Bakit Nangangati ang mga Mata? Namumula ang mga Talukap Pilikmata Loob ng Mata Itchy Eyes

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Pagsapit ng gabi, halos lahat ng tao ay nagpapahinga at humihiga sa kani-kanilang mga higaan pagkatapos ng maghapong gawain. Nakakatulong din ang tahimik na kapaligiran upang makatulog at maging masigla ang kanilang katawan sa susunod na araw. Kahit na sa ganitong pag-iingat, mapapansin natin na mag-uumpisang mangati ang ating mga mata. Kapag ang mga mata ay nangangati, dahil ito sa dumi sa paligid. Halimbawa, ang pagkukusot at pagkakamot ng mata ay mas lalong makakapagpalala ng kati. Sa pangkalahatan, ang pinakamabisang bagay upang mapawi ang kati ay alamin kung anong dahilan nito, upang ito ay malunasan agad. Ang taong patuloy ang pangangati ng mata sa gabi ay kailangan ng ipasuri sa doktor upang matukoy ang dahilan nito.
 
Uumpisahan suriin ng doktor ang medical history at sintomas ng pasyente. Pagkatapos ay magsasagawa ng physical exam, kasama na rito ang pagsusuri sa mga mata at talukap ng mata. Kapag mayroong lumalabas sa talukap ng mata ng pasyente, ang doctor ay kukuha ng sample na lumalabas gamit ang pamunas. Dadalhin ito sa laboratoryo upang masuri. Kapag nagsuspetya ang manggagamot na ang pangangati ng mata ay allergy, magsasagawa sila ng patch test. Maaari nilang irekomenda na magkaroon ng palagiang pagbisita sa doctor sa mata o ophthalmologist.
 
Mga Sanhi ng Pangangati:
1. Panlalabo ng mata- Ang tao ay mabilis na lumalabo ang mata dahil sa matagal itong nakatutok sa computer screen o dahil sa matagal na pagmamaneho. Ang panlalabo ng mata ay nagiging sanhi rin ng pagkapagod, sakit ng ulo, hirap sa pagtutok, at potensyal na epekto sa paningin ng mahabang panahon. Upang maiwasan ang pagkalabo ng mata, gawin ang 20-20-20 rule: ang pagtingin sa mga bagay ng 20 feet ang layo sa loob ng 20 seconds kada 20 minuto na paggamit ng mga device.
 
2. Allergies- Ang paggamit ng bagay na may mga sangkap na kemikal ay dahilan din ng pangangati at pamumula ng mga mata tulad ng makeup, pollen, at dander. Ito ay tinatawag rin na allergic conjunctivis. Ang allergic conjunctivis (allergy sanhi ng pamumula ng mata) ay isang maliit na reaksyon ng mata dahil sa allergen. Pwede ito ay dahil sa pagkain o sa kapaligiran.
Nakukuha rin ng tao ang pangangati ng mata dahil nakalantad sa mga pusa at aso. Ang paghawak sa mga bagay kahit na ito ay pagkain, halaman, o hayop at ihahawak sa mata ay nagdudulot rin ng pangangati. Kung nangyayari araw-araw ang pangangati, ito ay dahil nasa gitna ka ng kapanahunan ng iyong allergy. Nangyayari ito taon-taon, Kung ang mata ay nangangati, halimbawa dahil sa reaksyon sa aso o pusa, ito ay tinatawag na allergic reaction.
 
3. Tuyong mata- Ang kondisyon kung saan ang mga mata ay walang sapat na pampadulas (tubig) sa buong araw. Kung ikaw ay lantad sa mga bagay na nagiging dahilan ng pangangati ng mata, ang pagkatuyo ng mata ay matagal na gagaling at kailangan ng gamutin. Ang matagal na panunuyo ng mga mata ay nagiging dahilan ng pagkapaso, pangangati, paulit-ulit na panlalabo ng mga paningin at pagtutubig ng mga mata. Ang paggamit ng artipisyal na luha at mga eye-drops para sa pamumula ng mata ay makatulong upang mabasa at maiwasan ang pangangati ng mga mata.
 
4. Atopic dermatitis- Uri ng eczema (sakit sa balat) na nagiging dahilan ng pamumula, pangangati ng balat pati na rin pagkatuyo ng mata.
 
