbabago ang kulay ng areola, ito ay kaaya-aya. Gayunpaman, kung ang mga utong ay magbago ng kulay na hindi na maganda tingnan, kailangan na ito ng medikal na atensyon.
 
Mga Dahilan ng Maitim na Utong:
1. Oral Comtraceptives
Ang birth control pills ay maglalaman ng hormones estrogen at progesterone na gawa ng tao. Ang paggamit ng pills na ito ay nakakatulong upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.
 
Ang birth control pills ay nakaka-apekto sa katawan katulad ng paraan ng pagbabago ng hormone. Ito ay nagiging dahilan ng pag-itim ng paligid ng utong, ngunit mawawala rin ito kapag itinigil ang paggamit ng pills. Ang birth control rin ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng melasma, kung saan ang kulay brown-grey na butlig ay nabubuo.
 
2. Buhok sa paligid ng utong
Sa pangkalahatan, ang mga babae ay walang buhok sa labas na bahagi ng areolas. Ngunit, may ilang babae na nagkakaroon ng maliliit na buhok sa paligid ng mga utong na parang pilikmata. Dahil dito ang utong ay magmumukhang maitim dahil sa mga buhok. Pwedeng gumamit ng ”Epiwand Facial Hair Epilator” upang matanggal ang buhok.
 
3. Pagbubuntis
Ang pagbubuntis ay pinapangarap ng bawat babae. Ngunit sa pagtanggap ng biyayang ito, mayroong pagbabago na hindi kaaya-aya sa paningin. Ang pag-itim ng balat sa iba’t ibang parte ng katawan ay ang karaniwang senyales ng pagbubuntis. Mapapansin mo ang maitim na balat sa iyong mukha, gaya sa palibot ng mata at itim na linya na parang ahas sa iyong tiyan.
 
Ang maitim na mga utong ay karaniwang sintomas din habang nagbubuntis. Pagkatapos ng isa o dalawang linggong paglilihi ay magsisimula ng umitim ang areolas. Ang mga utong ay lalake rin habang nagbubuntis. Ito ay dahil sa hormones ng nagbubuntis.
 
Hindi inaalala rito ang maitim na utong sapagkat ito ay indikasyon na ang iyong pagbubuntis ay walang problema. Ang kaitiman ng areolas ay magtatagal hanggang sa pagkapanganak. Pagkatapos manganak, ito ay babalik rin sa dati nitong kulay. Subalit, kadalasan ang utong ay nananatili ng maitim.
 
4. Pagkakaroon ng regla
Ang pagkakaroon ng regla ay natural na parte ng reproductive cycle. Ang ovaries ay naghahanda upang makapaglabas ng itlog sa panahong ito.
 
Maging ang dede ay nakakaranas ng iba’t ibang pagbabago sa panahon ng pagreregla. Ang mga pagbabagong ito ay nangyayari dahil ang proseso ng pagreregla na nagbibigay ng pagbabago sa hormone level sa katawan.
 
Ang boobs ay dadaan sa mga pagbabago sa panahon ng paglabas ng itlog. Ang suso ay lalambot o di kaya ay lalaki kapag nag-iba ang hormone levels. Katulad nito, ang bawat isa ay mapapansin na ang utong ay umiitim.
 
5. Pagkatapos manganak at pagpapasuso
Gaya ng inilarawan sa taas, ang pagpapasuso ay nagiging dahilan ng iba’t ibang pagbabago, kabilang na rito ang pangingitim ng mga utong. Ayon sa mga siyentipiko, ang areolas ay umiitim upang tulungan ang bagong panganak na ina na mapalakas ang gatas nito. Ang pagbabagu-bago ng hormone upang paganahin ang produksyon ng gatas ay dahilan din ng pag-iba ng kulay ng mga utong.
 
Ang bagong panganak na sanggol ay hindi pa masyadong nakakakita, at ang maitim na utong ay maaaring maging daan upang matulungan ang sanggol na makahanap ng mapagkukunan ng kanilang makakain. Ang utong ay babalik sa dati nitong kulay sa panahon na itigil ang pagpapasuso.
 
