Bakit Nangangati ang Ari? Dahilan Paghapdi Pagkairita Pamumula ng Kepay Pepe kababaihan Vagina Itchy

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Naranasan mo na ba ang tumatakbo papuntang palikuran o kasilyas habang nasa trabaho? O inaayos ang pantalon o ang pang-ibaba suot upang mapawi ang pangangati ng iyong ari? Hindi ka ang nag-iisa. Milyon-milyong kababaihan ang dumadaing dahil sa pangangati ng kanilang pepe. Ang pangangati ay nakakaapekto sa labia, vulva o iba pang bahagi na malapit sa ating ari. Karagdagan pa rito, ang sobrang pangangati ay labis na nakaaapekto sa pakiramdam ng mga kababaihan at maaari ring makaapekto sa sekswal na pamumuhay, lalo na kung ang pangangati ay sinamahan pa ng masamang amoy.
 
Kung ikaw ay nakararanas ng pangangati ng vagina o hindi maipaliwanag na kahirapan sa iyong maselang bahagi, huwag magalinlangan na magpasuri sa OB/GYN upang matukoy kung ano nga ba talaga ang nangyayari at upang mabigyan ng lunas.
 
Ang pangangati at pagkairita ng anumang bahagi ng katawan ay nagiging sanhi ng pagkabalisa. Ngunit kung ito ay nangyayari sa mga sensitibong bahagi tulad ng kepay ng mga babae (labia, clitoris at vaginal opening), mas lalo itong hindi komportable sa pakiramdam. Ang pangangati at pagkairita ng maselang bahagi ng katawan ay hindi dapat na ikabahala. Ngunit, dahil sa ang pangangati maaari ito ay sintomas ng impeksyon. Mas makabubuti kung magpakonsulta na lamang sa kinauukulan.
 Bakit Nangangati ang Ari? Dahilan Paghapdi Pagkairita Pamumula ng Kepay Pepe kababaihan Vagina Itchy
Ano ang dahilan ng pangangati, paghapdi at pagkairita ng ari ng mga babae?
Mayroong ilang mga karaniwang mga dahilan ng pangangati, paghapdi at pagkairita ng ari ng mga babae, katulad ng mga sumusunod:
 
1. Bacterial vaginosis- Normal lamang ang pagkakaroon ng mabuting bakterya at masamang bakterya sa ari ng kababaihan. Ngunit kung ang bad bacteria ay dumami ng dumami, maaari itong humantong sa impeksyon. Ang ari ng mga babae ay hindi lamang pangkaraniwang bahagi ng katawan, ito ay kinakailangang alagaan ng mas madalas. Ang genital tissues, secretion, natural flora at fauna ay nagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan at makontrol ang amoy nito.
 
Ang Bacteria vaginosis ay malalaman lamang kung doktor ang susuri, ngunit ito ay kadalasang may hatid na:
 
-          Mas matubig kaysa malapot na lumalabas sa ari .
 
-          Mas marami ang lumalabas na kulay grey o dilaw kaysa sa normal.
 
-          Mas malakas na mabahong amoy kaysa sa normal o hindi kanais-nais na amoy.
 
-          Ang nasabing amoy ay mapapansin pagkatapos na makipagtalik.
 
Ilan sa mga kasong ito, kusang nawawala ang ganitong uri ng impeksyon sa paglipas ng mga araw sa pamamagitan ng:
 
A. Kumain ng pagkaing mayaman sa pro-biotics tulad ng mga plain yogurt, kerif at maaasim na pagkain.
 Bakit Nangangati ang Ari? Dahilan Paghapdi Pagkairita Pamumula ng Kepay Pepe kababaihan Vagina Itchy
B. Iwasan ang pagsasabon ng derekta sa maselang bahagi ng katawan, at huwag kuskusin, dahil ang mga ito ay nakakabawas ng mga “good” bacteria sa maselang bahagi ng katawan.
 
C. Maaaring subukan ang mga over-the-counter na gamot. Gayunpaman, kung ang kahirapan ay hindi mo nalunasan sa itinakdang oras, kinakailangan na makipag-usap sa doktor.
 
