GAMOT SA MABAHONG ARI: BAKIT MALANSA AT AMOY ISDA ANG PWERTA? ANO ANG SANHI SA MABANTOT NA ARI?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang pangangamoy saan mang bahagi ng katawan ay nakakabahala. Kapag ito ay nangyari sa sensitibong lugar ng katawan tulad ng ari, ito ay nakakasanhi ng pagkabalisa.
 BAKIT MALANSA AT AMOY ISDA ANG PWERTA? ANO ANG SANHI AT GAMOT SA PANGANGAMOY NG ARI?
Maraming epekto ang nadudulot ng pagpapabaya tulad ng pagkabaog o problema sa pagbubuntis. Nakakadulot din ng stress ang mga di magandang nararamdaman sa pwerta, at minsan nakakaapekto rin ito sa kompiyansa sa sarili.
 

Ipapaliwanag nitong video ang mga sanhi, lunas at mga maaaring gawin upang maiwasan ang pangangamoy ng ari.
 
SANHI
Mahalaga ang pagtukoy ng sanhi ng problema upang maiwasan ang pabalikbalik na karamdaman. Kabilang na sa mga karaniwang dahilan ng pangangamoy ng ari ang mga sumusunod:
1.     Bacterial Vaginosis
Ang bacterial vaginosis (o BV) ay ang pinakakaraniwang dahilan ng pangangamoy ng ari. Ang sanhi nito ay ang kawalan ng balanse ng mabuting bacteria at pagbabago sa pH balance ng ari. Ang pakiramdam nito ay kaparehas ng pagkakaroon ng yeast infection, ngunit sa kasong ito, mas malabnaw ang lumalabas at kadalasan ay mayroong amoy.
Sa paggamot nito, madalas na ginagamit at epektibo ang suppository o gel na pinapahid. Kung hindi pa rin nawawala ang iyong bacterial vaginosis matapos ang nakasaad na haba ng panahon ng paggamit, kailangan mong humingi sa iyong doktor ng mas malakas na resetang gamot.
 
2.     Trichomoniasis at ibang STDs
Ang pakikipagtalik ng walang proteksyon ay maaaring magdulot ng sexually transmitted infection o humantong sa STD, dahilan kung bakit kailangang palagiang gumamit ng proteksyon).
Marami sa mga STDs ang pupwedeng maging dahilan ng pangangamoy ng iyong ari. Isa sa pinaka madalas na sanhi ay ang trichomoniasis. Sinasabing may kakaibang matapang na malansang amoy ito o amoy isda.
Kung nakakaranas ka ng kakaibang kulay na lumalabas sa ari kasabay ng iba pang karaniwang sintomas ng STD tulad ng paghapdi habang umiihi, at mabahong discharge, kailangan mong pumunta sa iyong gyno upang maeksamen sa lalong madaling panahon.
Kabilang sa mga nakakahawang STDs ay ang chlamydia, gonorrhea, genital warts, syphilis, at genital herpes.
 
KAILAN KELANGAN MAGPATINGIN SA DOKTOR?
Kailangan magpatingin sa doktor oras mapansin ang mga sumusunod:
·       Pagiba ng kulay, kabuuan o amoy ng lumalabas sa ari
·       Pamumula at pangangati ng ari
·       Pagdurugo sa gitna ng regla, pagkatapos makipagtalik, o pagkatapos ng menopause
·       Pagkaroon ng umbok sa may pepe
·       Pananakit habang nakikipagtalik
 
LUNAS
Narito ang iilang lunas na maaari mong subukan para masolusyonan ang mga simpleng kaso ng pangangamoy ng ari:
1. Yogurt
May mga pagsasaliksik din ang nagsasabi na ang paggamit ng probiotics tulad ng yoghurt ay mabisang lunas para mawala ang bad bacteria sa katawan. Ang purong yoghurt ay may active cultures na inaaalis and bad bacteria sa pamamagitan ng pagdagdag ng good bacteria.
Para malunasan ang mga simpleng kaso ng bacterial vaginosis na nagdudulot ng pangangamoy ng ari, maaari raw uminom ng isang tasang purong unsweetened yoghurt araw-araw. May posibilidad raw na makatulong mapaalis ng yoghurt ang bacterial vaginosis.
Ang isa pa raw na mas mainam na paraan ng paggamit ng yoghurt ay ang paglagay nito sa vaginal area. Pwedeng gumamit ng tampon para dito. Ibabad ang tampon na may yoghurt at iwan ito sa vagina ng ilang oras. Maaari ring gamitin ang frozen yoghurt, ipasok sa vagina para sa madaling ginhawa.
 