6. Pagbibinata/Pagdadalaga
Sa edad na labing-isa pataas, ang babae ay mag-uumpisa ng magdalaga. Sa panahong ito, haharapin niya ang pagkakaroon ng regla at unti-unting paglaki ng suso. Dahil doon, mapapansin niya ang pag-itim ng kaniyang areolas. Ang utong ay babalik sa normal pagkatapos na makumpleto ang pagdadalaga.
 
7.  Malubhang sakit sa utong
Ngayon, ang pagkawala ng kulay ng utong at sa paligid nito ay maaaring sinyales ng nakakatakot na sakit gaya ng cancer. Ang Paget’sa disease kung saan nabubuo ang cancer. Ang sintomas ng pagkawala ng kulay o pag-itim ng utong na may sintomas gaya ng yuping utong, may lumalabas na kulay dilaw o dugo, natutuklap, magaspang na balat sa paligid ng utong, pangangati sa paligid nito, at iba pa.
 
Pagkatapos ng pagdadalaga, kahit sino ay pwedeng makaranas ng cancer, bagaman kadalasan ay matatanda ang nagkakaroon nito kaysa sa mga mas bata.
 
Kaya kung mayroong mga ganitong senyales, huwag ng magsayang ng oras at pumunta na sa doktor. Dapat ay magkaroon din ng normal na pagsisiyasat. Palaging suriin ang sarili upang mapanatiling ligtas sa mga ganitong klaseng sakit.
 
8. Pagtanda, paggagamot, karamdaman at iba pa
Ang pagtanda ay isa pang rason ng pag-itim ng mga utong. Ito ay normal lamang, kapag ang babae ay tumatanda. Ang kanilang balat ay humarap sa iba’t ibang pagbabago, kasama na rito ang pangingitim ng paligid ng mata, utong, spots, kulubot sa mukha, fine lines at iba pa.

Mga pamamaraan na maaaring gawin upang mapaputi ang Areola
Ang orange, pipino, avocados, honey at gatas ang karaniwang ginagamit upang alisin at paputiin ang maitim na utong o areolas.
 
Ang gamot sa bahay na may Vitamin C ay maganda upang maging maputi ang maitim na balat. Bukod dito, ito ay mga anti-oxidants na ginagamit upang mapanatiling malusog ang ating balat. Maaaring gumamit ng orange o lemon juice sa maitim na utong. Mapapansin mong unti-unting nagkukulay pink ang iyong mga utong. Huwag gamitin kung ikaw ay nakakaramdam ng pagka-irita. Ang Vitamin C ay may sangkap na nakakatuyot din ng balat. Gmamit ng moisturizer pagkatapos.
 
Habang ginagawa ang home remedies, maging maingat sa bawat paglagay nito. Ang labis na paglalagay ay nakakapinsala o nakakaitim ng mga utong.
 
Kailan Dapat Pumunta sa doktor?
Nakikita ng tao ang natural na pagbabago sa kanilang mga utong at suso dahil sa pagbabago sa kanilang katawan at edad. Ang mga nangyayari sa buhay tulad ng pagkakaroon ng regla, pagbubuntis at pagpapasuso ay nagiging dahilan ng pag-itim ng mga utong.
Gayunpaman, maaring pumunta sa doktor kung mapapansin ang mga ganitong mga bagay:
·         Pagbabalat
·         Pagkatuklap
·         Isang utong lamang ang nagbabago ng kulay
·         Pangangati
·         Pamumula
·         Pagkakaroon ng bukol
 
Kung may mga taong nagsuspetsa na sila ay buntis, maaari silang magpakonsulta sa doktor kaagad. Ang mga utong ay normal na nagbabago ang kulay sa paglipas ng panahon at dahil sa mga pagbabago sa buhay ng tao. Walang dapat ipag-alala sa pagbabago ng kulay nito. Ang mga utong ay karaniwang pumuputi ulit pagkatapos na maganap ang normal na pagbabago sa katawan.
Ang bawat isa ay dapat komunsulta sa doktor upang maagapan at magamot kung ang utong ay nangingitim na sinamahan ng mga sintomas na hindi normal na nangyayari.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.