Bakit Nangangati ang Balat? Ano ang Sanhi o Dahilan Nito? Mga Tamang Paraan Upang Maiwasan ang Pangangati

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Bakit nga ba nangangati ang ating balat?  Ang pangangati sa balat ay nagdudulot ng pagkainis at hindi komportable dahilan sa di natin mapigil ang pagkamot. Ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon sa balat ay karaniwang nararanasan lalo na kung nalalantad tayo sa iba't ibang mikrobyo, parasitiko at fungi. 
Maaring makaranas ng pangangati, pagsusugat, pamumula, pamamaga, pagkakaroon ng pantal, at matinding iritasyon sa balat. Gayunpaman, sa ilang pagkakataon ang dahilan ng pangangati ay maaring may malalang sakit sa kidney, hepatitis o HIV. Ang nunal na nangangati ay posibleng magiging sintomas ng pagkakaroon ng kanser sa balat. Mahalagang magpakonsulta sa doctor. Upang malaman agad ang kondisyon sa balat at maagapan gamit ang mga panlunas na nababatay rito. May mga krema o ointment na mahusay na panlunas sa balat at nabibili ito sa botika.

 
Mga Uri ng sakit sa balat na Sanhi ng Pangangati
·    Panunuyot ng balat (dry skin) - Pag sinabing dry na balat ang unang maiisip natin ay magaspang at bitak bitak na balat. Sa ganitong kondisyon, makakaramdam tayo ng paghigpit ng balat na parang nanunuyot o nangangaliskis at madalas mapapansin sa paa, braso at puson.
 
·     Alergy sa pagkain (food allergy) -  Ang alergy sa pagkain, ay nangyayari kung ang iyong immune system ay sensitibo sa protinang taglay ng pagkaing kinain o inumin.  Kadalasan ang matinding epekto nito mararanasan ilang minuto pagkatapos kumain. Ilang sintomas nito ay ang pamamantal sa balat, pananakit ng tyan, pagsusuka, hirap sa paghinga, pamamaga ng bibig at pagtatae.
 Kadalasan nakukuha sa mga pagkain ng mani, gatas ng baka, itlog at isda. Kinakailangan masuri agad sa doctor, ang may ganitong kondisyon.
 
·     Alipunga (Athletes foot) - Ang alipunga ay nangangati sa apektadong bahagi ng paa.  Sintomas nito ay ang pagkakatuklap at pangangaliskis ng namamagang paa. Maari din magsugat o mamumula at hahapdi pag di maagapan.
 
·    Pantal sa balat (rashes) - Ang pantal ay isang uri ng pamamaga sa balat. Madali itong makita dahilan sa magaspang at pamumula nito. Ang sanhi nito ay pagka-kagat ng insekto, epekto ng gamot, impeksyon, bakterya sa balat o nakakahawang sakit. Maraming remedyal na gamot nito, ganunpaman ang ibang sintomas katulad ng pagsusuka, nahirapang huminga, trangkaso at pagkakahilo ay dapat mabigyan ng karampatang gamut.

 
·     Kuto sa katawan at ulo (Body and Head lice) - Ang kuto sa katawan tulad ng kuto sa ulo ay nakikita ng mata at makikita ito sa dulo ng balahibo. Nakikita din ito sa damit na sinusuot kasama ang maliit na itlog nito.  
Ang kuto naman sa buhok ay isang insekto na kasinglaki ng linga. Makakaranas ng sobrang pangangati lalo na kung ito ay nangingitlog. Isa sa sanhi rin ng pangangati sa ulo ay ang balakubak na kumakalat sa bahagi ng anit.
 
·     Kurikong (Scabies) - Ito ay sakit sa balat na sanhi ng kagat ng malilit na parasitiko. Ang kagat ng mga insektong ito ay nagdudulot ng pangangati, pamumula at pantal-pantal sa balat.
 
·     Tigdas (measles) - Ang mga sintomas ng tigdas ay lagnat, pamamaga ng lalamunan, walang gana kumain, ubo at bahing, sipon sa ilong, at panghihina ng katawan. Isa sa mga senyales ay ang paglitaw ng mapupulang butlig butlig. Makakaramdam ng pangangati sa katawan tatlong araw pagkatapos lumitaw ng mapupulang singaw sa dulo ng dila.  Madalas tamaan ng ganitong uri ng sakit ang mga bata.
 
·     Bulutong (chicken pox) - Ang bulutong ay karamdaman o sakit sa balat kung saan nagkakaroon ng mga butlig-butlig na may tubig. Maaring mag-iwan ng peklat kung natuyot na ito, at ito'y nakakahawa sa iba. Sintomas ng sakit na ito ay pananakit ng katawan at lalamunan, kawalan ng gana kumain, at lagnat o sinat.
 
·     Ekzema (echzema) - Uri ng sakit sa balat na nangangati at namumula.  Kalimitang nangyayari ito pag ikaw ay may hika o allergy.
 
Mga Uri ng ekzema
1. Atopic dermatitis - Madaling malaman ang may ganitong kondisyon sa balat. Kahit na pangmatagalan ang karamdamang ito unti unti naman nawawala sa paglipas ng taon.  Kadalasan tumutubo ito sa buong katawan, mula paa, kamay, siko, dibdib, leeg, mukha at sa pilik mata.

2.  Iritant contact dermatitis - Ito ay dulot ng napapadikit sa balat, gaya ng mga bagay na may acid, alkaline (gaya ng adhesive), nikel sa mga alahas, rubber o goma, sabon o bareta, at kagamitan sa pagpapatuyo ng buhok o hair dryer. Isa sa mga nakaka-allergy ay ang matinding reaksyon ng iniinom na gamot katulad ng antibiotic, pampahid na krema, ear at eye drops, mga pabango at gamit sa pagpapaganda. Madalas sa mga bagay na ito nakakaramdam ng pangangati at pamumula ng balat.

3. Fungal infection - Isang pangkaraniwang impeksyon sa paa na sanhi ng fungi. Ang an-an, hadhad at buni ay ilan lamang sa uri ng impeksyon na nakikita sa ating mga paa at daliri.
 
Paano Maiiwasan ang pangangati?
Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong kondisyon sa balat. Maiging pangalagaan ang sarili para mabilis maagapan ang mga ito. Bawal gamitin ang sabon at panlinis sa katawan na nakakairita sa iyong balat. Iwasang gumamit ng mainit na tubig upang hindi mamatay ang mga cells na nagproprotekta sa ating balat. Maglagay ng moisturizer para lalong maprotektahan ang balat.  Pumili ng komportableng damit kung saan may magandang tela, at huwag masyadong maglagi sa may mainit na temperatura. Higit sa lahat maiging magpatingin sa doktor (dermatologist) para matulungan kang malunasan ang ganitong kondisyon sa balat.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.