5. Conjunctivitis- Isang nakahahawang sakit na madalas ay kulay pink na mata na nagiging dahilan ng pamumula, pangangati at pagkapaso.
 
6. Blepharitis- Ang pamamaga ng talukap ng mata na nagiging sanhi upang maharangan ang follicle.
 
7. Meibomian gland dysfunction- Kapag ang meibomian glands ay nagbara at hindi na makapaglabas ng sapat na tubig upang mabasa ang mga mata.
 
8. Irritating products- Karamihan sa mga kemikal o sangkap ng mga personal care products ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng contact dermatitis, pagka-irita, pangangati at pagkakaroon ng rashes sa balat. Ito ay reaksyon ng balat sa allergen at kadalasan itong makikita sa makeup o alahas na maaaring maging sanhi ng pagkatuklap ng balat lalo ng sa paligid ng talukap. Ang pamumula ng mata ay dahil sa iba pang nakakairitang mga bagay, ngunit ang makeup at mga skincare ay isa sa mga pangunahing may sala. Ang paggamit ng mga hypoallergenic cosmetics lalo na yung mga produkto na ginagamit sa paligid ng mata ay mas maganda upang maiwasan ang pangangati.
 
9. Pamamaga ng talukap ng mata- Ang medical term nito ay blephariti. Pinakadahilan ay ang bakterya sa balat, balakubak at kondisyon sa balat gaya ng rosacea. Ang blepharitis ay sanhi upang ang eyeballs ay parehong mangati, mamula, magluha, mamaga, matuyo at maging magaspang. Madalas, ang kaliskis ng balakubak ay napupunta sa talukap ng mata. Maituturing na malalang kaso ang paglabo ng paningin, pamamaga ng tissue ng mga mata (especially cornea) o pagkawala ng pilikmata.
 
10. May kung anong bagay sa loon ng mata- Kahit ito ay piraso ng buhangin sa dagat o maliit na butil ng alikabok na napunta sa mata, ang pagkakaroon ng kung anuman sa inyong mga mata ay nagiging sanhi ng pangangati, pagka-irita at nagdudulot ng sakit. Ngunit hangga’t maaari ay ayaw mo itong kamutin upang hindi lumala.
 
Ang pagkamot sa mata na may kung anumang bagay ay nagiging dahilan ng pagkagasgas ng cornea na nagdudulot ng panganib at pagkapunit nito. Kung sa tingin mo ay may kung anuman sa iyong mata, subukang hugasan ito gamit ang tubig o artipisyal na pampatak (tulad ng eye drops na walang kahit na anumang ibang kemikal). Kung ito ay makati o masakit, posibleng ang bagay na pumasok sa iyong mata ay nag-iwan ng maliit na gasgas. Kung hindi mo talaga matanggal ang dumi sa iyong mata, kinakailangan ng tumawag ng doktor sa mata o magpadala sa clinika o sa ER.
 
11. Paggamit ng Contact Lenses- Kung ikaw ay gumagamit ng contact lens araw-araw, makakaranas ka ng pangangati sa maraming dahilan. Ang matagalang paggamit ng contact lens ay nagbibigay ng panganib upang matuyo ang mga mata. Ang allergens ay maaaring maipon sa lenses at magdulot ng mas grabeng allergy sa mata. Maaaring madevelop ang pangangati sa contact lens na tinatawag na giant papillary conjunctivitis. Ito ay allergy na nagdudulot sa mata upang maging sensitibo, mamula at mangati.
 
Lunas sa Tahanan:
Ilan sa lunas na ginagawa sa tahanan ay makatutulong upang malunasan at maiwasan ang pangangati ng mata sa gabi tulad ng:
 
1. Maligamgam na pamunas- Maglagay ng maligamgam na pamunas upang mapawi ang pangangati ng mata. Ang pagdampi sa bandang mata ay makakatulong upang mapawi ang kating dulot ng allergies. Kung ang makating mata ay namamaga, punasan ito ng malamig upang makatulong na maibsan ang kati.
 