2. Yeast infection (vaginal candidiasis)- Ang pangalawang sanhi ng pangangati ng ari ay ang yeast infection. Halos tatlo sa apat na babae ay mayroong yeast infection. Ang yeast infection ay nangyayari kapag ang yeast, candida ay labis na lumalago sa ari ng babae. Ang mga babaeng nagdadalang tao, nakikipagtalik, umiinom ng antibiotics at mayroong mahinang immune system ay maaaring mas madaling kapitan ng yeast infection. Karagdagan pa sa pangangati at pagkairita ng ari, ang yeast infection ay sanhi ng malapot, puti o kulay dilaw na lumalabas sa ari ng mga babae. Ito ay kadalasan rin na sanhi ng stress, bago lamang sa pag-inom ng antibiotics, madalas na pagkain ng maasukal at naprosesong pagkain, pagdadalang tao at hormonal changes.
 
Mga sintomas ng yeast infection:
 
-          Kulay puti o dilaw na lumalabas sa ari (bagaman hindi ito madalas na nangyayari- minsan ay walang mapapansin na paglabas sa ari)
 
-          Ang pangangati ay maaari rin maging sanhi ng paghapdi, lalo na kapag umiihi o habang nakikipagtalik.
 
-          Mga pantal
 
Maaaring maipasa ang yeast infection. Kaya kung ang isang babae ay mayroon nito, maaari itong maipasa sa kanyang katalik o maaari itong maibalik sa kanya kung sakaling nakipagtalik ulit sa napasahan niya. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa “pro-biotics” tulad ng mga nakasulat sa number 1. Kung ang mga lumalabas sa ari ay hindi kulay dilaw o grey at wala namang kapansin-pansing alingasaw na amoy, subukang gumamit ng mga over-the-counter na gamot. Muli, kung ang sintomas ay hindi pa rin nawawala sa itinakdang oras, kinakailangan na kumonsulta sa doktor.
 
3. Sexually Transmitted Disease (STDs)- Ang chlamydia, genital herpes, genital warts, trichomoniasis, gonorrhea at iba pang uri ng organismo ay sanhi ng pangangati ay pagkairita ng ari. Kung nakikipagtalik sa iba’t-ibang tao (kahit na gumagamit ng condom), ang pagkakaroon ng hindi protektadong pakikipagtalik sa higit sa isang tao o sa taong pinaghihinalaang hindi tapat sa asawa/kasintahan o kamakailan lamang ay nagpalit ka ng iyong kapareha sa pakikipagtalik, labis na ipinapayo ang agarang pagpapasuri upang matukoy kung mayroong STDs. Kung mayroong STDs, siguraduhin na hindi mo ito maikakalat o hindi mahahawa ang iba upang maging maginhawa ang pakiramdam at wala ng iba pang aalalahanin.
 
4. Menopause- Ang tuluyang paghinto ng buwanang dalaw ng mga babae ay nagiging sanhi ng pagnipis at pagkatuyot ng kanilang ari na humahantong sa pangangati at pagkairita. Ang manipis na ari ay problema rin sa mga babaeng nagpapasuso.
 
5. Chemical Irritants- Ang labis na kemikal tulad ng creams, panlinis sa pepe, condoms, contraceptive foams, laundry detergents, soaps, scented toilet paper at fabric softeners ay nagiging sanhi ng pagkairita ng ari. Ang ating mga gamit sa araw-araw ay mayroong mga kemikal na nagiging sanhi ng pangangati lalo na sa mga delikadong parte ng ating katawan.
 
Kapag gumamit ng sabon, shampoo (ito ay bumababa pa rin sa ating katawan kapag binuhusan) o sabong panlaba ng matagal na oras, ito ay nagdudulot pa rin ng pangangati sa ating katawan. Subukan magpalit ng mga produktong paraben at phthalate-free. Pinakamabuting gumamit na lamang ng mga hypo-allergenic products. Makakatulong ito upang maiwasan ang pangangati at pagkairita ng maselang bahagi ng ating katawan.
 
Sintomas ng sensitibo o allergy:
 
-          Pangangati o paghapdi ng ari kahit na walang mabahong amoy o walang malapot na lumalabas.
 
-          Pamumula ng ari
 
-          Pamamantal o pangangapal ng balat
 
Ang uri ng ganitong pangangati ay tinatawag na “contact dermatitis”, ito ay sanhi ng hindi mabilang na mga bagay: mga scented toilet paper, latex condoms (subukang gumamit ng non-latex condom), lubricants, pang-ahit, at iba pa.
 