4. Hydrogen Peroxide – Ayon sa ilang pagaaral, ang pagbuhos ng hydrogen peroxide sa ari ay nakakatulong sa paggamot ng vaginosis. Ang tinutukoy na hydrogen peroxide dito ay yoong may 3% concentration na nabibili sa botika at kadalasang ginagamit sa paglinis ng sugat.
 
5. Gamot – Kapag ang pangangamoy ay hindi mawala-wala, kailangan mo magpatingin sa doktor upang masugpuan ang problema. Para sa bacterial vaginosis, maaaring magreseta ang doctor ng Metronidazole. Para sa iba pang STDs, maaaring magreseta ang doktor ng mga antibiotics.
Kailangang magpatingin sa doktor upang mabigyan ng tamang klase ng gamot at maturuan ng tamang paggamit dito.
Sundin ang tamang paggamit sa mga ito at huwag itigil kahit nawala na ang mga sintomas.
 
PAANO MAIWASAN ANG PROBLEMA SA MASELANG BAHAGI NG BABAE?
Ang mga sumusunod ay makakatulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng problema sa ari:
1. Pagpapanatili ng tuyo ang ari
Ang pagpapabayang maging basa dahil sa pawis at tubig ng vagina ay isa sa mga rason kung bakit nagkakaroon ng bacteria at fungus dito na siyang dahilan ng infections at nakakahiyang problema dito. Palaging siguraduhin na mapanatiling hindi basa ang vaginal area para maiwasan ang infections. Maglagay ng mild anti bacterial talc para dito na nakakatulong sa iyong balat.

2. Pagsuot ng Maluwang na Underwear at Pantalon
Mas mainam ang pag-iwas kaysa sa pagpapagamot. Marami sa nakaranas ng problema sa vagina ang nakatuklas na isa sa pinakamainam na solusyon ay ang pagsuot ng maluwang na salawal at pantalon. Ito ay dahil kailangan makahinga ang maselang parte ng kababaihan. Hindi nakakabuti sa vagina ang naiipit at nasisikipan, dahil nakikiskis ang balat at pinagpapawisan, na nakakadulot ng impeksiyon. Nirerekomenda ang pagsuot ng cotton underwear at umiwas sa mga masisikip na jeans o pantalon.
 
 
Babala: Gumamit lamang ng gamot na payo o reseta ng doktor. Ang pagkonsulta sa doktor ay makakatulong sa pagtukoy ng ugat ng iyong nararamdaman sa lalong madaling panahon. Halos lahat naman ng kababaihan ay minsan na nakaranas ng problema sa ari, kaya’t wag matakot o mahiyang magpa-check up sa OB gyn, na makakapagbigay sayo ng agarang lunas at paggaan ng alalahanin.

References:

https://www.healthdirect.gov.au/vaginal-irritation-and-infection

 

Centers for Disease Control and Prevention. (2017, August 4). Vaginal Candidiasis. Retrieved from https://www.cdc.gov/fungal/diseases/candidiasis/genital/

Centers for Disease Control and Prevention. (2015, December 17). Bacterial Vaginosis Statistics. Retrieved from https://www.cdc.gov/std/bv/stats.htm

Mayo Clinic. (2016, October 25). Vaginitis. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vaginitis/symptoms-causes/syc-20354707

MedlinePlus. (2017, September 28). Vaginal itching and discharge – adult and adolescent. Retrieved from https://medlineplus.gov/ency/article/003158.htm

 

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)