2. Malinis sa paligid ng mata- Ang dumi, kemikal at makeup, lahat ng ito ay dahilan ng pangangati ng mata. Panatilihing malinis ang mga mata sa gabi dahil makatutulong upang maibsan ang kati. Kailangang linisin ang nakakairitang bagay sa mata gamit ang malamig na tubig. O kaya, linisin ang mata ng maligamgam na tubig gamit ang malinis na tela. Tanggalin ang kolorete sa mukha bago maglinis sa palibot ng mata.
 
3. Gumamit ng humidifier- Ang tuyong hangin ay nagdudulot ng pangangati dahilan upang ang mata ay matuyo. Maiging gumamit ng humidifier sa kanilang kwarto, lalo na sa panahon ng taglamig o tagtuyot.
 
4. Pag-iwas sa allergens- Ang pagtulog ng nakasarado ang mga bintana ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkalantad sa pollen at iba pang allergens sa labas na nagiging sanhi ng pangangati ng mata.
 
Panatilihing nasa labas lamang ng kwarto ang alagang hayop. Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga balahibo na maaring maging sanhi ng allergy. Ang madalas na paglilinis at pagpapalit ng mga punda ay makatutulong upang malimitahan ang alikabok.
 
5. Itigil ang paggamit ng contact lens- Ang paggamit ng contact lens ay nagiging dahilan ng pangangati ng mga mata lalo na sa gabi. Ang iba ay ginagamit ang contact lens ng buong magdamag na humahantong sa grabeng pangangati.
Sa mga gumagamit ng contact lens o artifisyal na mata na nagkakaroon ng pangangati sa gabi ay kailangan ng itigil ito upang mabigyan ng pahinga ang mata hanggang sa mawala ang nararamdaman na kati.
 
Ang mga disposable contact lens ay makakatulong rin upang maiwasan ang pagka-irita ng mata na nagdudulot ng pangangati ng mga mata sa gabi.
 
6. Sundin ang 20-20-20 rule- Ang pagbababad sa computer ng matagal o paggawa ng mga aktibidad na nagiging dahilan upang lumabo ang mga mata ay nagdudulot ng pangangati sa mata pagsapit ng gabi. Kinakailangan na ang taong palaging nangangati ang mga mata ay sundin ang 20-20-20 rule upang maiwasan ang panlalabo.
 
Sa kada 20 minuto na trabaho sa computer, dapat ay tumingin rin sa iba direksyon at tignan ang bagay na 20 feet ang layo sa loob ng 20 seconds upang makapagpahinga ang mata.
 
Paano maiwasan ang pangangati?
Upang maiwasan ang pangangati ng mata sa gabi, isiping mabuti kung ano ang sanhi nito. Alamin kung ano ang naging dahilan. Ang pag-iwas sa hindi dapat gawin ay makatutulong at mababawasan ang pangangati ng mga mata.
 
Mga hakbang:
·         Pagpapahinga pagkatapos ng mahabang biyahe.
 
·         Pagsusuot ng sunglasses habang nagmamaneho.
 
·         Pagbabasa sa maliwanag na bahagi.
 
·         Pagpapahinga kahit nakatutok sa computer o pagtingin sa ibang direksyon ng mahabang oras.
 
·         Paggamit ng artipisyal na pampatak (eye drops) sa buong araw.
·         Pagsuot ng contacts o glasses.
 
·         Pagposisyon ng computer ng medyo mas mababa sa mga mata.
 
Subukan ang mga sumusunod kapag umatake ang allergies:
·         Pagtanggal ng mga dumi sa pamamagitan ng paglilinis at paggamit ng humidifier.
 
·         Panatilihing nakasara ang mga bintana sa gabi at kahit sa araw.
 
·         Pagtanggal ng makeup bago matulog.
 
·         Madalas na paglilinis ng buhok ng alagang hayop.
 
·         Gumamit ng sapin na pangharang sa alikabok.
 
·         Iwasan ang paghawak sa mata pagkatapos maghugas ng kamay, lalo na kung ikaw ay humawak sa mga hindi dapat tulad ng balahibo ng alagang hayop.
 
Upang maiwasan ang mga sakit na nakakahawa sa mata, iwasan ang paggamit ng mga gamit nito gaya ng salamin. Huwag lumapit ng malapitan sa mga taong may sore eyes at iba pa. Ang mata ay mahalaga sa atin, kaya habang malusog pa ang mata huwag itong abusuhin dahil ang pagsisisi ay nasa huli.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.