6. Lichen sclerosis- Ito ay isang pambihirang kondisyon kung saan nagkakaroon ng puting butlig ang balat lalo na sa paligid ng pepe. Ang butlig na ito ay permanenteng peklat na sa ari ng mga babae. Ang mga babaeng menopause ang kadalasan na nagkakaroon ng ganitong kondisyon.
 
7. Synthetic fibers- Sa kasamaang palad, sa ating modernong pamumuhay, sinisigurado ng fashion industry na maayos ang pananamit ng mga kababaihan, maganda ang pagkakatahi upang maiwasan ang labis na init at pagkakulob ng amoy.
 
Upang maiwasan ang pangangati ng ari at pagkakaroon ng sintomas ng bacteria o yeast infection, magsuot ng angkop na damit. Ang pagsusuot ng cotton na panties ay mas makabubuti sapagkat kahit wala sa tahanan ay makakasingaw pa rin ang maselang bahagi ng ating katawan.
 
Paano malulunasan ang pangangati, paghapdi at pagkairita?
 
Madalas na kusang gumagaling na lamang ang pangangati ng maselang bahagi ng mga kababaihan. Gayunpaman, kung ang pangangati ay nagpatuloy, mas lumala o bumabalik pagkatapos gamutin, magpasuri kaagad sa doktor. Ang doktor ay magsasagawa ng pelvic exam. Marahil ay kukuha rin ang doktor ng kaunting sample na lumalabas sa ari ng babae upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng problemang ito.
 
Paano malulunasan ang hindi komportableng pakiramdam:
·         Nagagamot ng antibiotics o antiparasitics ang vaginosis at STDs.
 
·         Ang yeast infection ay maaaring malunasan ng antifungal na gamot. Ito ay ipinapasok sa ari ng babae, maaaring ito ay creams, ointments, suppositories o iniinom. Maaaring bilhin ang gamot na ito na mayroong iba’t-ibang doses kada araw, tatlong-araw, pitong-araw. Gayunpaman, kung ikaw ay negatibo sa yeast infection, tanungin muna ang doktor bago uminom ng anumang over-the-counter na gamot.
 
·         Ang pangangati ng ari ng mga menopause na babae ay maaaring gamutin ng estrogen cream, tablets o vaginal ring na ipinapasok sa ari.
 
·         Ang paggamit ng steroid creams o lotions ay nag-aalis ng pangangati at pagkairita, kung saan nababawasan ang pamamaga.
 
Sa mga babaeng nasa murang edad pa lamang, importante ang pagsasabi ng anumang pangangati, paghapdi o pagkairita upang maiwasan ang problema, sapagkat ang ganitong sintomas ay madalas na senyales ng sexual abuse.
 
Mayroon bang lunas na makikita sa loob ng tahanan para sa pangangati at paghapdi ng ari?
 
Ilan sa mga paalala upang maiwasan at malunasan ang pangangati ng ari sa loob ng tahanan:
 
·         Iwasan ang paggamit ng scented pads o toilet paper, creams, bubble bath, feminine sprays at panligo sa pepe.
 
·         Kung lilinisin ang maselang bahagi, suguraduhing gumamit ng malinis na tubig at sabon na walang amoy. Hugasan lamang ng isang beses sa loob ng isang araw.
 
·         Pagkataps dumumi., punasan ito ng maigi simula harap hanggang likod.
 
·         Magsuot ng cotton na panties (no synthetic fabrics), at magpalit ng pambaba araw-araw.
 
·         Huwag gumamit ng douche o panlinis sa loob vagina.
 
·         Magpalit palagi ng napkin.
 
·         Gumamit ng condom kung makikipagtalik upang maiwasan ang pagkakaroon ng sexually transmitted diseases (STDs).
 
·         Kung ikaw ay nakararanas ng panunuyot ng ari, gumamit ng pampadulas. Gumamit ng water-based lubricant bago makipagtalik.
 
·         Iwasan ang pakikipagtalik kung ang sintomas ay mas lumalala.
 
·         Huwag ito kamutin, mas lalo itong maiirita.
 
Huwag mahiya na sabihin sa inyong Doktor kung nangangati ang inyong ibabang bahagi. Ang pangangati ng ari ay sadyang nakakahiya para sa mga pasyente. Ang doktor mismo ang madalas na nakakapansin ng mga palatandaan ng pamumula, pangangati o hindi karaniwang amoy na lumalabas habang isinasagawa ng pagsusuri. Ngunit ang magandang balita, lahat ng problema ay may lunas o gamot.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.